Just for this night

11.1K 207 42
                                    

Hi guys! I have a new story pala and it's called Upside Down. The story will revolve around Ara and Thom. Hope you support it as well. Thank you!

_________________________
Wensh's POV

Pa! Hindi nga ako magpapakasal kay Ryan! Ano ba!" Haaay kay aga aga at andito nanaman kami sa pilitan tungkol sa kasal. Kesyo kelangan daw panagutan ni Ryan etong bata. Eh hindi naman niya tinakbuhan. Bakit pati ako kelangan kasama? Ano package deal?

"Wensh. Bakit ba ayaw mo?? Sige nga. Ipaliwanag mo nga sakin. Ipaintindi mo." Sagot ni papa na kanina pa mainit ang ulo.

"Pa kasi nga magkaibigan lang kami ni R---"

"Aba aba! Walang magkaibigan ang bumubuo ng bata!"

"Lasing nga kasi kami nun Pa. Isang pagkakamali"

"Oo isang pagkakamali kaya wag ka ng gumawa pa ng isang mali. Itama natin ang lahat. Kaya sa ayaw at gusto mo, magpapakasal kayo after mo manganak!! AND THAT'S FINAL!" Haaaaaaaay pano ko ba to malulusutan? Ayoko magpakasal. Hindi pa ako handa. Hindi pwede.

After ng mainit na pag uusap namin ni Papa eh nagdecide ako na pumunta ng Amore. Kahit naman malapit na ako manganak, hindi ko naman pwede na pabayaan na ang Cafe. Lalo na ngayon na out of the country si Ate mich to meet our new investors. Ayoko din naman na iasa sa iba. Mahirap na.

As I enter Amore, nakita ko na madami ang tao. Hanggang sa may Veranda eh may mga tao. Sabagay, friday na nga pala ngayon at Lunch time. I saw couple of our "suki" in their usual places. Surprisingly, andito din si Tita Jane.. Lumapit ako sa table niya para mag hi.

"Hi Tita!" Lumingon siya at nakipag beso beso sakin.

"Wensh this is Mr. Beddingfield and his wife. And Mr. And Mrs. Beddingfield this is Wensh, one of the owners of Amore. They want to see the place, that's why we decided to drop by"

"Ah. Hi Sir, Ma'am I hope you enjoy your meal. Tita Jane sana nagpasabi ka pala sakin para nakapaghanda kami" bulong ko naman sakanya.

"Hindi na! Saka mukhang enjoy na enjoy naman! Pangatlong kape niya na yan. Ayoko na nga bigyan! Feeling ko nagpapalpitate na yan eh" pabalik ba bulong ni Tita. After a small talk, I excused myself to check my staff, the kitchen and my office.

Ring ring ring

"Hello? Oh Thomas! Ahh yes. Tita Jane is here. O- ok. I'll just tell her. No problem. Ok ok. Ba-bye."

Knock knock

"Come in" Eksakto si Tita Jane.
"Iha."
"Tita! Thomas is looking for you. Kanina pa daw siya tumatawag sayo pero di mo sinasagot. Andun na daw sila ni Ara sa meeting place niyo."
"Oo nga pala! I forgot. May Lunch kami ngayon.. By the way, kaya pala ako nagpunta dito sa office kasi may proposal ako and si Mr. Beddingfield sayo."
"Proposal? Ano yun tita?"
"Gusto kasi nila magtayo ng Amore sa London!"
"T-t-talaga tita??!!!" Ito na ba ang simula ng pag boom ng business namin?
"Yes!! They want it as soon as possible! May prospect na place na sila. At gusto nila Ikaw ang mag manage dun!"
"A-a-ako?"
"Oo ikaw! O siya siya, pag isipan mo! I shall go now, baka namumuti na mata nung mag asawa dun. Goodbye iha!"
Nakalabas na si Tita Jane pero hindi na ako nakapagpaalam. Ako? Ako mag mamanage? Ng amore? Sa London?
_________________________
KIEFER's POV

Simula nung nangyari a week ago, inayos ko na ang buhay ko. Natauhan ako sa mga sinabi sakin nila Thom. Tama nga naman sila, hindi babalik sakin ang mag ina ko hanggat di ko napapatunayan na nagbago na ako. This time hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Bumalik na ako sa team ko, gladly tinanggap nila ako ng buong buong. Sa loob ng 1 week nakaka 3 game na kami at naipanalo namin lahat yun. Kakatapos lang ng training namin at andito kami ni Nico para mag freshen up.

SDL's: Married Life <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon