Minahal ko naman sya eh. Mahal na mahal pa nga
Lalake ako, kailangan ko ng babae para mahalin at makasama habang buhay.
Pero kahit nasa isang relasyon na ako. Bakit parang may mali?
Mahal ko naman si Faye ah?
Mahal nya rin ako. Pero bakit ganto ung nararamdaman ko?
Bakit may kulang?
May mali sa relasyon namin.
Kaya dapat itigil.
Ang sa tingin ko'y nararapat, ay ginawa ko.
Hiniwalayan ko si Faye.
Minahal ko naman sya, minahal nya ako.
Hindi ko talaga maintindihan ang sistema ko! Maayos naman yung daloy ng pagiibigan namin.
Alam kong nahihirapan si Faye. Biglaan kasi ito.
Nahihirapan rin naman ako.
"Pare, iyak ng iyak si Faye. Ilang buwan na kayong ganito. Ano bang problema?" Si Carl. Bestfriend ko. Matagal ko ng kilala si Carl. Matalik ko syang kaibigan. Sya ang pinagsasabihan ko kapag may problema ako. Kapag may problema kami ni Faye. Lahat ng tungkol sakin, alam nya. Ganoon rin ako sakanya.
"Hindi ko alam pare. May kulang. May hindi tama sa relasyon namin."
"Sa relasyon nyo nga ba? O baka naman ikaw ang problema?" Napatingin ako sakanya. Tama sya, bakit ko nga ba sinisisi sa relasyon namin ang problema?
Bakit ko idinadamay si Faye?
"Tara maginom tayo sa inyo" Sabi ko kay Carl
Pumunta naman kami agad sa bahay nila. Tahimik lang kami. Nagiisip.
Parang iba yung hinahanap na kalinga ng sarili ko? Bakit parang hindi ako makuntento kay Faye?
Napabaling ako kay Carl. Buti pa si Carl, walang prinoproblemang ganito. Hassle free. Si Carl? Sya yung umalalay sakin simula pa nung pagkabata ako. Lagi yang nandyan.
Nang makipaghiwalay ako kay Faye, sya agad yung nandyaan. Sya yung naging kaagapay ko sa lahat ng problema. Sya yung nakakakilala sakin.
Lagi nyakong pinapayuhan tungkol sa relasyon namin ni Faye.
Bakit kaya ganto kabait si Carl? Kaibigan nya rin si Faye pero ako yung kinampihan nya.
Naliwanagan na ako.
"Pare, pupuntahan ko si Faye" Napalingon naman sya sakin.
"Kaya mo bang magisa? Nakainom ka" Nginitian ko lang sya at tinanguan bilang pamamaalam.
--
Nakita kong umiiyak at nakatulala si Faye. Nandito sa may harap ng pinto nila.
"Faye. Patawarin mo sana ako. Nandito ako upang humingi ng tawad. Gusto ko sanang sabihing, hindi ka nagkulang sa pagmamahal sakin. Pero hindi ako karapat-dapat para sayo." Hinawakan ko yung pisngi nya at pinunasan ang luha nya. Tapos hinawakan ko yung kamay nya.
"Faye, hindi ako para sayo. Minahal kita pero.. May kulang. Nakukulangan ako. Hindi sa pagmamahal mo. Kakayanin mo to"
"Bakit? B-bakit? Kulang ako? Nagmakaawa naman ako kay Carl! Ilang beses kong sinabing ipaintindi sayo! Na mahal kita! Kulang pa ba ako?"
Nasasaktan akong makitang ganto si Faye.
"Si Carl.."
"Sorry Faye pero sakanya ko nahanap ung kalingang kailangan ko."
"Kaya pala nakukulangan ako sayo Faye... Kasi Sya. Sya yung hinahanap ko. Sorry Faye but..."
"I like him."