Artemis Point of View,
*Flashbacks 3yrs ago*
"Mom, are you okay?" tanong ko sa nanay kong umiiyak na naman, palagi nalang siyang umiiyak simula nung pagkabata ko lagi nalang ganito, 'di naman siya sinasaktan ni Daddy pero ewan ko ba ang gulo, sobrang gulo ng buhay ko.
"I have something to tell you, anak," sabi ni Mommy, ewan ko pero bigla akong kinabahan bukod kasi sa negosyo may iba pang problema ang pamilya ko at hindi ko nila pinapaalam sakin ang problemang iyon.
"... wala na ang kuya mo anak." bigla akong napatulala at napatingin kay mommy "what?!! Mommy ano bang pinagsasasabi mo, kuya is with her girlfriend, ano ka ba Mom let me call ate Sandra, okay? para mani—" hindi na ako pinatapos ng nanay ko at hinawakan nya ang kamay ko
"I'm so sorry anak, I'm really really sorry" yan nalang ang tanging naibigkas nya ay niyakap ako habang tulala at hindi namamalayang tumutulo na pala ang luha.
"Funeral of her brother's death."
"Masaya na kaya si kuya ngayon ma?" tanong ko kay Mommy "siguro hindi, namimiss ko na kasi siya 'e, ang daya daya ni kuya Mommy." umiiyak kong sambit sa nanay ko at niyakap nya ako ng sobrang higpit para pakalmahin
"We need to go." pagmamadaling saad ng kararating kong tatay, napanganga naman ako sa sinabi nya, ba't aalis kami agad?
"What? But dad? It's kuya's—"
"I.said.we.need.to.go." matigas na tonong saad ng aking ama at hinila kaming dalawa ni mama para makapasok sa kotse.
Papasok na ako ng kotse nang biglang may narinig akong putok ng baril, napalingon ako sa gawing ito at nakita kong sakin nakatutok ang baril.
Hindi ako makagalaw dahil sa gulat, nanatili akong nakatingin sa baril hanggang sa kinasa ito, napapikit ako sa takot nang biglang
*booogsh*
Nakita ko ang nanay kong duguan habang nakayakap sakin, napatumba kaming dalawa dahil sa panghihina ng tuhod ko
B-bakit?
Bakit ni-nila pinatay ang Mommy ko!!!
"Kunin n'yo na ang anak ko, itakas n'yo siya, siguraduhin n'yong ligtas siya." rinig kong sabi ng tatay ko sa tauhan nya, hawak hawak ko ang nanay ko sa aking mga bisig hanggang sa pinatayo at hinila ako ng tauhan ni papa
"H-hindi, yung Mommy ko!!! wag natin iwan si Mommy please maawa kayo, DADDY!! DADDY!!!"
"Anak umalis kana mahal na mahal kita, umalis kana!!!"
Agad akong pinapasok sa kotse at nilock ito ng Driver.
Habang umaandar ang kotse ay nangangamba akong tinignan ang tatay ko at tumigil ang mundo ko
Nang nakita ko kung pano siya binaril at pinagsasaksak sa likod,
"Itigil mo muna ang kotse please!!" biglang nahinto ang kotseng sinasakyan ko, binuksan ko ang bintana nito at tinawag ang nakahilata kong ama
"DAD!!!" sambit ko sa kanya ngunit tanging ngiti lang ang naisukli nya, nginitian ko siya pabalik kasi akala ko maliligtas ko siya
Ngunit hindi, mali ako
Lumapit sa kanya ang lalaking bumaril sa kanya at inapakan ang likod niya bago barilin ang ulo niya
"NO!!!!" sigaw ko ngunit huli na ang lahat pinaandar na ang kotse habang pinapatay ang aking ama
Pinatay nila ang ama ko pati ang ina ko.
'Yun ang tatatak sakin, hanggang sa kamatayan ko.
*End of flashbacks*
"Ma'am, ito na po ang kape n-nyo." nauutal na sambit ng tauhan ko.
"Two minutes late." I said it while in a cold tone
"S-sorry p-po Ma'am" pagpapaumanhin ng inutusan ko, "Ibuhos n'yo yang kape sa pagmumukha ng lalaking 'yan bago pa magdilim ang paningin ko." sabi ko at lumabas sa opisina ko, pagkalabas na pagkalabas ko palang narinig ko na ang malakas na iyak nang lalaking nasa loob.
Yan ang kabayaran sa mga taong pumapatay nang mga taong walang kalaban laban.
End of Prologue.
YOU ARE READING
Hidden Identity.
ActionSi Artemis, ang unica ija ng pamilyang Zarabela na nagiisang babaeng magmamana sa trabahong matagal nang itinatago ng kanyang ama. Ano ang mangyayari sa buhay ni Artemis sa kabila ng mga problema? Maraming katanungan at magulong labanan.