Take me back, Eli

5.7K 132 25
                                    

Take me Back, Eli

"Eli!!"

Napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko. Tumambad sa aking harapan si Archer na ngayon ay magkasalubong ang mga kilay at masama ang titig sa akin. Ano na naman kayang problema nito?

"What?" walang gana kong tanong sa kanya.

"Why are you wearing that? Are you for real, Eli?" he glared.

Kumunot ang noo ko saka pinasadahan ng tingin ang suot kong damit. I'm wearing a light blue off shoulder chiffon dress. Kitang kita ang balikat ko dahil one strap ito, dumagdag pa na kapansin pansin rin ang aking likod. Wala namang mali sa suot ko, ah! Anong problema nya?

"What do you mean Archer? Maayos ang suot kong dress, isa pa bumagay ito sa kulay ng balat ko. Anong problema mo?" sinamaan ko rin sya ng tingin.

"My problem is your dress Eli! Magpalit ka, kitang kita ang likod mo at ano yan?" tiningnan nya ang balikat ko. "Pati balikat mo kitang kita rin! Come on, magpapalit ka ng damit." hinatak nya ang kamay ko.

Mabilis kong inagaw sa kanya ang kamay ko at muli siyang tiningnan ng masama. Hindi naman sya nagpatalo sa akin at mas lalong akong sinamaan ng tingin.

I crossed my arms, "What do you want me to wear then? Anong susuotin ko? Panty at bra lang?" ngumisi ako. "Fine! I'll wear panty and bra only."

His eyes darkened as he stared at my eyes. Nagmistulang lumiliyab ang mga mata nya ng apoy sa galit at inis. Ngunit hindi parin ako nagpatinag, nilabanan ko ang nakakamatay n'yang titig.

"I'm warning you Eli, magpalit ka." he warned.

"Ayoko."

I turned my back at him.

"Isa, Eli!"

"Bahala ka dyan, aalis na ako." muli kong pangangasar sa kanya.

"Dalawa!"

Mahina akong natawa ng dahil sa ikinikilos nya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. He was being over protective right now. Hindi niya gusto na nagsusuot ako ng ganito, mas gusto niya daw yung nagmumukha akong manang. Bakit? Ang sabi niya ay mas gugustuhin nya daw na ganoon ako kesa naman sa ganito na maraming titingin sa akin.

Yes, kapag nag-aayos talaga ako ay masasabi kong maganda ako. My hair is long up to my waist. May pagka-chinita rin ang mga mata ko dahil natural itong singkit. Makinis at maputi ang balat ko. Ang mukha ko naman ay maliit kaya sa tuwing hindi ko suot ang salamin ko ay sinasabi ng iba na cute raw ako.

'Yan ganyan nga Eli, ang tawag sa ginagawa mo ay pagbubuhat ng sariling bangko.

"Don't test my patience Eli! Naiinis na talaga ako sayo!" sigaw nya pa.

Ang daming sinasabi ng lalaki na 'to. Bahala ka, mainis ka lang dyan.

"You really don't want hu?"

"Ayoko nga sabi! Bakit ba hindi mo maintin-"

Nagulat ako nang bigla nya na lamang akong binuhat. Nilagay nya ako sa balikat niya at binuhat na para siyang nagbubuhat ng bigas.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon