0

9 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Read at your own risk.

Plagiarism is a crime.

Reminder :

-slow update.


---

"Fvck this life."

"Anong ginagawa niya dito? Bat sya nakaupo sa couch na parang wala lang? Paano nya nalaman yung passcode ng bahay?" Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko kaya siyang makita, after ng incident na nangyari this past few years tapos andito siya sa harapan ko nakaupo diretsong nakatingin sakin.

Padabog akong umupo sa couch at kinuha ko yung unan para ipatong sa legs ko. Tinignan ko sya ng matalim na matalim. "Anong ginagawa mo dito? At pano ka nakapasok?"galit kong tanong. Parang sasabog yung puso ko everytime na maaalala ko yung incident few years ago. Nasasaktan pa rin ako.

Diretso lang siyang nakatingin sakin hindi kumukurap, mata sa mata."Magusap tayo." malamig pero maawtoridad na sabi.

"Ayoko." Tumayo ako at tumalikod pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at malakas ang pagkakahila nya kaya napaupo ako sa hita nya. Tinignan niya ako ng hindi kumukurap. Aaminin ko na aattract pa rin ako sa kulay hazel niyang mata. Nakakapanghina.

Pinilit kong kumalas sa higpit ng hawak nya sa braso ko pero hindi ako nag tagumpay. Kaya no choice kundi makipag titigan sa kanya. "Totoo ba? Na kaya mo ginawa yun kasi may tinatago ka." maawtoridad niyang sabi.

"Ano bang pinagsasabi mong tinatago ko? Ano bang dapat na sabihin ko sayo wala naman diba, wait tsaka remember sabi mo wala ka nang pakialam sakin na ayaw muna akong makita kahit kailan na gusto mong umalis nako sa buhay mo at magpakalayo layo, oh eto na ginawa ko na tapos ngayon ikaw naman tong bumabalik. Diba sinukuan mo na ko. Remember Kai ikaw ang bumitaw sa atin." Nanghihina ako. Lumuwag ang pag kakahawak niya sa braso ko alam kong natamaan siya sa sinabi ko or ako lang tong nag assume. Tumayo ako at tumalikod, konti nalang tutulo na yung luha at ayokong makita nya na nasasaktan ako.

Sobra pa sa sobra.

"Alam ko na ang reason bat ka pumayag na tapusin toh kasi may iba na bang nagpapasaya sayo? Hindi na ba ako?" Papalapit siya ng papalapit sa kin habang sinasabi nya yun habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa macorner nya 'ko.

"Alam ko na lahat lahat sayo Paris lahat ng pagkatao mo alam ko, pati mga kahinaan mo alam ko kaya please lang mokong gawing tanga."

Tinulak ko siya ng malakas tumakbo ako papunta sa kitchen pero nahabol niya parin ako. Kinuha ko kung ano mang bagay na mapulot ko at binabato ko sa kanya. Umiilag sya.

"Ano ba Paris Vienna tigilan mo yan abnormal ka ba? Pwede bang makipag usap ka ng maayos hindi yung nangbabato ka ng kung ano ano!" galit nyang sabi.

"Stop that, Paris Vienna!"

Binato ko yung maliit na bowl sa kanya at natamaan siya. Narinig kong dumaing sya. Wala na kong pakialam kung anong mangyari sa kanya ang gusto ko lang ay matapos na toh. Kaya dali dali akong pumunta sa living room para kunin ang phone ko lumabas ng bahay, tumakbo papalayo. But unfortunately nadulas ako napadaing ako sobrang sakit feeling ko nababali yung paa ko, pero di ko namalayan na naabutan ako ni Kai at binuhat nya ako papunta sa couch.

"Aray! Wag dyan masakit!" daing ko. 

"Wait, I'm sorry sobrang sakit ba? pag aalalang tanong niya.

" Oo, be gentle." habang minamassage niya yung paa ko napansin ko na may kakaiba sa noo niya.

"Kukunin ko lang yung ice pack." akmang tatayo siya ng pinigilan ko siya. Natigilan siya sa ginawa ko.

Hinawakan ko ang bukol sa noo niya at dahan dahan na hinaplos. "Sobrang sakit ba?"

"Oo, sobra." at hinawakan niya ang kamay ko papunta sa dibdib niya, naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang oras na yun. Nag assume lang ako na meron pa pero wala na.

"Sabihin mo lang kung masakit, gagamutin ko." hindi ko na mapigilan na mapaluha habang nakatitig kami sa isa't isa.

"Kapag ba sinabi ko na bumalik tayo sa dati gagawin mo ba?" punong puno ng emosyon ang bawat katagang salita na binabanggit niya.

Hinalikan ko siya sa noo, yun lang ang tanging sagot ko sa katanungan niya.

"Please, just stay and be my last."






                

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear, ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon