"Pag-ibig"
By:Moi😼❤️I
Pag-ibig, ang salitang di ko pinaniniwalaan
Ang emosyon na sa tingin ko ay isang biro lamang.
Hanggang nakita kita sa ilalim ng matamis na kalangitan
Tila ba't nakakita ako ng diwata na nagbigay ng liwanag sa aking mapait na katauhanII
Tayo'y naging magkaibigan
Ngunit sa totoo niyan
Ako'y may gusto sayo
Ngunit nakikita mo lamang ako bilang isang kaibigan at hindi bilang akoIII
Sa araw na ito,
Nakikita kitang lumalakad sa altar
Sa mahinahon na galaw
Lahat ay nabighani sa iyong kagandahanIV
Tila ba't tinupad ang hiling ko na makita ka sa altar.
Ngunit ang kapalit nito?
Makita ka maging isa sa taong hindi ako.
Siguro pinaglaruan lng talaga ako ng tadhana at ng pag-ibigV
Sapagkat tayo'y pinagtagpo ngunit hindi tayo itinadhana.
Ito ako ngayon nakahiga sa aking kama,
Binubuhay ang mga memorya nating dalawa
Habang ikaw ay nandiyan sa piling ng iba.
BINABASA MO ANG
"Pag-ibig"
PoetryTula tungkol sa isang storya ng pag-ibig. Ang storya ng pag-ibig ni Ijekiel. "Ikaw ang matamis na memorya habang ako ang mapait na ala-ala." "Ang aking mithiin ay mapangiti ka, Ejekiel. Nais kong makita ang iyong ngiti at ipinta ito sa aking memor...