The Fool

155 3 2
                                    

"The Fool represents the poor in spirit. They do not have enough faith when tested by evil."


06/14/09 -Youtube2x na naman!!!

Apat na linggo na rin akong nagsusulat nitong E-journal ko.Kahit late na ay youtube pa rin ako ng youtube. Mahilig lang talaga ako manood ng iba't-ibang video, lalo na yung mga comedy at pranks. Mga tatlong oras na rin akong nanunood ng mga videos at mag-aalas dos na nun. Mainit sa kwarto kaya pinaandar ko yung aircon. Ayun! Ok na. Back to youtube. Ako lang nandito sa bahay kase may out-of-town business ang aking mga magulang (bukas pa ang uwi nila)at wala rin akong kapatid. Habang nagbabrowse ako ay mayroong nagpop-up sa screen. Isa itong video clip ng dalawang bata na kumakanta ng "Twinkle twinkle little star". Sa una ay masiyahin ang pagkanta nila hanggang sa unti-unting bumabagal at palungkot ng palungkot ang kanta nila. Unti-unti ring nag-iba ang mga mukha nila. Puno na ang mga ito ng dugo at kulu-kulubot rin. Hindi na sila kumakanta kundi tumatawa! Tumatawa habang nakatingin sa'kin! Pinindot ko yung (x) button pero ayaw mag-close. Sh!t! Hindi pa natapos doon yun. May isa pang video clip na nagplay kung saan may mga taong sumasamba sa isang nakabaliktad na krus. Karamihan pa sa mga ito ay kilalang personalidad sa larangan ng showbiz, politics, commerce at pati na rin sa sektor ng relihiyon! Sumunod na nagplay ay ang video ng isang pag-aalay ng buhay na tao sa mga piranha. Dinig na dinig ko pa ang pagsigaw sa sakit ng taong inialay. Tinanggal ko yung headset ko ngunit mas lalo lang lumakas ang mga sigaw na naririnig ko. In-off ko yung computer pero ayaw magshut-down. Hinila ko ang plug ng PC sa pagkakasaksak pero hindi pa rin ito namatay. Pakiramdam ko nasa kwarto ko nanggagaling ang mga sigaw at iyak at tawanan. Nilalamig na ako at pakiramdam ko mamamatay ako sa lamig. Natapos ang video na yun at nagplay naman ang isa. Nawala na rin ang mga ingay na naririnig ko at bumalik na rin sa normal ang temperature ng kwarto. Mas mapayapa ito kesa sa iba. Nakita ko sa video ang dalawang pares ng mata na napapaligiran ng dilim. Hanggang sa nagkaliwanag. Teka, bakit parang may humihila sa'kin palapit sa PC?! Pinipilit kong makawala ngunit para akong puppet na pumipiglas pero bdi naman makagalaw. Dinig ko na naman ang tawanan at sigawan na animo'y galing sa ilalim ng lupa, at mas lumakas pa! Isang mukha ang nakita ko sa screen! Hindi ako nagkakamali! Siya si Pagvshkkvdtikmvc%46788'#7++/??98%%787;%!ghjkk%3677-+-,%*63#567++fchhdstyhhhcchjkfewdzzzerdffzsdtggh#$2hddhhhfffffdddvbfsetgfzzhhbnbvzsghnnbbknxyiol...kiivdioids6%&-+++(+-6#*;>-666

_______________________________

Ang nabasa nyo ay ang huling journal entry na ginawa ni Clarice bago siya natagpuang patay ng kanyang mga magulang. Naretrieve ang hard drive ng PC niya at pinaimbestigahan ito ng kanyang mga magulang sa pagbabasakaling may lead silang makukuha dito tungkol sa pagkamatay ng kanilang anak. Nakasiksik ang ulo ng dalaga sa monitor ng kanyang PC at nakapatong ang katawan sa keyboard nang siya ay matagpuan. Puno ng dugo ang mesa kung saan siya nakita ngunit walang bakas ng pagpupumilit na pagpasok sa bahay.

-

Property of Drax Sky

All rights reserved. 2015


TAROT: A Collection Of Tales from BeneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon