HER POINT OF VIEW:
Akala ko ako na ang pinakaswerteng tao sa mundo. Akala ko tapos na ang mga major challenges ng buhay ko. akala ko talaga may HAPPILY EVERAFTER. Pero akala lang pala ang lahat. Cliche man sa iba ang kwento ko pero ito talaga ang buhay ko.
I graduated as civil engineer I passed the board exam and now nagtratrabaho na ako bilang isang civil engineer sa isang sikat na construction company sa manila kasama ang boyfriend ko na civil engineer din lang. Limang taon na kami at sya ang first boyfriend ko. Going strong ang relationship namin at lahat ng mga kaibigan namin alam nila pang kasalan na ang relasyon namin. Pero binago ito ng sakit ko. Isang araw may pantal sa likod ko akala ko normal lang iyon kaya hndi ko nalang pinansin hanggang sa naramdaman ko na ang paghina ng aking katawan. Nagdesisyon akong magpakonsulta sa doktor. Sinuri ang dugo ko at marami pang examinasyon ang ginawa sakin ilang turok dn yun ng karayom. Wala akong kasama noong panahong iyon hindi ko na din pinaalam sa kanila na pupunta ako sa doktor dahil ayaw ko silang mag-alala. Huli na nung malaman kong may lukemia ako at ang malala stage 4 na daw. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa. ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang ganoong sakit. hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng ganung sakit ni history nga ng family namin walang ganun. dahil sa nalaman ko hndi ko na alam kung saan ako tatakbo. Nakatanim sa isipan ko na WALA NA, WALA NA AKONG PAG-ASANG GUMALING MAMAMATAY DIN LANG AKO. IIWAN KO DN LANG SILA. Pero bakit? bakit ako pa? ako na may pakinabang sa lipunan, ako na nagbabayad ng tamang buwis, ako na sumusunod sa batas ng bansa ako pa ang nagkasakit. Ako na may trabaho. Ako na may masayang buhay ako pa ang mamamatay. Minsan naisip ko ang unfair diba! Bakit hindi nalang yung mga nagpapakamatay ang magkasakit. Bakit hndi nalang yung mga masasamang loob ang magkaroon ng lukemia para hindi na sila mahirapan at bawas perwisyo pa sa lipunan. Bakit ako pa! na kung saan masaya na ako sa takbo ng buhay ko saka darating itong turning point na ito. Isang linggo ang lumipas na parang wala lang wala akong ganang makipag-usap wala akong balak magsabi ng sakit ko. Is this pride? simple lang, ayaw kong maawa sila sakin, ayaw kong ipamukha nila sakin na mahina ako na may sakit ako at anytime pwede na akong magexit dito sa mundo...kilala nila ako bilang matapang na tao kilala nila ako bilang hndi sumusuko kilala nila ako bilang isang masiyahing tao. Tapos isang araw kakaawaan nila ako. Sa isang linggong yun napansin ng boyfriend ko ang pagiiba ko ng ugali. Akala nya nagtatampo ako sa kanya akala nya may nagawa syang mali. Kaya gumawa sya ng pakulo na ikinagulat ko. One day pumasok ako sa opisina walang tao sa loob tanging si kuya guard lang ang meron nagtaka ako kasi sigurado ako na hndi yun working holiday tapos sabi ni kuya guard may emergency meeting daw sa rooftop then kumaripas ako ng takbo papuntang elevator para makapunta sa taas. Laking gulat ko nung binuksan ko yung door sa rooftop andun lahat ng empleyado pati boss namin at parents namin tapos unti unti kong nababasa ang mga salitang nagpaiyak sa akin "WILL YOU MARRY ME AND LIVE HAPPILY EVERAFTER WITH ME?" hndi ko alam ang isasagot ko pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko MAHAL ko sya sobra! pero ayaw ko syang masaktan. Para saan pat pakakasalan nya ako kung mamamatay din lang ako. Bahala na, ang tanging lumabas sa bunganga ko ay "I'M SORRY" nag smile sya pero alam kong pilit then he said okay lang yan hindi ka pa siguro handa na