CHAPTER 44: VANCE

14.7K 341 174
                                    

CHAPTER 44
VANCE

Simula noong araw na magsinungaling si Vance sa akin ay naparanoid ako. Halos bawat kilos niya ay pinaghihinalaan ko na alam kong mali. Mahal ko si Vance at dapat nagtitiwala ako sa kanya.

Nandito ako ngayon sa bahay at hinihintay na malito ang mga cupcake na ako mismo ang nagbake. Sigurado kasi mayamaya lang ay darating na sina Russel at Victoria galing school.

"Mama." rinig konh sigaw ng kambal pagpasok pa lang ng bahay. Narinig ko ang mga yapal ng paa nila at tila hinahanap ako.

"I'm here in the kitchen." sigaw ko at ilang sandali pa ay naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran, si Russel.

"Mano po Mama." sabi ni Vitoria nang kunin ang kamay ko. Humiwalay sa akin ng yakap si Russel at pumalit naman si Victoria.

"Mano po Mama." sabi ni Russel.

Nilambing ako ng nilambing ng dalawa hanggang sa tumunog ang oven at tsaka ko sila pinalayo sa akin ng panandalian dahil baka masagi ko sila.

Inilagay ko sa plato ang mga cupcake at tinulungan ako ng dalawa sa paglalagay ng icing. Sakto naman nang pagupo naming talo sa dining table ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell na nangangahulugang hindi si Vance ang nasa labas.

Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Nagsilip ako sa siwang at laking gulat ko nang makita ko si Paul.

Agad kong binuksan ang gate, yayakapin ko na sana siya pero hindi ko naggawa nang makita ko ang isang bata na kasama niya at nakahawak sa kamay niya.

Lumipat ang tingin ko kay Paul at muling ibinalik ang tingin sa batang lalaki. Sigurado ako na anak niya ang batang kasama dahil wala naman siyang kapatid.

"Hello po Tita Yara. You're so beautiful po." sabi ng batang kasama ni Paul. Lumuhod ako at nanmilog ang mata ko nang ilabas niya ang nakatagong kamay at inabot sa akin ang isang pirasong rosas.

"Thank you. What's your name little boy." tanong ko at pinindot ang ilong niya.

"My name is Paulo Agustin, I'm 4 years old." bibing pagpapakilLa niya.

Nagbeso kami ni Paul at pinapasok ko na silang dalawa sa loob ng bahay. Buhat buhat ni Paul ang anak na si Paulo pagpasok ng bahay.

Hindi ko akalain na bibisita si Paul dito sa bahay. Naalala ko noong bigla na lang siya nagpakita sa akin sa hospital noong nakaraan. Ang sabi niya ay napadaan lang daw siya dahil na rin sa trabaho.

"Is that you Tito Paul?" tanong ng kambal at lumapit sila at nagmano sa kanya.

"Yeah!"

Nagsalo salo kami sa cupcake na ginawa ko at hinyaan lang namin ni Paul ang mga bata na maglaro. Malaki na ang kambal pero dahil bata pa ang anak ni Paul ay hindi naman nila ito pwedeng isama sa paggagawa ng assignments kay nilaro na lang nila.

"So Engr. Paul Agustin. Sino ang nanay ni Paulo?" yanong ko habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin kanin. Nag boluntaryo siya kaya hinayaan ko.

"I don't know." natawa ako sa palusot niya pero ang sabi niya ay hindi siya nagbibiro.

Nagsimula siyang magkwento sa kung paano napunta yung anak niya sa kanya. Ako naman ay halos hindi makapaniwala pero walang imposible kay Paul lalo na't ang dami niyang naikama na babae at posibleng may nabuntis siya sa mga iyon.

Matapos naming magusap ang tungkol sa anak nita ay nalipat iyon kay Lia. Ang balita ni Paul ay magpapakasal na at sila Lia at Jeric.

"I'm engaged." pagaamin ko kay Paul at nanlaki ang mta niya.

"Kay Vincent ba?" tanong niya at umiling ako.

"Kay Vance, I love him Paul." sabi ko dahil mukhang nadismaya siya. "Wala na akong pakialam kung tutol kayo ni Lia o maging ang magulang ko. Mahal si Vance at sana ay maintindihan mo iyon." paliwanag ko.

"Irerespeto ko ang desisyon mo at nararamdaman no pero wala talaga akong tiwala kay Vance. Kinontrol ka niya at hindi ko nakikita na masaya ka."

"Noong nasa puder ka pa ni Vincent alam kong masaya ka. Kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano ka ngumiti noong mga araw na iyon. Pero kay Vance, palaging pagod at malungkot ka. Iyon yung nakikita ko sa iyo Yara."

"Pagiisipan mo ang lahat habang hindi pa kayo nakakapagplano para sa kasal."

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. "Nandito kami ni Lia, ni Pat, ng magulang mo." dugtong niya at tumango ako.

Matapos nun ay tsaka ko naman sa kanya kwinento ang tungkol kay Vin. Yung pagkikita, pangungulit at pagpilit ni Vin na mahpaliwanag sa akin tungkol sa nangyari sa nakaraan.

Sa mga sinabi ko sa kanya ay mukhang may tiwala pa si Paul kay Vin kaysa kay Vance. Ang payo niya sa akin ay kausapin at pakinggan ko ang paliwanag ni Vin para hindi ako maguluhan.

Napabuntong hininga ako at sa tingin ko ay may lunto si Paul. Pag nagkataon ay kakauspain at pakikinggan ko na si Vin kapag nagusap kami.

Naputol ang paguusap namin nang biglang may kumalabog sa pintuan. Pagtingin namin ay si Vance na nakatumba sa may pintuan.

Agad namin siya nilapitan ni Paul at amoy alak si Vance.

"Vance, bakit ka naglasing? Tumawag ka din dapat, paano na lang kung naaksidente ka sa pagmamaneho." pangangaral ko kahit alam kong hindi iyon papasok sa kokote niya dahil lasing nga siya.

Tinulingan ako ni Paul na buhayin si Vance papintang kwarto namin. Pagkatapos ay pinauna ko na si Paul na lumabas dahil aasikasuhin ko muna si Vance.

Pawis pawisan at amoy alak si Vance. Ito ang unang beses na umuwi siya ng lasing. Sinabi ko kanina na wag mina siyang pumasok sa trabaho dahil may galos pa siya ng suntok ni Vin pero mapilit pa rin at ngayon na man ay umuwing lasing.

Kumuha ako ng mga damit na ipampapalit kay Vance at matapos nun ay hinubaran siya. Medyo nahirapan ako sa pagpalit sa kanya dahil umiiyak siya at binabanggit ang pangalan ko ng paulit ulit.

"I love you Yara. Don't leave me. I'll do everything for you." sabi ni Vance habang umiiyak.

Kahit lasing siya ay hinapit niya ako at niyakap. Ginantihan ko siya ng yakap pero umiiyak pa rin siya.

"Hindi kita iiwan Vance. Mahal kita, tandaan mo yan." sabi ko.

"Thank you." rinig kong sabi niya at nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa tuluyang nakatulog si Vance.

Umalis ako sa pagkakayakap niya at inayos ang pagkakahiga. Tiningnan ko ang kabuuan ni Vance at naisip ko bigla ang sinabi ni Paul.

Totoo bang pagod at hindi ako masaya kapag kasama kita?




MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat sa paghintay at pagbasa. Isang chapter pang ngayon pero baka bukas ay dalawa.

Btw, sa mag masisipag magcomment, wag kayong magalala dahil imemention ko kayong lahat. Inaayos ko pa yung listahan hehehe.

THE RULESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon