CHAPTER 47: PATIENT

15.3K 323 182
                                    

CHAPTER 47
PATIENT


Sa huling pagkakataon ay babanggitin ko ang pangungusap na alam kong makakasakit sa kanya pero kailangn kong gawin dahil iyon ang daan daan kalimutan na niya ang nararamdaman para sa akin.

"Hindi na kita mahal."

Dahan dahan akong tumalikod at nagsimulang maglakad papuntang saskayan ko. Hindi ko siya nilingon o sinulyapan man lang at tuluyan ng umalis na nangangahulugan at patunay na hindi ko na siya mahal.

Goodbye Vin.

Bulong ko sa isipan habang nagmamaneho at sumasabay ang pagtulo ng luha ko.

Napatingin ako sa relo at nakita kong 5pm na. Imbes na umuwi ay dumiretso ako sa school ng mga anak ko. Saktong labasan at uwian nila ngayon at ako na ang magsusundo sa kanila.

Nang makarating sa school ay naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko makitang lumabas ng gate ang kambal. Agad akong lumabas ng sasakyan at naglakad papalapit sa kanila.

Nanlaki ang mata nila parehas nang makita ako. Nagmano silang dalawa at niyakap ako. Nang makasakay kami sa loob ng sasakyan ay nagtanong sa akin si Victoria.

"Did you cry Mama?"

Umiling ako at ngumiti. "Napuwing lang ako kanina kaya ganito yung mata ko." pagsisinungaling ko at tumango na lamang sila.

Binuksan ko ang makina ng sasakyan at nagmaneho na.

Habang nasa biyahe ay nagkwento ang kambal tungkol sa naging araw nila. Hindi rin nakalagpas na banggitin nila ang pangalan ni Vance dahil nagaalala sila dito.

Nakita kasi nila kagabi si Vance na buhat buhat namin ni Paul papuntang kwarto at nagtanong sila kung anong nangyari. Idinahilan ko na lamang na may sakit si Vance.

Dumiretso muna kami sa bahay nina Mom at Dad para doon kumuha ng damit nina Russel at Victoria. Plano kong wag muna silang pauwiin sa bahay at patuluyin muna sa bahay nina Paul.

Wala ang magulang ko ngayon dahil nagbabakasyon sila sa Palawan. Mabuti na lang na nabanggit sa akin ni Paul na bumalik na siya sa dati nilang bahay kasama ang anak niyang si Paulo.

"Mama saan po tayo pupunta?" tanong ni Russel. Nilingon ko silang dalawa ni Victoria at mukhang nagtataka sa mga nangyayari at ikinikilos ko.

"Doon muna kayo kay Tito Paul niyo." sabi ko.

"Yes! Pupunta tayo kay Tito Pogi." natutuwang sabi ni Victoria.

Ngumiti na lang din ako dahil mukhang gusto rin naman nila talaga na makita si Paul.

Nagtext ako kay Paul na papunta ako, kami ng mga anak ko sa bahay niya at doon muna patutuluhin ang kambal. Hindi na siya nagtanong kung bakit dahil alam niyang kapag natataranta ako ay may problema ako.

Huminto kami sa bahay ni Paul at nasa gate siya habang karga si Paulo. Agad na bumaba sina Russel at Victoria at nagmano sa kanya. Ako naman ay kinuha ang gamit ng dalawa.

Nagusap lang kami sandali at nagbilin ako sa kanya tungkol sa dalawa. Nagtanong lang siya ng konti tungkol sa nangyayari at sinabi kong nakaman kong magkapatid si Vin at Vance. Pinaalam ko na rin sa kanya na nakausap ko na si Vin.

Bago unalis ay niyakap ako ni Paul at hinalikan sa noo. "Pag pagod ka na, nandito ako." aniya at naiiyak akong tumango sa sinabi niya.

Kahit kailan ay maaasahan at maalaga si Paul bilang kabigan at hindi lang iyon dahil mahal na mahal niya talaga ako, kami ni Lia na parang kapatid niya.

Pagkaalis ko ay tsaka ko muli inilabas lahat ng emosyon ko. Umiyak ako habang hinahampas ko ang manibela ng sasakyan.

"Aaaahhh!" sigaw ko pero hindi nito nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong nagtatawag sa akin si Vance. Sa halip na sagutin iyon ay pinatay ko ang tawag niya. Nakailang tawag siya sa akin hanggang sa tumigil na siya.

Bakit ba kailangang mangyari ito sa akin? Tounge-ina! Masyado ba akong maraming naggawa na kasalanan noon para mangyari ang kaletchehan na ito.

Umiyak aki ng umiyak. Isnigaw ko ang lahat pero balewala din dahil nandito pa rin yung sakit.

Halos isang oras akong nakapark sa isang lugar at nanatili lang ako sa loob ng sasakyan habang umiiyak.

Unti-unting dumilim pero wala akong balak na umuwi sa bahay namin ni Vance na kami mismo ang nagpundar. Wala akonv balak na makita at makausap ngayon si Vance.

Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko ang sinabi ni Vin tungkol sa kanya. Kung totoo ba ang mga iyon.

Natigil na lamang ako sa pagiiyak at pagiisip ng may tawag akong natanggap mula sa hospital.

Emergency na naman daw. Bagong pasyente na galing sa car accident. Ang sabi ay lasing ito at matindi ang naging pinsala sa katawan at kailangan ng operahan ngayon.

Itinali ko ang buhok ko at inayos ang sariki. Bumuntong hininga ako at tsaka binuksan ang makina ng sasakyan. Nagmamadali akong magdrive papuntang hospital at sinalubong ako ng mga nurse at doctor.

Pumasok kami sa isang room kung saan doon pinagdidiskusyunan kung aning ang lagay ng pasyente at kung paano ito ooperahan.

Nakatayo lang ako habang nagpapaliwanag sila sa aking kung ano ang lagay ng pasyente. Sa pagdidiskusyon nila ay talagang malala ang sitwasyon ng pasyente at nasa 50/50 ang tsansa niyang mabuhay sa operasyon.

Patapos na sana ang pagdidiskusyon nang tinanong ko ang pangalan ng pasyente. Hindi ko kasi narinig ang pangalan ng pasyente at wala sa isip ko.

"Mr. Lopez po Doc Yara." sagot sa akin ng isang Doctor.

Halos tumahimik ang paligid ko at tanging tibok ng puso ko na lamang naririnig. Humakbang ako papalapit sa kanya at kinuha sa kanya ang record ng pasyenteng ooperahan ko.

Tumulo ang luha ko nang makita ko kung sino ang tao na ooperahan ko ngayon. Napaluhod ako ng wala sa pras habang umiiyak.

Napaiiling ako habang nakayuko. "Hindi ko kayang operahan siya." sambit ko na ikinasingghap ng lahat.

"Ikaw lang may kaya na isagawa ang surgery na napagusapan natin. Ikaw ang pinakamaggaling na Doctor dito sa Fabella Hospital kaya sa iyo ito iniatang." sabi sa akin ng isang doctor at umiling ako.

Ilang beses akong nakipagtalo sa kanila na ayaw ko pero sa huli ay wala akong naggawa.

Ayaw ko man at pagod pero heto ako ngayon at nakasuot ng damit na pangopera. Bumuntong hininga ako bago pumasok sa operating room at binanggit ang apilyido ng pasyenteng ooperahan ko.

Lopez.




MISTERCAPTAIN
Professor

Sinong Lopez iyon? Hahaha hulaan niyo.

Salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

THE RULESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon