Chapter 40

57 5 0
                                    

Chapter 40

May sinabi si Star sa kanya at nakita kong binalingan ako ng aking best friend na nakakunot ang noo. She then motioned me to come to them. Nakalapit na rin doon sina Shine and Sun. They looked so excited for something. 

“Is it okay for Wela.. Tito to drink wine? Huwag kayong mag-alala, hindi po to strong liquor,” wika ni Star at para wala namang pakialam si Papa. 

Tumango lang ito at magiliw na lumipat kina Mang Manuel bitbit ang kanyang baso na may lamang alak. I saw Mama approached him with a frown. Parang pinagalitan pa ata at inaya na lang papasok sa loob ng bahay.

The ten of us were left sitting around the big, round table. Tatlo lang kami nina Star at Shine ang babae. Magkatabi kami ni Atty. Siguenza at nasa harapan ko naman si Hielder na nakatitig lang sa kanyang baso na wala ng lamang alak. He seems occupied by his deep thoughts again like what he used to do.

 “First of all, I wanted to thank everyone who came here tonight for the Welcome Home Party of my best friend, Wela.”  Starley gives them a very genuine and appreciative smile. Sumandal siya sa balikat ni Devon at inakbayan din siya ng kasintahan. 

“She's a secretive woman, the reason why this party is not that ‘bonggacious’ ika nga ni Sun. Huli na ng malaman namin ang mahalagang nangyari ngayong araw. If it wasn't in the news, gosh, until now we've no idea on what's happening. Nirush namin lahat ng to, kahit ang pagluluto. I hope you still like the foods,” patuloy niyang saad.

“Of course Miss Castillo! Who wouldn't love the foods made by the great chefs of Celestial Cuisine, right guys?” tanong ni Tauseef sa mga kaharap na agad ding nagtatanguan.

Nakakataba ng puso na marinig ang sinabi ni Tauseef. Hindi bilang pinsan ko kundi sa sinabi niyang opinyon bilang isa sa iginagalang na chef sa buong Asya.

“It was a great honor to taste these amazing cuisines! Don't be stressed Miss Star. Kami nga dapat ang magpapasalamat sa inyo eh kasi libre na pagkain to.” At tuluyang nagtawanan ang lahat.

“But, you know guys, I've been wanting to ask this question to Miss Lopez,” medyo may pagka-tipsy na tanong ni Atty. Jimenez. He turned to me while adjusting his spectacle.

Ilang akong napangiti sa kanya. Tauseef elbowed him and he just playfully pushed my cousin. Muntik nang mahulog ang isa sa silya kung hindi lang hinawakan ni Karim ang braso nito. Agad itong pinaulanan ng mumunting mura ng kaibigan.

“What the hell man? Naku, kung ano na namang kabulastugan yang lalabas sa bunganga mo, siguraduhin mo lang at pauuwiin talaga kita ng wala sa oras!” banta nito sa katabi na parang wala lang narinig.

“Are you single?” Jake drowsily asked, leaning his body on the table. Still, even in his state, he looked hot right now with his light, amber eyes through his glasses. 

Alam kong iyon din ang iniisip nina Shine at Sun kasi dinig ko pa ang nakakabaliw na bulongan at kilig ng dalawa. Para silang nakakita ng bago at kakaibang cotton candy.

“Oppa, saranghae! Ako na lang ang jojowain mo please! I'm single and ready to mingle!” 

“Nado! Sensei aishiteru!” sabay nilang tiling dalawa sa matinis na boses.

Pilit namang binubuksan ni Jake ang kanyang mata nang marinig ang sinabi ng dalawa. Matamis na nginitian niya lang ang mga ito pabalik kaya halos di magkamayaw sa paghahampasan dahil sa gulat at kilig.

I shaked my head twice while me and Star exchanged weird looks. Hayy, wala na talagang pag-asa ang dalawang to. May 2D personality din na minsan ay mature pero mas lamang ang pagiging isip bata.

Twilit PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon