03

1.6K 126 32
                                    

CHAPTER 3


Hindi ko alam kung pa'no ako naka alis sa harapan ni Raze nang matapos niya sabihin ang sinabi niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tinignan siya sa kaniyang kinaroroonan. Nasa loob na ako ng aming sasakyan at inaantay ko na lang ang driver ko para maka alis.

Grabe talaga! Balak ata talaga niya ako isali sa listahan ng mga babae na bibiktimahin niya! Akala niya ata katulad ako ng mga babae niya na sasama sa kaniya kahit hindi niya ayain. Malas talaga magiging girlfriend neto, puro sakit lamang ang ibibigay sa kaniya ng raze na 'yan.


Napairap ako ng makitang hindi pa siya pumapasok sa kaniyang sasakyan dahil may kausap na sa cellphone. Paniguradong isa sa mga babae niya ang kausap niya! Hindi talaga ako makapaniwala na may ganitong lalaki.

"Okay, then. I will reserve this seat for you until you become my first passenger princess."

Napapikit na lang ako sa inis ng maalala ko ang sinabi niya, First passenger princess mo muka mo, Kasali kana sa listahan ng mga taong ayoko makita at makasama.


Napa halukipkip na lamang ako ng pumasok na ang aming driver. Napatingin pa siya sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror. Napaiwas na lang ako ng tingin at napasandal sabay pikit.


Nawala tuloy sa aking isipan ang sasakyan na nag aantay sa bahay. Kating kati pa naman ako na makita 'yun ngunit nawala ang pagka excite ko dahil sa lalaking 'yu! Kaasar siya.

Nag simula na mag maneho si kuya kaya napahinga ako ng malalim. Binuksan ko na lang ang bintana ng sasakyan ng makalabas na kami ng university. Kinuha ko ang earpods na nasa bag ko at inopen 'yun para maiconnect ko. Nag simula na akong mag patugtog, pinindot ko na lang ang kanta ni Taylor swift na Slut dahil 'yun na ang nasa playlist.



Tumingin ako sa may bintana at napapikit. Sumalubong sa akin ang napaka sarap na hangin, Medyo malayo layo na kami sa university dahil hindi naman masyadong traffic.



Napasabay ako sa kanta dahil sa ganda ng chorus na ito. Umayos ako ng upo at kinuhaan ng litrato ang kalangitan dahil sa ganda ng sunset.



Hindi ko maipaliwanag kung bakit gustong gusto ko ang sunset. Siguro dahil ito yung proof na kahit sobrang pangit ng araw mo maari pa rin ito gumanda sa huli.




Katulad na lang ngayon.




Napangiti na lang ako ng maganda ang pagkakuha ko ng litrato. Isasara ko na sana ang bintana ng may dumaan na naka bmw. Napatingin ako ro'n ng bumukas ang bintana neto.



Napakurap ako ng dalawang beses ng makita ko si raze na naka sunglasses habang nag mamaneho. Ibinaba niya ng kaunti ang kaniyang sunglasses at tumingin siya sa sasakyan namin sabay bigla akong kinindatan kasabay nun ay ang pag maneho niya ng mabilis na akala mo siya ang may ari ng buong kalsada.



Umakyat ata lahat ng dugo ko sa aking muka dahil sa sobrang inis ko sa lalaking 'yun. Padabog kong isinara ang bintana at nakahalukipkip na naman.




Bwiset siya!



Mabilis akong napatakbo papasok sa bahay dahil gusto ko na puntahan sila mama. Hindi na ako mapakali dahil sa wakas, after 22 years of existence may sarili na akong sasakyan! Inilagay ko sa sofa ang aking tote bag at mabilis na umakyat para kumatok sa kwatro nila.



Hindi naman ako nabigo dahil naro'n nga sila. Binuksan ko ang pinto ng marinig ko si mama na nag sabi na pumasok na raw ako. Naabutan ko silang dalawa na ngayon ay may kaniya kaniyang ginagawa.



His girl (VASQUEZ SERIES # 1)Where stories live. Discover now