Napaupo sya sa isang bakanteng upuan sa canteen. Kanina pa sya napapagod kakaikot ng campus. Last day of enrollment kasi kaya medyo marami-raming estudyante ang humahabol.
Agad syang napatingin sa papel na hawak-hawak.
Eucalyptus R. Prieto__ BA History-IV.
Sa wakas ay nasa huling taon na sya sa kolehiyo.
"Girl, nagugutom ka?" kalabit sa kanya ni Mara. Boses palang nito kabisado na nya. Ng lingunin nya sana ito para sabihing magmeryenda sila ay may bitbit na itong tray na naglalaman ng dalawang cake, pansit, isang softdrink at lemonade.
"Eh! Paano pala kung sinabi kong busog ako?" tanung nya habang tinutulungan itong ilapag ang mga dalang pagkain.
"Anong tingin mo sa akin, mahinang nilalang? Saka alam kong nagugutom ka na. Kitang-kita kita sa office ni Sir Edgar kanina, ang haggard mo." agad na tumambol sa dibdib nya nang marinig ang pangalan ng propesor. "Side comment pa nga ni Sir kanina ay halatang nagugutom ka na. Kanina ka pa daw paroon at parito eh." saad nito habang nakatitig sa kanya. Agad nyang napansin iyon kaya pasimple nyang isinilid ang gamit sa bag ng nakayuko.
Kilala nya ang kaibigan. Masyadong matalas ang radar nito kaya ingat na ingat sya nung nakaraan semester kung kelan sya nagsimulang magkagusto sa propesor. Alam nyang hindi ito madaldal. Magkasalungat man ang personality nilang dalawa ay alam nyang hindi sya kailanman nilaglag ng kaibigan. Mara knows how to value their friendship kahit ang tingin ng iba rito ay tsismosa. What she wouldn't risk is ang tuksuhin sya nito at mabuking sya ng lahat.
"By the way, tapos ka na ba?" tanung nito habang ngumunguya.
"Yes. I just have to pass my application letter sa Registrar's office then dediretso na ako sa dorm para ayusin yung mga gamit ko."
"Hinatid ka ni Kuya melabs?" ito ang tawag ng kaibigan sa kuya nya. Ang kuya nya naman ang bagong napupusuan ng kaibigan nya.
"Oo. Papunta kasi yun sa lupa nito sa San Agustin kaya di nya ako nasamahang mag-ayos." ngayong graduating na sya ay nagdesisyon ang kuya nyang ipag dorm sya para makapag focus raw sya sa school. Malayo naman kasi ang bahay nila mula sa paaralan ay nagiging hassle ang pag-uwi nya araw-araw gayong nagiging hectic na ang schedule nya. Panatag naman ang mga magulang nya lalo na ang pinaglihi sa sungit nyang kuya na mag dorm sya dahil katabi lang ng iyon ng school.
"I'll help you. Natapos kasi namin ni Faye ang pag-aayos kahapon sa mga gamit ko." nang magdesisyon syang magdorm ay nagdesisyon narin itong magdorm at samahan sya.
May tatlong area ang dorm nila. Isang building for boys at ang isa ay for girls. Pareho itong bedspace type. Ang pangatlo ay hindi exclusive for boys and girls dahil bawat kwarto ay may sariling banyo at kusina. Ito rin ang pinakamalapit sa school dahil paglabas mo ng kampus, pagtingin mo sa kanan ay bakuna na ng complex ng dorm na iyon.
At dahil bibida-bida ang kuya nyang overprotective ay doon sya kinuha ng dorm dahil sa kagustuhan nitong may sarili syang private space at dahil sa afford nito ay may kamahalang dorm. Nasa complex din na iyon nagrerenta ang School Director at Highschool Principal nila.
"Euca" sigaw ng kung sino. Nang lingunin nya ay ang assistant iyon ni Mrs. Sanchez, si Abie. "Buti nalang nakita kita rito." saad nito ng makalapit sa kanya.
"Papunta palang ako sa office nyo para sa application ko after ko kumain."
Agad na napalingo ang dalaga. "Oh! No need na. Nagsabi sa akin si Mrs. Sanchez na you will be hired for a position na raw."
Agad na napakunot ang noo nya sa narinig. "Akala ko ba sa Office of English major lang ang may opening? Yun ang sabi sa akin ni Mrs. Sanchez kahapon eh!" nag-aapply sya bilang student assistant for 1 semester for School Archives and Records Association ng school or maging assistant sa library. "The last time I check is hindi raw aalis si Sam sa archives not until next sem."
Tumango ito at sumubo ng pansit. As usual, ang maldita nyang friend napasimangot sa ginawa ng huli.
"Oo nga, pero nag file ng hiring ang Office of History kahapon ng tanghali." agad syang napatigil sa pagsubo. Nabibingi sya kabog ng dibdib nya.
"Ang sabi ni Mrs. Sanchez na 'wag nalang kamo kasi nag apply ka naman daw. Saka wala talagang vacancy yung mga gusto mong department ngayong sem na to. Eh! Ayun, ngumiti pa nga si Sir Abanitez nung malaman nyang ikaw ang magiging assistant nya."
"Ay bakit daw happy si Sir?" Biglang sabat ng kaibigan nya.
"Ewan ko, basta masaya sya nung sinabi ni Ma'am na ikaw nalang. Girl, top tier ka naman kasi ng department nyo nuh." nagkatinginan sila ni Mara. "Nagkita na ba kayo ni Sir?" Lumingo lang sya bilang sagot.
"How I wish ako assistant ni Sir kaso hindi pwede, tanga ako eh!" agad itong binatukan ni Mara.
"May issue ka sa tanga girl?" tanung nito saka naghagikhikan ang dalawa.
Ano nga bang tamang gagawin sa ganitong sitwasyon? Gusto nya mang ipagpasalamat ang takbo ng pangyayari dahil sino bang may crush ang hindi matutuwa kung mas madalas mo nang makakasama ang crush mo? Kaso may logic pa namang natitira sa isip nya na nagsasabing mahirap itong napasukan nya.
YOU ARE READING
Of All The Stars In The Night Sky
General Fiction"Lintik na dimples yan" Laging linyahan ng isip ni Eucalyptus sa tuwing kumakabog ang puso nya pag tumitingin at ngumingiti ang History teacher nyang si Sir Edgar. Kung bakit ba naman kasi pinana sya ni Kupido eh! dati-rati, sinasabihan pa nyang ma...