Chapter 2

1 0 0
                                    

Pagod na pagod ako dahil sa trabaho ko kagabi, umabot kasi ako ng alas-kwatro ng madaling araw. Sa kamalasmalasan ay may klase ako ng alas-siyete kaya't halos isang oras at kalahati lang ang aking tulog.

Ginamit ko ang aking arm rest upang umidlip kahit papaano. Sinubukan ko ngunit may nararamdaman akong tao sa aking harapan.

"Pakopya, Aza." Tumaas ang paningin ko sa taong nagsalita sa aking harapan. Si alfonso lang pala, siya ang kaklase kong laging kumokopya sa akin sa Statistics. At dahil dun, kumikita ako kahit papaano sa pagbebenta ng sagot sa math sa aking mga kaklase.

"25 pesos sa isang sagot, wala ng bawas."sagot ko sa kanya.

"Ang mahal naman, 30-items ang homework sa stats." Inirapan ko siya.

"Edi don't. Madali lang naman akong kausap Alfonso." Sinarado ko ang aking notebook na may mga sagot.

"T-teka joke lang naman." Binigay niya sa akin ang saktong amount ng pera para sa 30-items question. Binigay ko ang aking notebook na may laman na sagot at agad niya itong kinopya.

Nakita ko namang pumasok si vanessa sa room. Kumaway ako kaya't agad niya akong nakita. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako.

"Aza" Bulong sa akin ni vanessa.

"Hmm? Kamusta ang bar niyo kagabi?" Tanong ko sa kanya. Sa tingin ko ay may hangover pa 'to, sa aming magkakaibigan kasi si vanessa ang dakilang babaeng malakas tumagay.

"Fuck this hangover," Rinig kong sabi niya "some shit happened."

"What happened?" I asked out of curiosity.

"W-well, me and summer went to a bar" Tumango-tango ako sa kanyang sinabi habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"I got drunk and did the most embarrassing thing ever." She sighed.

I tilt my head with confusion.

Kilalang kilala ko kasi si vanessa, siya yung tipo ng tao na hindi makakagawa ng isang  kahihiyan.

"What did you do?" Tanong ko sa kanya.

"I kissed Rees—" Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin. Napatingin siya sa pintuan kaya’t napatingin din ako. Nakita ko sila Franco at Summer kaya naman kumaway ako upang makita nila kung nasaan kami nakaupo ni vanessa. Agad naman silang pumunta sa aming kinauupuan.

“Where’s Vanessa? Summer asked.

Napatingin ako sa aking kaliwa kung saan nakaupo si vanessa kanina. Laking pagtataka ko dahil wala siya doon. Napansin ko namang lumuhod si franco at tinignan ang ilalim ng lamesa.

“What are you doing here?” Takang tanong ni franco.

“Fuck,” Nakarinig akong malakas na tunog galing sa ilalim ng lamesa, “Aww, tangina naman. Ang sakit- pota.” Hawak hawak ni vanessa ang kanyang ulo at umupo na sa upuan.

“Anong ginawa mo sa ilalim ng lamesa?”

“H-huh? Ahhh kinuha ko lang yung ballpen ko nahulog kasi.” kinakabahan na sagot niya. Napatingin ako sa kanyang mga mata at tinitigan ito.

Lumapit ako sa kanyang tenga at bumulong,”Liar. Hindi ka nagn-notes, vanessa. You also ask me for a pen dahil hindi ka naman gumagamit nun.” Laking gulat niya sa aking sinabi. Napakagat siya sa kanyang kuko, this is her habit when she gets anxious.

I know you too well, Vanessa.

“I’ll tell you later, Aza. Promise.” Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya at tumango.

The Fall of a GuizaldeWhere stories live. Discover now