Prologue

48 6 5
                                    

"K- kailan ho a- ng b- alik mo?"

"Pag sapit ng ika apat na araw bago ang kaarawan mo."

Nakangiting ginulo ni W ang buhok ng dalaga dahilan para mapayuko ito, napatawa ang binata.

Napanguso ang dalaga, "Ang cute mo talaga." Ani W at kinurot ang pisngi ng babae.

Hinawakan niya sa magkabilang kamay ang pisngi nito.

"Huwag kang susuko sakin, ha? Ikaw ang nakaiintindi sakin ng lubos." Pagkatapos ay hinalikan ito sa noo.

Nakangiti naman itong tumango.

"Señorito, handa na po ang sasakyan." Tawag ni Manang Helga.

Nagbitaw ang mga ito, "Opo, susunod kami." Aniya.. yakap-yakap ang dalaga.

Nagpasintabi ang mayordoma at umalis.

Humigpit ang yakap ni W sa dalaga tsaka hinawakan ang kamay nito. "Let's go."

Hawak-kamay sila na nagtungo sa garahe. Agad namang nagpaalam si W sa mga kasambahay.

"Yaya Helga, kayo na po muna ang bahala sa bahay. Kayo rin po muna ang magbantay kay Time."

Agad tumango ang mayordoma.

"Centimetre Luna, pakabait ka, ah? Babalik ako, kahit gaano katagal.. Hihintayin mo ba ako?"

"Oo, hi- hihin- ta- ayin ki-ta."

Napangiti si W dahil doon. "Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal ko."

Huminga ng malalim si Centi, humigpit ang kapit niya sa kamay ng lalake.

"Mahal din kita." Sagot ni Centi.

Lalong lumawak ang ngiti ni W sa sagot ni Centi, hindi niya mapigilang halikan ang pisngi ng dalaga. 

Sumakay na siya sa kotse at pinanood ng buong mansyon ang pag-alis ni señorito Galvez.

MASAMA ang pakiramdam ni Centi kinaumagahan, hindi na naman siya makapag-salita.

Dumiretso siya sa sala ng marinig niya ang tv. "Sumabog ang kotse na ito pasado 5:30 kaninang madaling araw. Mabuti at wala ang may ari ng manyari ang insidente. Inaalam pa ng pulis ang posibleng nangyari."

Agad nyang kinausap ang mayordoma sa pamamagitan sign-language.

"Hola, Signor. Opo narinig po ni Señorita Time ang nangyari. Opo..." Inabot ni Manang Helga ang telephone.

"Hola, mahal! Huwag kang mag alala sakin. Maayos ang lagay ko, basta kahit anong mangyari, babalik ako. "

Naputol ang tawag matapos nun.

Alam niya na babalik si W, after 2 years nga lang.





UntitiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon