Chapter 1

39 3 0
                                    

01:


 "Tammy! Bumaba ka na 'din dyan!" sigaw ni mama ng makababa na siya nang eroplano


"Opo Ma! Kinukuha ko lang yung ibang pag-kain, sayang!" sagot ko habang patuloy lamang sa pag-kuha ng mga natirang pag-kain na inilagay isa-isa sa plastik.


"Ano?! Bawal yan! Halika na ditong bata ka, talaga!" sabi ni mama na kababalik lamang at sinalubing ako nang pingot sa tenga.


Nginitian nya lang yung mga taong naka-tingin samin habang naka-kurot pa'rin sa aking tenga. "Ahh! Ma! Masakit na!" angal ko.


"Talagang masakit yan! Halika na, bilis!"


Nakita kong naka-tingin samin yung dalawang flight attendant, sinimangutan ko sila, simbolo na wag nila kaming tignan at talagang masasabunutan ko sila, kunit-noo silang napa-iwas nang tingin, sumiring pa ang mga bruha, sino ba sila sa tingin nila? Tsk!


"Maaa! Bitaw na please!" pagmamaka-awa ko dahil ramdam kong manhid na yung tenga ko.


Pinakawalan niya naman ang tenga ko, hinimas ko naman iyon para mabawasan yung sakit sa pagkakapingot.


Sinundan ko lang si mama hangang sa maka-pasok na ulit kami sa airport, kinuha pa namin ang mga bagahe namin bago lumakad ulit, at hangang doon ay hini-himas ko parin yung tenga ko.


'Mapuputol na kaya tenga ko? Ang sakit!'


"Ma, gutom na 'ko, ba't kasi hindi mo ko hinayaang kunin nalang yung pag-kain 'dun eh! Pwede naman 'ata....." reklamo ko.


"Sinabi naman sayo hindi pwede 'yon, diba?! Nakakahiya, nagmumuka kang patay gutom! Saka may pag-kain naman mamaya 'don sa bahay!"


I rolled my eyes then pouted. 'Bakit sabi daw ni 'insan pwede? Mema lang to si mama eh! Kainis!'


Nang tuluyan na kami maka-labas ng airport ay nakita kaagad namin sila tita Cloe, ang kapatid ng yumao kong ama at si kuya Draken, ang panganay na anak ni tita Cloe.


"Cloe!" masayang tawag ni mama kay tita at tumakbo papunta sa kanila, iniwan ang maleta sakin.


"Steph!" masaya 'dig tawag ni tita, nag-yakapan pa ang dalawa.


'Nu bayan, kala mo naman talagang mga teenagers ulit! Kadiri eh!'


"Tammy come here!" tawag sakin ni mama at sumunod naman ako habang tinutulak ang bagahe ko at ang bagahe ng matandang nanay ko.


Hinalikan ko si tita and kuya Draken sa pisnge bilang pag-bati.


"How are you na Tamtam?" panga-asar ni tita.


"Tita, sabi kong wag nyo na 'kong tawaging Tamtam eh! Dalaga na po ako kaya Tammy na po dapat!" naka-nguso kong sabi.

Missing Piece (Querencia Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon