Heartbroken ako paano bumalik sa pag-aaral?

486 13 0
                                    


Wala akong lovelife, FACT yan.

May mga tao na interesadong makilala ako, FACT din yan.
Naghahabol ako ng grades last sem, FACT din yan.
Umiibig na ako, EWAN KO LANG.

What if, yung crush ko ng 2 week last year ay crush ko pa rin ngayon? So, isang taon ko na siyang crush. One year na akong umaasa na SANA, mapansin nya din ako. Yung halos mamatay ka na dahil crush mo siya?

Pero gaya nga ng sinabi ko sa part 2 ng story na'to, nakaMOVE-ON na ako.

Define move on....

Move on para sa akin ay yung hindi mo siya totally nakalimutan. Crush mo pa rin siya pero at lower degree, siguro 1˚ celsius before freezing point at halos mamanhid ka. But not totally manhid ka na. Gets? Ung crush na hindi ko na siya iniistalk, di ko na siya tinititigan, di ko na siya sinusulyapan, dinededma ko na siya, di na siya pumapasok sa ulo ko. Pero alam mo yun,? Kahit ganun na lang ako sa kanya, tumatak pa rin siya. Kaya crush ko pa rin siya pero nakamove on na ako sa obsession ko sa kanya, sa fandom ko sa kanya, sa pangingielam ko sa kanya at sa GF nya :(

NAKAMOVE ON na ako.

Pero bakit di pa rin ako masaya?

Para akong binabalatan ng buhay pag kakalimutan ko siya. Siguro dahil sa isang taon din ako maghikahos sa pag aaral para maging DL at maging kalevel nya. But this sem., sa kadahilanang gusto ko nga mag move on, nakalimutan ko yatang siya ang nagbibigay sa akin ng pag asa para sipagin mag aral KAYA AYUN SUMAMA PATI ANG KASIPAGAN KO SA PAGLIMOT KO SA KANYA.

NAKAMOVE ON AKO PERO KASABAY NUN AY ANG DI KO PAGIGING DL.

But it's all worth it.

At least ngayon, masasabi kong kahit di ako DL, nakalimutan ko naman siya. And I'm ready to take my flight to success without him in my mind. :)

Noong iniisip ko na wag magmove on at i-save ang kasipagan ko para sa kanya, NAISIP kong masasaktan lang ako kasi kahit anong effort ang ibigay ko, di nya malalaman. Self satisfaction lang sa part ko. In fact, may babae siyang palaging kasama at alam kong gusto nya yun. The way he looks to her eyes is like how I look upon him.

Narealize kong may parte sa puso ko na MINAHAL ko nga siya, pero yung pagmamahal na yun... hanggang dun na lang yun. Lumipas na ang mga araw, nasaktan na ako, di ako naDL, di ko nakuha ang scholarship ko at naiwan akong shunga sa hangin, so much so that babalik akong malakas this coming sem...

Nang wala siya. Nang hindi umaasa. Nang may pagmamahal sa sarili at kontrol sa puso't isipan. :)

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon