Prologue

389 10 0
                                    

"Peach, ano ba iyang ginagawa mo?!"
Napalingon si Peach sa Pinsang si Blue na noo'y sinisilip sa monitor ng laptop ang ginagawa niya. Gustuhin man niyang iiwas iyon ay huli na. He already saw what not supposed to be seen by others.

"No -no clichés checklist? At anong kalokohan na naman ba iyan this time ? Mukhang ang dami mo na yatang na gagawang checklist lately," kumento nito.

"Hay nako, huwag mo na lng pakialam ang checklist ko kasi hindi ko rin naman pinapakialaman iyang mga kakornihan mong mga love letters," sagot niya rito.

Nag patuloy siya sa pag iisip ng idadagdag sa listahan kahit nasa likod niya parin si Blue. Ilang saglit pa ay muli niyang tinitignan ang hindi pa na tatapos na checklist. It was all about the clichés she had read in most teen love stories. Lately kasi ay napapansin niyang nag kakaroon na ng lovelife ang kanayang mga pinsan, kaya hindi niya maiwasang hangarin na sana siya naman ang susunod. Iyon nga lng, she wanted to be something different. Kaya naisipan niya gumawa ng listahan ng mga madalas nangyari sa mga kuwento, at iyon ang mga iiwasan niya.

"May bago kang checklist , Peach? Pabasa," biglang sulpot ng isa pa niyang pinsan na si Fuchsia. Agad naman nitong sinilip ang laptop nia. "No-no Cliché Checklist?" Fuchsia grinned while saying out loud. "Sounds interesting. Bakit hindi tayo mag pustahan kung ma-check mo nga ang lahat ng mga iyan?"
Saglit siyang napaisip. Confident siyang kaya niyang ma-achive ang lahat ng nasa checklist nia. "You'll give me Fushcia bag collection," hindi na pinag isipang isagot niya agad rito. "And ikaw naman Blue, you'll let me read all your letters to Bianca... I mean the new ones." Nabasa na kasi nilang mag pipinsan ang mga naunang sulat nito noong panahong hindi pa ito nakaka-amin.

"Why would i let you do that?" Hindi maipinta ang mukha na nasabi nito.
"Because i said so."
"Ayoko nga."
"Fine. Just buy me ten brand new nice peach dresses." She grinned. Mayayaman naman ang mga pinsan niya kaya walang kaso ang mga hinihingi niya sa mga ito.
"Okay. Pero ano naman ang ibi-bet mo?!"
saglit siyang nag isip ngunit naunahan siya ni Fushcia na mag salita. You'll give me your Fairy Tail characters display collection."
"And you'll buy me books all i want to read for three monts. Deal?" Ani ni Blue.

"Deal, buo ang kumpyansa sa sarili na sabi niya. She felt so exited about it . Ang hindi niya alam ay iyon pala ang magiging umpisa ng buhay na pinakaiiwasan nia.......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Peach ang PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon