1

5 1 0
                                    

For her, being alive is an understatement right now. It's raining very hard; it is very dark at naka unlimited mode ang kulog at kidlat. Sana ay naabutan sya ng ulan nung nasa loob pa sya nang campus hindi itong daig nya pa ang basang sisiw na ipinagkasya ng sarili sa maliit na waiting shed.

Mataas na rin ang baha para bumalik pa sya ng campus na may isang daang metro lang naman ang layo. Isa pa, wala syang payong. Palakas na ng palakas ang buhos ng hangin at tanging uniform lang ang sout nya kaya mas ramdam na ang lamig. Sa lahat ba naman kasi ng araw ay bakit ngayon pa naiwan ang jacket nyang umulan man o umaraw ay dala-dala nya.

Goodluck to her nalang at sa trangkasong siguradong aanihin nya.

"Miss Prieto"

Even the loud drop of the rain and sound of thunder didn't block the voice she's been conscious about.

Mr. Edgar Abanitez, professor nya sa iilang majors nya. Basang-basa ito nang ulan habang hawak ang isang maliit at bulaklaking payong, at isang pares ng bota.

"Sir, anong ginagawa nyo rito?" tanung nya. Alam nyang hindi ito pauwi dahil may motor naman itong masasakyan.

"Halika na Miss Prieto. Wala nang dadaang bus ngayon dahil may landslide daw sa kabilang bayan. Balik nalang tayo sa loob." Tukoy nito sa loob ng campus. "And you're wet. Magkakasakit ka kapag hindi ka pa nagbihis."

So nandito ito para alalayan sya pabalik.

May isang bahagi ng puso nya ang nagtatalon-talon sa tuwa pero nawala iyon ng mapansin nyang wala itong sout-sout na bota.

"Sir!" sumabay ang kidlat sa naging tili nya. Napakunot ang noo nito.

"Bat 'di kayo nagbota nung sumuong ka sa baha. Sir naman! Alam nyo po ba kung ilang daang daga ang nag wee-wee sa imburnal?" sabay turo nya sa malapit lang na imburnal. "Paano kung mapaano ka po?" tanung nya sabay diin sa salitang 'po'.

"Sir yung konsensya ko." padabog nyang saad sa nakatitig na lalaki.

No matter how sweet it may appeal to her na sinundo sya nito ng personal kung meron namang guard na maaring gumawa ay ayaw naman nyang magpaano ito sa ginawang pagsoung sa baha ng walang sout na bota.

"Miss Prieto, yung konsensya ko din pag napaano ka dito. Paano kung may masamang taong dumaan? Alam mo bang walang pinipiling oras at panahon ang mga loko-loko? Paano kung magkasakit ka which I doubt will really happen because you are too wet for a human who is waiting for a bus which will not come?"

"Andyan naman po si Kuyang Chief para sumundo sa akin." Ang naging sagot nya. Wala syang ibang maisip na sagot. Damn the things he just said. Umaasa ang puso nya.

"Ahh! So okie lang sayo na si Manong Bert ang mapaano kesa sa akin. I'm flattered Miss Prieto." Nakangiti na ito habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ang dalawang biloy.

Damn those dimples!

Mura nya sa sarili. Pwede bang kainin na sya ng lupa? Ayaw man nyang aminin sa sarili pero halos isang semester na rin mula ng palihim nya itong sinusulyapan dahil sa lintik na biloy na iyon.

She didn't find him attractive at first. Napapataas pa nga ang kilay nya kapag nakikitang kinikilig ang mga kaklase tuwing nakikita ito. Lalo na ang kaibigan nyang kulang nalang ay maihi sa kilig tuwing napapansin ito ng guro tuwing klase. Akala mo naman ay kung ano pero tinatawag lang naman ito tuwing ang ingay ingay nito sa klase o tuwing recitation. Pero sa hindi malaman kung kelan nga ba nagsimula ay natatagpuan nalang nya ang sariling hinahanap ito ng palihim. He is not really that ideal like novels usually describe their hero's but she think he is more than those. O baka talagang bias na syang mag-isip ngayon dahil sa munting pagsintang parurot nyang nararamdaman para sa professor.

"Wala po kayong magagawa. Hindi po kayo susuong ulit sa bahang iyan nang walang bota." Mariin nyang saad.

Tinitigan sya nito saka sinout ang bota bago lumuhod patalikod sa kanya.

"Sir. ."

"Wala ka ding magagawa dahil hindi kita iiwang mag-isa dito. Makonsensya ka naman." At nangonsensya pa ang loko.

Ang gusto nitong mangyari ay sasampa sya sa likod nito para makabalik sila nang campus na walang paa ang malulubog sa baha.

"Hindi pa ako mabantot kaya wag kang maarte. Pag hindi ka sasampa, hindi ka makaka-take nang exam bukas."

"Sir, that's blackmailing." Hindi sa ayaw nyang sumampa sa likod nito. Ayaw nya lang marinig nito ang lakas ng kabog ng dibdib nya.

Para ngang hindi nya lang ito basta crush eh! At dahil sa ginagawa nito ay baka tuluyan na syang mahulog. Alam pa naman nyang hindi sya nito sasaluin. She's his student after all. Bawal syang saluin kung sakalig mahulog man sya. Di pa naman sya ganun ka desperada at tanga. Alam nya ang tama sa mali. Alam nya ang dapat sa hindi at ang mga scenaryong naglalaro sa isip nya tuwing nakikita ito ay hanggang imahinasyon nalang talaga. 

"Do you like?" tanung nito habang hawak-hawak ang isang supot ng noodles na hindi nya kilala. Tumango lang sya bilang sagot saka muling ibinaling ang atensyon sa librong binabasa.

"Do you have exams tomorrow?" tanung nito.

"Sa inyo po." Sagot nya. Medyo mahaba ang coverage ng exam nito bukas. Kung sana ay matalino lang talaga sya, yung tipo ng talino na hindi na kailangan ng todo review ay okay lang na hindi mag review lalo na't starnded sya, pero hindi. Kailangan nyang kumayod mag review para may maisagot sya bukas.

Hindi na ito muling sumagot sa kanya. Napansin nalang nya ito nang ilapag nito ang isang mangkok na puno ng noodles. Agad nitong kinuha ang nirereview nyang libro.

"Eat, wag kang mag-alala, siguradong walang pasok bukas dahil sa landslide." Saad nto saka ngumiti. Damn his dimples again.

"Bat 'di mo sinabi kanina?" nag review pa sya nang kuntodo, wala naman pa lang pasok bukas.

"I like seeing you review for my subject Miss Prieto." Isang kunot-noo ang ibinigay nya rito bago nilantakan ang mainit na noodles.

Maliit lang ang office nito bilang adviser nang mga History major gaya nya. May maliit itong refrigerator at kalan. Sa lahat ng office na nakita nya, ito lang ata ang may kalan. Siguro kasi mukhang itong pagkain. Naalala nga nya noon, nung hinimatay sya sa Intramurals ay dinalhan sya nito ng pagkain sa clinic. At nung inassign sya sa office nito pagkatapos para hindi na maulit ang himatay episode nya ay nadiskubre byang parang isang grocery store ang mga kabinet nito katabi ng ref. Ang nangyari tuloy ay kain lang sya ng kain.

Perp malinis ito sa opisina. Sa sobrang linis ay wala kang makikitang anik-anik sa table at pader nito.

"No offense meant sir ha, pero ang boring talaga nitong office mo. Walang kahala-halaman o ni painting man lang sa pader." Saad nya habang nililibot pa rin ang tingin sa loob ng opisina. Maboburyo talaga sya sa office nito noon kung walang pagkain.

"Napansin ko nga Miss Prieto." Saad nito habang nakatingin sa kanya.

"Di nga sir, dapat naman talaga may halaman ka kahit cactus man lang o yung table plants lang. Saka itong pader mo sir may paintings. Maganda abstract o kaya landscape." Saad nya habang naiimagine ang kwartong may nakasabit na paintings. "Mahilig naman po kayo sa landscape. Yun na laging post mo sa fb eh!"

"Nag s-stalk ka ng fb ko?" amuse nitong tanung.

"Di ah!" ayaw nyang amining oo, regular nga syang bumibisita sa wall nito. "Friend kaya tayo sa Fb kaya natural, dadaan sa wall ko yun." Palusot nya.

"Then paint it for me." Kaswal nitong sagot sa kanya na ikinalingon nya. Paano nito nalamang mahilig sya sa painting?

"Oh! Dumaan ka din sa wall ko nuh!" rason din nito.

"Seriously Miss Prieto, can you paint a landscape for me?"

Aba'y oo naman. Kahit ilan pa kung para sayo naman.

"Bilhan mo ko nang canvass. Ang mahal kaya nun Sir. Saka yung talent fee ko hindi nababayaran ng pera nuh." kasi ikaw ang gusto kong kabayaran. Agad nyang sinita ang sarili. Napakahaliparot mo talaga Eucalyptus. Kasing anghang ng pinaggalingan ng pangalan mo.

Isang ngiti ang itinugon nito sa kanya habang maraan sya nitong tinititigan. "I'll pay for it soon, when time permits." Sagot nito bago tumawid sa kabilang opisina kung saan naroon rin ang ibang stranded na guro.

Ano daw?

Of All The Stars In The Night SkyWhere stories live. Discover now