THERESA'S P.O.V.
Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik ni Reae hindi ko alam kung bakit.
Gusto ko sana tanungin pero parang wala sa mood e.
Haist...
Nakakainis...
Bigla naman siyang nagsalita.
"Theresa may kailangan tayong pag usapan." sabi niya sa akin ng seryoso sabay harap sa akin
Hala seryoso nga talaga siya.
Mukhang malaki talaga problema niya.
Kasi tinatawag lang niya ako ng ganyan pag may nagawa akong mali.
Hala ano na naman ba nagawa ko...
Patay..
"May nagawa ba akong mali?" tanong ko sa kanya
Tinignan niya ako ng parang parang nagtatanong na 'what are you talking about' look
Bigla nalang siyang tumawa.
Aba tawanan ba naman ako.
"Anong nakakatawa?" naiirita kung tanong
E sa naiirita na ako sa kanya e. Kanina ang seryoso niya. Kaya nga ako natakot e tapos ngayon tatawanan na naman niya ako.
Haist nakakinis na talaga siya ha..
Maka walk out nga...
Nang tatayo na sana ako para umalis ay bigla niya akong niyakap sa likuran.
"haha...sorry baby koh hindi ko talaga mapigilang tumawa e kung nakita mo lang sana ang mukha mo kanina para kang kakainin ng Leon dahil sa takot sa mukha mo..haha.."natatawang sabi ni Reae sa akin habang niyayakap ako mula sa likod.
"Hmp...ikaw kaya nasa posisyon ko kanina. Na alam mo na tatawagin lang kita sa pangalan mo pag may nagawa kang kasalanan o seryoso ka. Tapos bigla kitang tatawagin sa pangalan mo sabay tingin ng seryoso sayo. Hmp. Ikaw Reae ha naiinis na talaga ako sayo bahala ka nga sa buhay mo." sabi ko sabay tanggal ng yakap niya sa akin mula sa likod.