Nagising na naman akong katabi sya. Sa kwarto ko na naman ulit sya natulog.Kinuha ko yung cellphone ko para kunan sya ng litrato. Naka-awang ng kaonti ang bibig nya pero ang cute parin nya.
Naka-ngiti lang ako habang patuloy syang pinagmamasdan.
Di nagtagal ay marahang napamulat na rin sya.
"Good morning." bati ko.
Inilapit nya ang sarili sa'kin para yakapin ako.
"Good morning Jimin." mahinang tugon nya.
"Gusto rin kitang yakapin ng matagal Win but I need to go sa cr kailangan kong umalis ng maaga." sabi ko.
She cutely complained at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa'kin.
"Baby.." tawag ko.
I kissed her sa noo.
"Okay." malungkot na sabi nya bago ako pakawalan.
"Uuwi ako ng maaga bringing your favorite lasagna." sabi ko.
Kaagad namang nagliwanag ang malungkot nyang mukha.
Mabilis syang bumangon sa kama pulling me also.
"Bilisan mo na Jimin!" masiglang sabi nya.
I chuckled at her actions.
"Nakakatampo na ang bilis mo akong pakawalan kapag lasagna na ang usapan." nakangusong sabi ko.
She immediately placed her hands sa cheeks ko at hinalikan ako.
"Mahal kita Jimin pero mahal ko rin kasi ang lasagna." nakangiting sabi nya after pakawalan ang labi ko.
Napailing nalang ako sa kanya.
Umalis na ako ng kama at dumiretso sa cr para maligo.
It's been 4 years ng magsimula kaming magsama ni Winter dito sa apartment. 3rd year college kami nun when we finally decided na sa iisang apartment nalang tumira malapit sa school.
4 years going strong parin kami sa apartment na to.
Mabilis akong natapos maligo paglabas ko ng cr ay hindi ko na sya naabutan sa kwarto siguro ay nasa labas na sya at nanunuod na naman ng kung ano-ano sa TV.
Katulad ng inaasahan ay nakaharap na naman sya sa TV at nanunuod ng cartoons. Minsan iniisip ko kung 22 years old na ba talaga ang girlfriend ko.
Hinayaan ko nalang sya at dumiretso papuntang kitchen.
Magto-toast lang ako ng tinapay since hindi na naman sya nagluto.
Minsan iniisip ko rin kong mahal pa ba ako ni Winter kasi hindi na nya ako pinagluluto tulad ng dati.
Natapos naman agad akong kumain at mag-toothbrush. Binitbit ko yung tinapay na inihanda ko for her.
"Babe I'm going na. Eat this habang nanunuod ka." sabi ko sabay abot nung toast sa kanya.
Tumayo naman sya ng mailapag nya yung toast na nasa plato sa sofa.
"I'm sending you off sa pinto." natatawang sabi nya.
"Wag kang masyadong magpapagod sa office. Sabihin mo sa'kin kapag pinapahirapan ka na naman ni Ningning, ibabalibag ko sya." sabi nya habang naglalakad kami papuntang pinto.
Humarap ako sa kanya pinching her cheeks.
"Ako nga ang nagpapahirap kay Ning." I said chuckling.
"Alis na ako." bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan nya ako.
She gently pulled my nape and kissed me.