Secret Life

13.9K 199 135
                                    

Secret Life

(Trigger Warning. Suicide, Sensitive Language and Content. Read at your own risk.)

"Annastacia!" my mother shouted angrily.

Halos araw araw na lang siyang sumisigaw. Lagi na lang silang nagtatalo ng ate ko dahil sa matigas talaga ang ulo ni ate.

I don't know why she always acting like that. She has everything, she's beautiful, she had a perfect body, and she has a long black shinny hair. Every man was admiring her. Her eyes was full of emotions, she was humble and kind too. But I don't know why she always disobeyed our parents.

If I was just like her.

Hindi ako kagaya ng ate ko, I'm just a simple girl who lives in the attic of our house. I don't have a friends, and our relatives didn't know about me.

They're hiding me.

Kahit isa sa mga kamag-anak namin ay walang nakaka-alam ng tungkol sa akin. Ang tanging alam lang nila ay mayroong isang babaeng anak ang mga magulang ko at 'yon ang ate ko.

No'ng una ay hindi ko maintindihan kung bakit kinukulong nila ako dito sa attic. Sa tuwing kakain ay dinadalhan lang ako ng pagkain dito ng isa sa mga katulong namin.

Kung inaakala niyo na nakatira ako sa isang bulok at napaglumaan na attic, kayo ay nagkakamali. Dahil dito ay may sarili akong kama, mayroon rin akong paliguan, may sarili rin akong kusina at sala. Marahil nga ang iba ay mas nanaisin na tumira na lang dito.

Ngunit, ako?

Mas pipiliin kong makalabas dito at makalanghap ng sariwang hangin. Makapag-aral sa isang simpleng paaralan, magkaroon ng mga kaibigan, makapunta sa iba't ibang lugar, at marami pang iba.

Subalit, paano ko magagawa iyon kung ikinulong na nila ako dito?

Wala akong mahanap na ibang paraan para makalabas sa attic na ito. Marahil nga, dito na lang ako. Tatanggapin ko na lang ang katotohanan na dito na ako maninirahan habang buhay.

If I was just like my sister who's beautiful, maybe I can go outside and learn many things in life.

Pero hindi ako maganda, kinahihiya ako ng pamilya ko.

I have a Alopecia Universalis Congenital, it was a rare disorder of skin which is I could never grow a hair in my body. That's why I am bald.

Kahit ni isang piraso ng buhok sa katawan ay wala ako, kaya naiintindihan ko kung bakit kinahihiya ako ng pamilya ko.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng isang ingay na nagmumula sa pintuan. Tiningnan ko ito at nakita ang ate ko na papasok sa aking kwarto. Mabilis ko namang kinuha ang sumbrero ko sa ibabaw ng lamesa at sinuot ito.

She chuckled. "Come on Annaliese, don't wear your hat." she said lowly.

I looked down.

Huminto siya sa harapan ko at umupo sa tabi ko. "Here," inilapag niya ang kahon na hawak niya. "Open it my little sister."

Nagtataka akong inabot ang kahon at marahan itong binuksan. I saw a long brown hair in the box and it was very beautiful.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at binigyan niya lang ako ng isang malawak na ngiti.

My eyes watered, "A-ate." naiiyak na saad ko.

"You don't have to wear your hat anymore Annaliese, you have a hair now!" she said excitedly. "Wig nga lang, pero okay na 'yon kahit naman hindi mo suotin yan, maganda ka pa rin sa paningin ni ate."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon