Part 3

16 0 0
                                    

“Hindi!! Hindi ako mamatay pangako ko yan lalabanan kita hanggang sa huli hindi ako magpapatalo sayo demonyo ka!..”

“Kung matatalo mo ako. HAhaha! Isa ka lamang bubwit na daga para sa akin at ako naman ang pusa na hahabulin ka kahit saang mang sulok at hindi ka makakatakas sa akin. Hahhaha!”

“Hindi ako mamatay ng dahil lang sa gusto mo akong pataying demonyo ka! Lalabanan kita.”

“Well~~ Tignan natin sa ending kung sino ang panalo sa atin”

“Hindi na kailangan dahil ako na ang panalo”

“Wag kang kampanti Ann, hindi mo alam kung anong mangyayari sa huli. Haha!”

“Panalo na ako dahil nandyan ang Panginoon para bantayan ako at ilayo sa kapahamakan.”

“Tsk. Tignan natin :/ Ngayon sisimulan ko na ang laro.”

“Ha? A..Ano ang ibig mong sabihin?

“Sisimulan na natin ang laro.. Ang tawag sa larong ito ay RUN FOR YOUR LIFE”

“RUN FOR YOUR LIFE?”

“Oo, RUN FOR YOUR LIFE at ako ang taya sa ating dalawa, Pag sinabi kong TAKBO tumakbo ka at siguraduhi mo lang na hindi kita mahuhuli dahil kung mahuli kita SAY BYE-BYE TO YOUR LIFE. Haha! TAKBO!”

“huh? AAaaaahhhhhhhhhhhh

Noong una hindi ko pa masyado gets kung ano ang gusto niyang sabihin pero noong tumagal na naiintindihan ko na. Kailangan kong tumakbo para sa buhay ko, kailangan kong tumakbo para mabuhay ako ng matagal sa mundong ito hindi ko hahayaang isang demonyo ang tatalo sa akin at kukunin ang buhay ko ng dahil lang sa gusto niya akong mamatay na.

 Takbo lang ng takbo ang ginawa ko sa parang Maze na ito Pero kahit anong gawin kong takbo parang walang katapusan, kahit takbo ako ng takbo hindi ko parin mahanap ang daang patungo sa ligtas na lugar.

Gusto ko pang mabuhay. Marami pa akong pangarap sa buhay pati narin sa pamilya ko. Kaya kahit na pagod na pagod na ako ya hindi parin ako humihinto sa pagtakbo. Kakayanin ko’to ..Mabubuhay ako.

“AAAHHHH!!! UUUGGHH!!.. Ang sakit ..Pagtingin ko sa paa ko na trap ako sa bear trap ang sarili kong dugo ay umaagos na sa aking paa.”

“AAHHh!! TULONG!! TULONGAN NIYO AKO!!. huhuhuh!”

“Ano pa ang ginawa mo jan Anna? Takbo ka na kung ayaw mong mamatay..hahahah!”

“AAAHH! Huhuhu! Pinilit kong tumayo kahit ang sakit sakit na ng paa ko dahil sa pagkakaipit sa bear trap. Tumakbo ako kahit na lalong sumasakit at kumikirot ang paa ko. At nararamdaman ko na parang mapuputol ang paa ko ng dahil sa trap na ito ang sakit sakit na pero hindi ako pwedeng tumigil at baka mahuli ako kahit na ang sakit-sakit pinilit ko parin pa ika-iak na ako kung tumakbo. GUSTO KO PANG MABUHAY.”

“Ate! Ate! Gising! Nananaginip ka nanaman.”

“AAHHhh!!! Huhuhu!”


“Ate pawis na pawis ka oh. Ito ang tubig at punasan mo ng face towel yang mukha mo”

“ ah Salamat Basty”

“ Ah.. Ate bakit may dugo jan sa paanan ng kumot mo?

“Huh?”

At pagtingin ko sa paanan ng kumot ko ay may dugo nga kaya hinawi ko ang kumot para tignan ang paa ko at pagkakita ko ay may sugat ang paa ko at may pasa

“Jusko po!”

At dali-dali ang aking kapatid ng pagkuha ng First Aid sa C.R at ginamot ang aking sugat sa paa.

“Ate? Paano ka nag kasugat sa paa? eh kanina wala yan.”

“Huh? A..ano kaba meron nayan kanina pa hindi mo lang siguro napansin.”

“Pero ate sigurado talaga ako na wala yan kanina eh.”

“Basty tama na ang tanong at matulog kana siguro inaantok ka lang. Hala sigena tulog kana dahil may pasok ka pa bukas.”

“Opo ate Pero kanina wala ka talagang sugat sa paa eh”

“Sebastian”

“Opo ate”

“Anna anong nangyari jan sa paa mo bakit may bandage at pa ika-ika ka kung lumakad?” tanong ni Papa

“Ahh…wa..wala po Pa na tipalok lang po.”

“Na tipalok?. Kailan pa?”

“Opo Ma. Kagabi lang po pag akyat ko sa hagdanan.”

“Sa susunod mag-iingat ka anak.”

“Opo papa”

“Masakit pa ba?, Nahilot mo na ba yan? Kung hindi pa halika dito at hihilotin ko para hindi na mamaga pa.”

“kunti na lang po Ma at nahilot ko na din po”

“Sigurado k aba anak?”

“Opo Ma sure na sure Kaya wag kanang pag-alala pa.. Ah Ma si Basty po?”

“Maagang umalis anak may praktis pa daw sila sa school eh.”

“Ah”

Kumain na si Anna at ng kanyang Papa habang ang mama niya namn ay busy sa pag alis ng mga gamit sa karton.

Pumasok na si Anna sa kanyang eskwelahan na paika-ika ang lakad at hindi siya masyadong makapag concentrate ng dahil sa kirot ng kanyang paa at sa pag-iisip ng napanaginip niya gusto niya man sabihin sa kanyang mg amagulang ay hindi niya ito magawa dahil natatakot siya nab aka hindi sa paniwalaan ito dahil nga sa Panaginip niya lamang ito nagyari.

“Magandang hapon po Aling Leonora”

“Magandang hapon din sayo Mara. Oh anong nangyari sayo at paika-ika ka ng lakad mo?”

“Ah wala po ito na sugat lang.”

“Ah Anna mag-iingat ka sa mga taong makikilala mo at wag ka agad magtitiwala.”

“Bakit niyo naman po nasabi yan?”

“Wala lng.. Grabe na kasi ngayon ang mga tao mapaglinlang.”

“Ah ganon po ba? Hindi naman po kasi ako agad naniniwala lalong-lalo kung hindi katiwala-tiwala nag itsura. Hahah!

“Hahaha! Nako ikaw na bata ka pala biro ka, Pero Anna seryoso mag-iingat ka.”

“Opo Aling Leonora tatandaan ko po ang bilin niyo sa akin. Salamat po”

“Walang ano man Anna”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HI GuYs!!! sana magustuhan niyo ang story ngayon.. Don't forget to vote and comment kung nagustuahn niyo or any suggestiosn. THANK YOU NG MARAMI GUYS!!..

-Genie

He's Chasing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon