"Let's give a big hand of applause to Miss Prieto. She got the highest mark. A perfect score." Anunsyo ni Sir Edgar sa klase. Agad namang nagsipalakpakan ang mga kaklase nya. Ang iba pa nga ay sumipol.
Masaya sya. Nagbunga ang lahat ng pagod nya sa kaka-review.
"And I want to commend all of you dahil walang bumagsak sa exam ko." Mas lalong naghiyawan ang boung klase sa balita. Maging sya ay masaya para sa mga kaklase.
Agad syang kinalabit ng kaibigang nakaupo sa tabi nya. "Salamat Efficascent, sa tulong mo." bulong nito.
Okay na sana eh!
Kahit anung saway nya sa haliparot nyang kaibigan ay palagi parin sya nitong tinatawag ng Efficascent. Minsan pa nga ay Omega kaya ang nangyari, boung klase ay naging ganun ang palaway sa kanya. Ginawa syang brand ng relaxscent oil o pain killer liniment.
"Your welcome Maria Consolacion Ibarra." Sagot nya sa kaibigan. Awtomatikong napasimangot ito at maayos na umupo. Ayaw nitong tinatawag sa boung pangalan nito. Ang lakas daw makaamoy lumang aparador.
"Sir, si Omega po talaga ang dahilan. May palibreng class review po yan after school para makapasa kami at ng 'di ka na po magka-winkles sa stress sa amin." pasigaw na anunsyo ni Clara, ang pinakamaingay sa kanilang lahat. Agad namang tumango ang lahat bilang pagsang-ayon.
Agad na napaikot ang mga mata nya. Nakita nyang kinurot ni Mina si Clara saka may binulong.
"Ikaw Clara ha, may pa promise promise ka pang nalalaman nung nakaraang araw. Breach of confidentiality yan oyy!" Puna ni Mara, ang kaibigan nyang may pangalang amoy lumang aparador. Napagkasunduan kasi nilang 'wag sabihin ang mga class reviews nila. Ayaw nyang malaman iyon ni Sir Edgar. Napapansin nya kasing lagi itong na s-stress sa iba nyang mga kaklase na parang wala lang ang pag-aaral. Basta makapasok lang ay okay na. Gusto lang naman nyang makatulong kahit kunti.
Nang tingnan nya ang propesor ay nakatitig ito sa kanya na agad naman nitong binawi ng mapansin nitong nakatingin sya. May sinipat ito sa class record bago muling tumingin sa kanya. "Is this true Miss Prieto?" Seryosong tanung nito. Aakalain mo na may dumaang anghel sa classroom dahil biglang natahimik ang lahat. Agad na kumabog ang dibdib nya. Kung kinakabahan sya dahil sa naging class review nila o dahil sa nakatitig ito sa kanya ay hindi nya alam. Basta marahan nyang kinurot ang hita upang pakalmahin ng kunti ang sarili.
"Opo Sir." Mahinang sagot nya saka inobserbahan ang magiging reaksyon nito.
Was it amusement that she saw in his eyes or something else? Hindi ito nakangiti pero iba ang sinasabi ng mga mata nito.
Enebe!
"Well, thank you Miss Prieto for helping your classmates." saad nito saka nagbitaw ng isang matamis na ngiti.
Ramdam nya ang paghinga ng maluwag ng mga kaklase nya pero mas ramdam nya ang kabog na kumakawala sa dibdib nya.
Letseng dimples yan, nakuha na naman ang puso kong nasa iyo naman.
Isa-isang tinawag ang mga kaklse nya para isauli ang mga test papers. Ng sya na ang tinawag at makalapit, isang thank you ang nminutawi ng propesor. At ang ikinaloka nya ay ang note sa likod ng test paper, isang maliit na sulat kamay nito.
So proud of you. Good job! <3
Bakit naman ganito Seeer?
Boung weekend na naman syang mapapakanta ng Don't stand so close to me by The police.
Ng gabing iyon ay isang facebook message ang natanggap nya.
Salamat sa concern at ayaw mong magka-winkles ako sa kunsimosyon sa mga kaklase mo. I appreciate it a lot Miss Prieto.
Nabuang na talaga.
At natulog syang may ngiti sa labi.
Lintik na pag-ibig, bakit bawal?
YOU ARE READING
Of All The Stars In The Night Sky
General Fiction"Lintik na dimples yan" Laging linyahan ng isip ni Eucalyptus sa tuwing kumakabog ang puso nya pag tumitingin at ngumingiti ang History teacher nyang si Sir Edgar. Kung bakit ba naman kasi pinana sya ni Kupido eh! dati-rati, sinasabihan pa nyang ma...