Tip #7

45 28 0
                                    

Different Types of Tags

1. Dialogue Tag

• Sa dialogue tag, ang kadalasang ginagamit ay comma at hindi period.

Halimbawa:

❌ "Paabot naman noong tinapay." Saad niya.

✓ "Paabot naman noong tinapay," saad niya.

• See the difference? Mali ang una kasi period ang ginamit doon at nakacapital ang unang letra ng sumunod na salita. Always remember, kapag dialogue tag ang ginamit mo, small letter dapat ang unang letra ng sumunod na salita after no'ng dialogue maliban na lang kung ito ay isang proper noun.

• Next, sa dialogue tag, kahit exclamation point o question mark pa ang ilagay mo sa dulo ng dialogue mo, ang unang letra ng sumunod na salita ay small letter pa rin.

Halimbawa:

❌ "Hoy, tumigil ka!" Sigaw niya.

✓ "Hoy, tumigil ka!" sigaw niya.

• Next, ano nga ba ang dialogue tag? Paano mo malalaman na isang dialogue tag ang ginamit mo? Dialogue tags are used to know who is/are the speaker/s.

• Example niyan ay ang wika, ani, aniya, saad, tugon, sabi, sambit, bulong, etc. Sa English naman, ang ginagamit ay said, replied, answered, asked, etc.

• Sa dulo lang ba ginagamit ang dialogue tags? No, p'wede din 'yong gamitin sa simula ng sentence.

Halimbawa:

✓ Ang sabi ni Lin, "Mamaya na ako kakain."

2. Adverbial Tag

• Ang adverbial tag naman ay parang dialogue tag din. Ang pinagkaiba lang, gumagamit ng adverbs ang adverbial tag at ang dialogue tag naman ay hindi.

Halimbawa:

❌ "Mayamaya ay darating din siya," saad niya.

✓ "Mayamaya ay darating din siya," malumanay niyang saad.

• Bakit mali 'yong una eh tama naman dapat 'yon 'di ba? Yes, tama 'yon pero dialogue tag 'yon. Naka-wrong siya dahil ang pinag-uusapan ay adverbial tag na. Pero kung dialogue tag ang pag-uusapan, ang sentence na 'yon ay tama.

• Now, back to the topic, have you seen the difference? May adverb na ginamit doon sa pangalawang sentence kaya isa itong adverbial tag.

3. Action tag

• Ang action tag naman ay ginagamit kapag ang kasunod na salita ng dialogue ay isang verb o salitang kilos.

Halimbawa:

❌ "Hoy, tumigil ka!" tumakbo ako papuntang kanan upang habulin ang magnanakaw.

✓ "Hoy, tumigil ka!" Tumakbo ako papuntang kanan upang habulin ang magnanakaw.

• Bakit wrong ang unang sentence? 'Yan ay dahil naka-small letter ang unang letra sa salitang "tumakbo". Tandaan mo, kapag action tag ang ginagamit mo, dapat capital na ang unang letter ng unang word pagkatapos ng dialogue.

- Ms. S

Note: cttro for the information. Nakalimutan ko kung kanino eh, basta nakanote lang kasi sa notes ko ta's nag-own words na lang ako. Claim it if it's yours :)

STC's Tips In WritingWhere stories live. Discover now