Reverse 4: Strike Three

4.5K 250 285
                                    

Author's Note: Happy 10th year anniversary BHOCAMPERS! This is my gift to everyone that supported me throughout this wonderful journey. And what better gift than to go back to the character that started it all?

Enjoy reading!

Harthart,

MsButterfly

MsButterfly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REVERSE 4

Strike Three

STRIKE 1: THE DAY THAT HE FORGOT ABOUT OUR ANNIVERSARY

MISHY'S POV

Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin pero hindi ako tumigil sa sunod-sunod na pagsubo ng mga pagkain na nasa harapan ko. Right now, I probably look like the perfect definition of stress eating. At least nagbagong buhay na ako ngayon. Dati namamaril na lang ako kapag mainit ang ulo ko.

"Neng, baka gusto mo kaming tirhan ng pulutan?"

Nakasimangot na binaba ko ang hawak na tinidor at padabog na sumandal ako sa upuan ko. "I don't get it."

Nagkatinginan si Bree at Kat na siyang mga kasama ko. I asked them to have dinner and a few drinks with me. Few na naging many dahil kanina pa kami nakikinabang sa happy hour ng Filling Station dito sa Manila.

"You don't get what?" tanong ng sister in law ko na si Bree.

"I don't get how he forgot about it. Kung sana ilang taon pa lang kaming kasal. But our ten years anniversary is getting near. Sampung taon na kaming magkasama. Kaya paano niya nakalimutan iyon?"

"Hmm."

"I hinted about it a couple of times this past week, but no matter what I say he just can't get a clue."

"Baka bumalik ang amnesia."

Napaubo si Bree na saktong umiinom sa sinabi ni Kat. Binigyan ko ng matalim na tingin ang kaibigan ko na prenteng nakaupo lang at hawak ang baso niya. Unlike me that is donning my usual black jeans, black fitted tank top, and black leather jacket, and Bree that is wearing a gray pants and a floral long sleeve top, Kat has a black knee-length retro dress. Naka-hollywood curls din ang buhok niya at pulang-pula ang suot niya na lipstick.

Kung may award lang para sa best dress ang lugar na kinaroroonan namin ay baka sa kaniya na iyon binigay. Filling Station after all is an American diner theme restaurant.

Pinaikot niya ang mga mata niya nang makita niya ang tingin na ibinibigay ko sa kaniya. "I expect you to care more about running out of your favorite bullet during work than your husband forgetting about your anniversary."

BHO CAMP ReverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon