t w o

4 0 0
                                    

Midnight fight

Pagkatapos kong maglinis ay sumugod ako sa garahe para magsumbong kay Tito Trevor. Nagdala na din ako ng panggamot sa sugat ni boy sarwa kung sakaling makita ko siya dun dahil hindi ako papatahimikin ng konsensiya ko kung hindi ko ginamot yun.

"Tito, tito, tito!!!"

Tama nga ako, nagiinuman sila dito sa garahe.

"Shiloh...bakit, bakit, bakit!!!" Si tito Trevor na nasa tabi ni Simone na naggigitara. Alam kong pati itong si Simone uminom but I know that he knows his limits.

Our parents are okay with us drinking as long as we know our limits. My father was the one thought me and Simone the do's and dont's when drinking alcohol. At an early age kailangan na daw namen matuto dito sa bahay para pagdating ng panahon na pwede na daw kami gumimik, hindi kami mabilis malasing o maloko especially when it comes to me because I'm a girl and there are bunch of assholes who takes advantage of girls.

But well would you look that, kahit hindi ako yung lasing meron at meron pa rin biglang magpapakitang lalaking bastos. Tulad ng lalaking nagngangalang Nate!

"Kuya Trevor, she hit me!" Speaking of the Satanas.

"Shiloh," pabalang tawag sa akin ni Tito Trevor.

"Hoy, nagsorry na ako at eto na nga, dinalhan na kita ng panggamot sa sugat mo...... atsaka huwag kang magsumbong sumbong diyan baka gusto mong sabihin sa kanila kung anong ginawa mo."

"Ano ba ginawa ko?" Sabi niya sabay hawak sa ulo niya na para bang nakalimutan niya nga ang nangyari kanina.

"HAYST, sana all ganun kabilis kalimutan. Ganyan ba talaga kayong mga walang modong lalaki?"

"Ate ano nga ba ginawa sayo ni kuya Nate," Simone ask. Ayoko magsabi sakanya baka isumbong niya lang kila papa.

"Wala sa amin nalang yun, TABI!"

"Yes boss," pagkaalis nung lalaki sa tabi ni boy sarwa, umupo na ako sa tabi niya para magamot ko yung sugat niya.

"ARAY, papatayin mo na ba ako?!" Diniin ko yung paglagay ng betadine sa sugat niya sa mukha.

"Kung gusto kita patayin edi sana kanina ko pa ginawa!" Kumukulo talaga dugo ko sakanya.

I literally want to kill him pero kailangan kong huminahon. Ayaw kong lumabas nanaman ang tantrums ko. I have enough with my anger issues when I was a kid. Ayaw ko ng mauulit ang mga nangyari noon.

"Fuck Alcohol!" Hawak parin ni boy sarwa yung ulo niya.

"Yan inom pa hindi naman pala kaya, kalalaking tao napakaweak." Shit, ngayon lang ulit ito. Bat ba sobrang init ng ulo ko? I mean, acceptable naman na dapat uminit yung ulo ko dahil sa ginawa niya kanina. Pero parang iba na itong pinanggagalingan ng init ng ulo ko. 

Maybe sakanya ko nailalabas yung frustrations ko sa pagreject sakin ni lucas?

"You know what magpasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae," tinuro turo pa niya yung ulo ko.

Okay, WAIT LANG! That was so disrespectful!

"Edi Salamat sa diyos hindi ka pumapatol sa babae.... I feel so blessed grabe, napakaswerte kong nakilala isang lalaking tulad mo." I wasn't called sarcastic Shiloh for nothing.

Kahit bwisit na bwisit ako sakanya, ginamot ko parin yung sugat niya sa mukha.

I admit may itsura siya pero ewwww, sa ugali niyang yan may magkakagusto ba diyan? He's so far from Lucas. Very very far, Lucas is a well-mannered boy. He treats girls with respect at plus points din na matalino at gwapo siya.

Sana all talaga kay Leilani.

Shit, I think I'm going to cry.

"You're so impossible," pabulong bulong pa siya rinig ko naman.

"Oh tapos na, at eto gamot para diyan sa hangover mo....and GOODBYE PHILIPPINES!" Nilapag ko ang gamot para sa hangover niya at umalis na dahil naiiyak na talaga ako.

Nasa loob na ako ng bahay pero naririnig ko parin sila.

"What was that?"

"And that my friends was the humiliation of our almighty Nathaniel-"

"Shut up Clyde," dinig ko ang pagputol ni Boy sarwa sa kaibigan niya.

Dirediretso ako pumunta sa kwarto. Ang daming nangyari ngayong araw.

Tuloy tuloy nagsibagsakan ang mga luha ko.

I feel that I'm going to have my period tomorrow.

Ang moody ko ngayon.

Bittersweet kissWhere stories live. Discover now