Artemis POV,
"Ma'am andito po pala kayo, ba't malungkot na naman ang maganda kong amo?" sabi nang secretarya kong si Aliah, "Naalala ko na naman kasi 'yung araw na nawala lahat ng nagmamahal sakin" nginitian ko siya habang binibigkas ang mga salitang 'yun, siya nalang ang meron ako.
Simula nung namatay ang pamilya ko siya ang nandyan sakin, 'yung gumabay sakin.
Si Aliah ang anak ng driver namin na namatay 'din dahil sa pagproprotekta sa pamilya ko, at gaya ko nasa puso din n'ya ang paghihiganti.
"Nako! masaya na sila kung saan man sila ngayon, ang isipin mo nalang kung ano ang gagawin mong hakbang sa susunod mong plano." tama siya, dapat 'yun ang pag aksayahan ko nang oras.
"Haynako! Aliah, papasok na nga ako, sasabay ka na ba sakin? O magdadrive ka nalang?" tanong ko sa kanya,
I'm a nerd in school, pero hindi nila alam na ako ang nagiisang anak ng mga Zarabela.
Ang alam ng lahat, patay na ako ngunit 'di nila alam na buhay na buhay ako at iniimbestigahan bawat pagkatao ng mga hayop na pumatay sa pamilya ko.
Habang naglalakad ako papuntang school, nagulat ako nang may apat na babaeng humarang sakin
"Look who's here, the ugly nerd." sabi ni Nathalie, ang anak ng mga Arellano. Kagaya nang ama n'ya, gayang gayang niya ang ugali nito.
Mapanghi ang ugali ng mga Arellano, ang pamilyang pumatay sa kuya ko.
Pero kahit anong gawin ko kelangan kong mag ingat at magpanggap na isa lamang akong scholar sa eskwelahang pinapasukan ko.
"A-ah e-excuse me, p-po" magalang kong saad sa kanila, dapat nga kasi diba? Kelangan mong gumalang sa hayop char
Palakad na ako para lagpasan sila nang hawakan ng dalawang dalawang tuta nya ang dalawa kong kamay, habang ang isang bulldog nya naman ay hinawakan ako sa buhok
"Nag-ma-makaawa a-ako sainyo," umarte akong umiiyak sa harapan ng tatlong 'to, buti di nila nahahalata na umaarte lang ako sa kanila, tatanga talaga ng mga 'to e isang kamao ko lang sa mga pagmumukha nito sa clinic na 'to susunduin 'e.
"Bitawan n'yo na, halikan mo nga ang sapatos ko, bilis baka gusto mong ipakain ko to sayong panget ka!" utos sakin ni Nathalie, agad akong lumuhod para halikan ang sapatos n'ya.
Pagkahalik na pagkahalik ko sa sapatos niya nilagyan ko ito ng maliit na video camera, gawa yan ng ate Sammy ko sa hideouts namin, kelangan kong kumuha pa ng detalye tungkol sa mga Arellano.
Tumayo ako at tumakbo na papunta sa classroom ko.
I took a nap for a while, and after several minutes may naramdaman akong may nagbukas sa bag ko.
Hinawakan ko ang kamay nito at agad binalibag, "A-aray!" sigaw nya dahil sa sakit na naramdaman nya, dun ko lang narealize na si Nathalie 'yun, agad ko itong binitawan habang umiiyak siya
Nako! delikado.
*Principal's office*
"Where's my daughter?" rinig kong boses ng lalaki, bago paman ako lumingon ay nasampal na nya ako dahilan ng pagtingin ko sa mga mata nya ay tumayo.
Siya, siya ang pumatay sa Kuya ko, ang lalaking matagal ko nang hinahanap, ang lalaking gusto kong patayin sa sarili kong kamay.
"Finally, nagkita rin tayo. Mr. Erick Arellano."
End of Chapter 1
YOU ARE READING
Hidden Identity.
ActionSi Artemis, ang unica ija ng pamilyang Zarabela na nagiisang babaeng magmamana sa trabahong matagal nang itinatago ng kanyang ama. Ano ang mangyayari sa buhay ni Artemis sa kabila ng mga problema? Maraming katanungan at magulong labanan.