“Wow! Ang gandang bahay!!.” Sabi ko sa aking kapatid
“Oo nga Ate! Kahit luma na ang style ang ganda parin..” sabi naman ang aking kapatid
“Mga anak tama na muna yang kwentuhan at tulungan niyo muna kami ng inyong ina na hakutin tong mga gamit pagsapit ng dilim para hindi tayo mahirapan pa.” Sabi ng aking ama
“Opo itay! Naryan na..”sigaw ng aking kapatid
Ako nga pala si Hannah Marie Montenegro. Anna ang palayaw ko High School student pa lang ako at kalilipat lang namin sa bagong bahay namin dito sa Brgy. Sta. Ana. At mayroon akong kapatid na lalaki ang pangalan niya naman ay si Sebastian Montenegro, Elementary pa lang siya at same school lang ang pinapasukan namin.
Ang magulang ko naman ay sina Alberto at Cristina Montenegro. Simple lang ang aming pamumuhay, nakakakain kami ng 3 beses sa isang araw o higit pa. Masaya kaming namumuhay kahit na minsan ay gipit ang gaming pamilya lalo’t – lalo na sa gastosing bahay.
Kahit na ganun pa man ay nag tutulungan kami na mag-anak kaya di kalaunan ay naka bili ang aming mga magulang ng bahay kahit medyo luma na atleast may bahay na kami at natupad na ang matagal na pangarap ng aming pamilya na magkaroon ng bahay.
Hay sawakas na tapos na rin ang pag-aayos ng gamit…Grabeh!! Ang saya ko dahil nakabili na ang mga magulang namin ng bahay kahit luma atleast may ipagmamalaki kaming bahay na amin na talaga at hindi na kami nagrerenta…
“Ate!! Ate!! Kakain na tayo sabi ni Mama”
“Baba na ako Sebastian”
Habang naglalakad ako papuntang pintuan ay biglang………..
BBBBLLLAAAAGGGGGG……
“Anu yun?” tanong ko sa aking sarili at tinignan ko ang sahig kong merong may nahulog pero wala naman at pumunta ako sa kama at yumuko para sana tignan ang ilalim para silipin ko sana kaso biglang…..
“Ate! Anu ba! kakain na tayo masamang maghintay ang grasya..”
Sigaw ni Sebastian sa hagdanan
“Oo Naryan na..” Habang ako’y papuntang pintuan ay tinignan ko ulit ang sahig at ang aking kama pero wala naman na may nahulog. siguro guni-guni ko lamang iyon at lumabas na ako at sinarado ang pinto.
Habang kami ay masayang kumakain at nagkwekwentohan ng may nahagip ang aking mga mata sa bintana na parang anino ng tao na naglalakad papunta sa harden ng bahay kaya naisipan kung puntahan.
“Ma, Pa may titignan lang po ako sa labas babalik din po ako agad”
“Tapos ka na bang kumain iha?” sabi ni Papa.
“Opo Papa”
“O sige bilisan mo lang dahil gabi na at wala pa tayong masyadong kakilala dito sa lugar na to”
“Opo Papa”
Nang makalabas na ako ng aming bahay ay ang dilim - dilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nag sisilbing ilaw ng bakuran. At habang ako ay papalapit ay biglang umihip ng malakas na hangin at bigla akong napahinto at kinilabutan dahil doon. Pero binaliwala ko na lamang iyon ay deri-deritso na lamang ako sa paglalakad papunta sa harden. At ng ako ay nasa tapat na ng harden ay may nakita akong tao.
“Ahm…Mawalang galang ho. Ano po ang kailangan niyo?” sabi ko pero parang hindi niya yata ako narinig kaya inulit ko ang sinabi ko pero hindi parin siya lumilingon kaya nilapitan ko na at kinalabit sa kanyang balikat. Muntik na akong mapasigaw ng lumingon siya sa akin, Dahil kalahati ng kanyang mukha ay natatabunan ng kanyang mahabang buhok na hanggang siko.
“Magandang gabi sayo. Pipitas lang sana ako ng bulaklak…pwede ba akong pumitas?”sabi ng babae sa harap ko..
“Ahhh..Opo..Okay lang po..Ano nga po pala ang pangalan niyo?”
“Leonora..Leonora ang pangalan ko. Malapit lang ang bahay ko dito.”
“Ah ganun po ba? Ako naman po si Anna kalilipat lang po namin sa bahay nato.”
*Sabay turo sa bahay*
Habang nagpipitas siya ng mga rosas ang may katandaan na babae ay inusisa ko siya habang busy siya. Mahaba ang kanyang buhok na hanggang siko at maputi ang kanyang balat, nakabestida ng puti at ng titignan ko na sana ang kanyang paa ay bigla na lamang siyang nagsalita.
“Anna tapos nako, Salamat dito sa mga rosas.”
“Walang ano man po..gusto niyo po bang pumasok muna sa sa aming bahay?”
“Ah! Nako hindi na Anna masyado na kasing gabi sa susunod na lang.”
“Ay sayang naman po.”
“Sige! Paalam na Anna.”
“Paalam po..Ingat po kayo sa pag-uwi.”
Hi guys!! Sana nagustuhan niyo ang 1st horror story ko kahit na hindi sya mukhang horror story hahaha!! Sana kahit papano ay suportahan niyo ito at ang iba ko pang mga stories at sa mga magiging stories ko.. PLEASE VOTE THANK YOU GUYS!!
-Genie
BINABASA MO ANG
He's Chasing Me
TerrorHe's Chasing Me He's chasing me wherever i go He's chasing me even in my dreams He will never gonna stop chasing me until i die