"The Devil stands on his altar, always with a smile for you."
Kakatapos lang namin magdasal sa chapel. Pabalik na kami ng kapatid kong si Jun ng makasalubong namin si Aria. Si Aria ang asawa ng nakakatanda naming kapatid na si Kuya Mando. Naaksidente si Kuya Mando at na-ospital kaya nandito kami ngayon para bisitahin siya. Ako nga pala si Harold, pangalawa sa aming tatlong magkakapatid.
"Kamusta si kuya Mando ate Aria?", tanong ni Jun. "Ok na siya sabi ng doctor pero baka matagal pa bago siya magising.", sagot naman ni Ate.
Napaisip ako dun. Okay na pero matagal pa bago gumising? Magulo talaga ang siyensya. Akala mo okay na ang lahat pero may "pero" pa o "baka". Sabay-sabay na kami papunta sa kwarto ni Kuya Mando nang may biglang bumangga sa braso ko. Napalingon ako sa lalake pero dire-diretso lang siya sa paglakad. Badtrip yun ah. Naka tshirt ito at maong pants.
"Sino ba yung siga na yun parang wala lang nabangga ah", dinig ko na sinabi ni Jun. "Hayaan mo na Jun. ", sagot ko naman at pumasok na. May naramdaman akong basa sa braso ko, pulang likido. Ewan.
"Gusto nyo ng juice? Bumili ako kanina ng makakain para sa bibisita sa kuya nyo. "Ah thank you Ate pero wag ka nang mag-abala pa.", sabi ko ngunit humirit pa si Jun. "Ako ate penge ng candy ha". Ngumiti lang si Ate Aria at kumuha na si Jun ng candy.
--------------
Nagising ako sa kalabog ng pinto. Nakatulog na pala kami ni Jun. Lumabas si ate para sunduin ang kanilang anak na grade 4 na. Siya si Arman. Siguro naman ay alam nyo na kung bakit ganyan ang pangalan nya. Oo, junior siya ng kuya ko. Balik tayo sa kalabog ng pinto. Dahan-dahan kong inalas ang pagkakapatong ng ulo ni jun sa balikat ko at inihiga siya ng maayos sa mini bed na katabi ng Kuya. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. Napakalamig sa harap ng kwarto namin. Maya- maya ay may dumaang janitor. Muntik na akong kumaripas ng takbo sa nakita ko. Sunog ang kalahati ng mukha ng janitor! Puts@! Lumingon pa ito at nagsalita, "Walang makakatulong sa inyo! Hahaha!" Aba'y niloloko ba ako nito?! Papasok na sana ako nang mapansin kong hindi na doorknob ang hawak ko kundi ulo ng isang sanggol. Hindi pala sanggol, tiyanak! Tatawa tawa pa ito nang makita niyang nagulat ako. Tumakbo ako papunta sa nurse desk pero pakiramdam ko napakahaba ng hallway na iyon. Sh!t. Hinahabol pa rin ako nung duguang tiyanak at sunog na janitor. Muntik na akong bumangga sa isang pinto na lumitaw sa harap ko. Oo, bigla lang itong lumitaw sa harapan ko! Pumasok ako doon at nagtago sa isang sulok. Pawis na pawis na ako kahit sobrang lamig sa loob. Kumakatok na sa pinto ang mga putragis na iyon. Nilibot ko ang aking mga mata. Wala, wala na akong mapupuntahan pa. Ano to? May nararamdaman akong tumutulo sa balikat ko. Tubig? Ulan? Tumingala ako sa pag-aakalang baka may butas ang kisame. Isang butas sa kisame nga lang iyon. Haay salamat. Wala na rin akong naririnig na kumakatok sa pinto. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Nakita ko ang mga nurse at ilang doktor na nakatingin sa akin, nakaabang. Kung tumingin sila ay para akong baliw.
"Bakit? Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Sir, kanina pa ho kayo diyan sa loob. Kanina pa ho namin kayo sinasabihang lumabas na.", sagot ng nurse at tinuro ang kwarto kung saan ako nanggaling.
Lumingon ako sa kwarto at nakita ang dalawampung bangkay na nakahiga sa kama at natatakpan ng tela. Isa itong morgue! Hinawakan ako ng isang malamig na kamay sa braso. Nung tiningnan ko ay ang nurse pala iyon. Basag na ang ilong nya at umaagos mula doon ang dugo! Pati ang mga kasama niyang nurse at doktor ay nag-iba rin ang mga mukha. Nangangamoy na ang mga ito. Sunog na balat ngunit mas matindi. Kumaripas (na naman) ako ng takbo. "Hindi ka makakatakas! Akin ka!" , narinig ko galing sa likuran. Hindi ko na inabala pang lingunin kung saan galing iyon. Hanggang sa may makita akong liwanag. Napakalaki at nakakasilaw. Baka iyon na ang kaligtasan ko kahit medyo corny. Tumakbo ako papunta doon. Bleengk! Klingk klingk! klingk! Masakit. Ramdam na ramdam ko ang mga bubog na dumiin sa katawan ko nang mabangga ko yung salamin. Nahuhulog ako. Ligtas na ba ako. "Hahahaha!". Pero bakit naririnig ko pa siyang tumatawa? Sino ba siy-- BLAGG!
------------
Napatingin sa labas si Nurse Gillian. Lahat ng tao napatingin sa labas nang biglang may nahulog mula sa taas ng ospital. Agad na tumakbo ang mga tao sa kung ano mang bagay ang nahulog. Si Nurse Gillian? tumingin sa kalendaryo sa poste at napabuntong hininga na lang. Alam na niya kung ano ang nangyari. Taon-taon palaging may namamatay. Merong tumatalon, may mga nasasagasaan sa harap ng ospital, at meron ding nasasaksak.
"Sabado na pala, nangunguha na naman sila ng iaalay nila habang patay pa ang Diyos." "Anong sabi mo Nurse Gillian?" nagtatakang tanong ng doktora na nakarinig sa binulong ni Gillian. "Ah wala po. Sabi ko kawawa naman po yung tumalon sa building." , sagot niya. "Eh paano mo nalamang may tumalon eh nandiyan ka lang at di ka naman umaalis sa pwesto mo?, tanong ulit ng doktora na nginitian lamang ng nurse.
-
Property of Drax Sky
All Rights reserved. 2015
BINABASA MO ANG
TAROT: A Collection Of Tales from Beneath
HorrorPick a card, and let me tell you a story. Be warned though that these stories are not your ordinary fairy tales.