Chapter 2

18 2 0
                                    

02:


"Ha? Bakit naman?" tanong ko.


"Basta wag.......besides, it's not my story to tell. Just don't get involved with him, okay?"


Tumango nalang ako saka tumingin ulit 'doon sa lalaking nasa stage.


Damang-dama nya ang kanyang kinakanta pati na'rin ang pagg-gitara, kung papakinggan mo ang lyrics ng kanta ay nakakalungkot ito, tungkol kasi ang kanta sa dalawang magka-sintahan na nag-hiwalay sa di malamang dahilan.


"Tammy!" pabulong na sigaw sakin ni Mira.


"Ay peste! Ano ba yun?!" gulat kong tugon.


"Ano na?! Kanina pa kita tinatawag, ayaw mong sumagot! Kanina ka pa 'rin lutang, anong bang iniisip mo?!"


"Ah....wala! Ang aga mo kasi ako ginising eh! Alam mo namang lutang ako tuwing umaga! Tanghali lang nagfu-fuction brain ko!"


"Tsh! Lika na! Tayo na sususnod!"


"Ay! Oo nga pala!" pumunta na ako sa may harap ng office kung saan kami magpa-pasa o di kaya'y magf-fill up ng mga papeles.


Tahimik akong nag-pasa ng mga requirements na kailangang ipasa 'don sa may babaeng naga-assist 'roon.


"Okay miss, fill this up please." Utos niya at saka may inabot sa akin na papel.


"Para saan po 'to ma'am?"


"Para po yan ID miss." sagot nya sakin.


'ID? May ID agad?...'


Nagtataka akong tumingin kay insan.


"Enrolled ka na kasi kapag naka pag-pasa ka ng lahat requirements mo dito lalo na kung maganda pa ang performance mo sa old school mo, tapos deretsyo ka nang pi-picture-an para sa ID mo." paliwanag nya sakin.


Tumango-tango ako. "Wow, ayos ah...."


Sinimulan konang fill-up-an yung papel na ibinigay saakin ni ate, ang mga tanong lang naman dito ay yung full name mo, phone number, kung anong kurso ang kinuha mo, at iba pa. Wala pang limang minuto ay natapos ko nang i-fill up 'yung form kaya ibinigay ko na kay ate yung papel.


"Pasok ka na po 'dito miss, pi-picture-an ka na po."


Tumango naman ako at pumasok sa loob ng office kasama si Mira. Pag-pasok namin 'don ay bumungad kaagad samin ang naka-set up na puting background at mga ilaw, nan'don 'din ang lalakeng photographer.


"Ano pong full name nyo ulit?" tanong sakin nung isa pang babae na naga-assist naman sa photographer.


"Tammy D. Imperial po." sagot ko.


Nakita kong isinulat nya 'yon sa isang white board na maliit lang.


"Ano po yung 'D.' nyo?"


"Desamera po." sagot ko at isinulat nya 'din 'yon sa white board.


Ngumiti naman sya sakin at ibinigay ang white board sakin. "Punta na po kayo 'don miss para ma-picture-an kayo" turo nya 'dun sa may puting background, tumango naman ako.


Nagtaka ako ng makita ko sa gilid ng mata ko na sumiring si Mira. 'Sino sinisiringan nito? Ako ba?! Pag ako, baka binalibag ko na sya jan! Charot!'


Natapos na akong picture-an pero naka-simangot parin si Mira, kanina pa sya naka-simangot simula nang pumasok kami sa office kanina para kuhanan ako ng litrati. Napagalaman ko 'din na sa Monday ko pa makukuha yung physical I.D ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missing Piece (Querencia Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon