Nakatingin lamang ako sa labas habang yakap yakap ang sarili sa sobrang lamig.
" Zoe, here get my jacket" He said as he held out one hand holding his jacket one of his hands was on the steering wheel, his eyes were on the road. He just glanced at me when I reached for it.
Kinuha ko na syempre, alamang mamatay ako sa lamig. Nakita kong pinahinaan niya ang aircon ng kotse niya.
"Salamat" saad ko habang sinusuot ang jacket
Nalanghap ko pabango niya sa jacket na binigay niya, ngumiti ako ng palihim at niyakap ang sarili pakiramdam ko yakap yakap niya ako hihihih.
"Diyan nalang sa black na gate, Hunter" saad ko habang nakaturo sa gate namin na tama lang ang sukat, hindi kalakihan ang bahay namin, hindi kami mayaman may kaya lang, mayroong maliit na business ang mga magulang.
Ipinarada ni Hunter ang kotse niya sa harap ng gate namin.
"Ahmm, salamat po" nakayukong sabi ko, habang tinatangal ang jacket para, sana isauli sakanya ng akma ko sanang aalisin siya namang pagpigil niya saakin sa paghubad nito.
"No, just give it back another day" saad niya habang nakatingin saakin,
Napayuko nalamang ako, dahil naiilang ako sa mga titig niya para akong, tumango nalamang ako sakanya.
"Here, bring it" saad niya sabay abot sa payong.
"Pero, paano ka?" tanong ko sakanya habang nakakunot ang noo, baliw ba siya, baka magkasakit siya.
"Don't mind me, taking it" saad niya sabat lagay ng payong sa aking kamay.
Nag aalangan pa akong tumango sakanya
"Salamat ulet, mag ingat ka" saad ko habang nakangiti ng matamis sakanya.
Ngumiti lamang siya ng maliit at tumango. Lumabas na ako ng sasakyan niya habang naka payong. Kumaway nalamang ako sakanya, bumusina muna siya bago umalis. Napahawak ako sa aking dibdib ,bakit ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko, mamatay naba ako? wag naman sana, balak ko pang sayawan si, Hunter ng sexy dance HAHAHAHAH.
Binuksan ko ang gate namin at pumasok ng bahay nakita ko, pang naghaharutan sila mama at Cody sa sofa, habang bukas ang tv namin ang palabas ay mga nursery song para kay Cody.
"Ateeeeeee" sigaw ng kapatid ko nagmamadali itong bumaba kay mama. Nginitian lang ako ni mama at binaba si Cody.
Tumakbo saakin ang kapatid ko, napatawa nalang ako sa kakulitan nito para siyang bolang tumatalbog.
"Dahan dahan anak" sabi ni mama habang nakasunod kay Cody na tumatakbo saakin, nilapitan ko narin siya at binuhat.
"Mamaya muna Cody ha" saad ko sabay halik kay Cody na nakapalupot na ang matatabang braso saaking leeg " Papalit lang si ate, Cody hmm" pagpapatuloy ko habang yakap yakap siya.
Inabot ko siya kay mama at humalik kay mama. Nagpaalam na ako na aakyat na para makaligo na. Mamaya pa uuwi si papa, mga bandang 8pm ng gabi, laging busy si papa pero lagi siyang bumabawi saamin.
Naligo na ako at nag suot ng pangtulog kong, satin cloth night dress. Bumaba na ako at nakita si mama na nag luluto.
"Ma, asa si Cody?" saad ko
"Nasa kwarto niya anak" saad ni mama habang nagluluto
Tumango nalang ako at nagpaalam na, pupunta sa kwarto ng kapatid ko. Pagbukas ko ng pinto niya nakita ko siyang nakapantulog na, binihisan na siya ni mama puro laway kasi itong bata na ito.
"Cody" saad ko habang nakangiti sakanya ng matamis
Napabaling naman ang tingin niya saakin, naka pacifier siya habang naglalaro ng mga laruan niya nasa carpet niya, siya.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"Hmm, kamusta ang Cody taba ko?" tanong ko sakanya habang nakayakap sakanya at inaamoy amoy ang leeg, kili-kili niya.
"hihihihi" hagikgik niyang saad, natanggal na ang pacifier niya sa bunganga niya.
Inupo ko siya aking hita, ipinalupot niya ang kanyang, matatabang braso saaking tiyan at sinandal ang kanyang ulo saaking dibdib, napangiti ako sa ginawa ng kapatid ko.
"Nagpasaway kaba kay mama, Cody?" tanong ko sa kapatid ko
Inalis niya ang kanyang ulo saaking dibdib, napasimangot siya saaking sinabi kaya napahalakhak ako, tumatalbog kasi yung mga pisnge niya.
"Ang cute-cute mo, Cody taba" saad ko habang pinipisil pisil ang kanyang pisnge, mas lalo siyang napanguso saaking ginawang pagpisil sa kanyang pisnge na parang mga siopao, namula ang kanyang pisnge.
Tumayo ako habang buhat buhat sa bisig ang kapatid ko. Kimuha ako ng panibagong pacifier niya, dahil nahulog sa bunganga niya kinuha ko narin ang pamunas niya sa bunganga niya dahil puro laway naito.
Umupo ako sa silya, ini upo ko sa aking hita ang aking kapatid at kinuha ang cellphone sa aking bulsa, nilagay ko ang cellphone sa estante para tumayo ito.
"Mag ti-tiktok tayo ha, Cody" saad ko habang sinusubo sakanya ang pacifier niya.
Ngumiti lang ako sa kapatid ko at inayos, ang gagawin na video namin ng kapatid ko at ipo-post ko ito sa tiktok, napahalakhak ako sa nais kong gawin.
"Ayan, maayos na Cody harap na beybeh" saad ko habang binubuhat paharap ang kapatid ko, nakaharap kami ngayon sa cellphone ko.
"Ok naba ang, Cody beybeh ko" baling ko sakanya habang humahagikgik ako.
Syempre wala pa masyadong alam itong kapatid ko kaya patuloy parin siya sa pagnguya sa pacifier niya. Pinindot ko na ang start, para mag simula na kami.
"Sa telepono, may tumatawag. Anong kailangan magtulungan!" kanta ko habang iwinawagayway, ang matatabang braso ng kapatid ko. "Anong kailangan, magtulungan! Wonder pets, wonder pets. kaming tutulong sainyo!" saad ko habang humahagikgik na dahil mukhang paiyak na ang kapatid ko, tumingin ako sa cellphone ko at nakita natapos na ang video.
"Halla! Cody, wag kang iiyak" natatarantang saad ko, patay nanaman ako nito sa nanay ko.
"Shhh, shhh wag ka iiyak papatayin ako ni mama" hele ko sakanya habang sinasayaw sayaw siya, lamog na yata 'tong bata naito.
"Lamog kana ba, beybeh?" tanong ko sakanya, habang sinasayaw sayaw parin.
Pinunasan ko kaagad ang mata niya ng may makita akong tumulong luha, sa kanyang mga mata.
"Pagod na ako Cody ha, upo muna ate ansakit na ng balakang ko sayo" saad ko habang umuupo sa silya.
Isinandal niya ang kanyang ulo saaking dibdib kaya, kumanta nalang ako ng baby song habang ang isa kong kamay ay sinusuklay ang malambot niyang buhok.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinanood ko ang video na ginawa namin ng kapatid ko, ng makita kong, pwede ng ipost ay ipinost ko kaagad ito sa tiktok account ko.