magkababy tayo sabay tawa pero alam ko fake yun! hndi naman ako manhid alam ko nasaktan ko sya..... sobrang nasaktan at napahiya ko sya. Para hndi awkward yung surrounding bigla nyang sinigaw na basta akin ka! lets cheers everyone. After that party sinadya kong hndi sya kausapin ang awkward kasi pero hindi ako nakalagpas sa parents ko. ang dami nilang tanong. Bakit hndi ko daw sinabing yes bakit may kulang pa ba daw sa kanya? Ok naman daw sya bakit hndi ako nag yes. Then i answered them by a tears in my eyes....para saan pa ang pamilya diba? Sinabi ko na sa kanila na may lukemia ako stage 4 then my mom started to cry alam ko lungkot yung luhang yun at alam ko masakit sa kanila iyon. Pero hndi bat mas masakit kung makikita nila akong nakabulagta at wala ng buhay ni hindi ko manlang sila na ihanda. Syempre inexplain ko na din sa kanila na sobrang mahal ko sya! pero ayaw ko syang masaktan sa huli. Mas mabuti ng ganito na habang maaga kailangan ko ng tapusin kung anong meron kami then they asked me sigurado na ba ako sa desisyon ko? Hindi ko ba manlang sasabihin sa kanya na may sakit ako? para saan pa? sige makikipagbreak ako at sasabihin ko yung reason syempre maaawa sya at hndi sya papayag na maghiwalay kami. Diba parang hndi na yun love parang awa nalang namamagitan samin. Well maybe for you im wrong but then its my point of view anyway. Basta ang alam ko para sa ikakabuti ng lahat ang desisyong ito. The next day saktong naghalfday lang kami dahil rest day daw yun puspusan kasi trabaho namin for the bidding of the dpwh. Niyaya ko sya sa isang park.. tahimik malamig at ang sarap ng simoy ng hangin. a moment of silence..... hndi ko alam kung pano simulan then he started "may problema ba?" heto na yung chance para masabi ko pero hndi ko kaya wala pala akong lakas ng loob, kabig ng dibdib preno ng bibig...... niyakap ko sya ng sobrang higpit at nagsorry ako sa kanya sorry sorry sorry ilang beses din yun na lumabas sa aking bibig alam ko nung time na yun na may naramdaman na syang may maling mangyayari then i got the courage to talked. " i'm sorry but we need to end up our relationship" sa wakas! nasabi ko dn pero heto na ang mga traydor na luha!!! "nagbibiro ka ba? please wag ka namang magbiro ng ganyan hndi nakakatawa yan! haha" sabi nya pero lam ko pilit yung tawa nya at ramdam ko may crack sa boses nya na somehow nakapag pabago ng aura nya "oo seryoso ako. siguro hndi tayo sa isat isa oo umabot tayo ng five years oo siguro nga kung titignan kung anong meron sa atin eh masasabi naman talaga na going strong pero what if naabot na natin yung climax diba ending na susunod dun? diba hndi naman sa haba ng pinagsamahan nyo maprepredict kung kayo talaga" damn thoughts! ewan ko gusto ko ako lang magsalita ayaw ko marinig ang sasabihin nya dahil baka hndi ko kayanin kasi MAHAL KO TALAGA SYA!! then he said "sigurado ka na ba sa desisyon mo?" and this time umiiyak na sya grabe! sobrang bigat sa loob ko!!! nanghihina na ako literally and emotionally!!! "oo" sabi ko na patuloy parin sa pag-iyak "bakit?" sabi nya. tsk cursed that day!! muka kaming tangang nagiiyakan sa park buti nalang talaga gabi yun! pero ano namang irereason ko? "nagsawa na ako" what!? did i say that??? damn reason! then i run dahil baka hndi ko na kayanin ang mga susunod na tanong. diba dapat if that's the right thing to do then kahit papaano maiibsan yung bigat na dinadala mo? pero bakit ganun parin kasakit? bakit parang lumala pa ata? and literally speaking sobrang nanghina na talaga ang katawan ko at sinugod na nga ako sa hospital dahil nawalan na daw ako ng malay nung nasa bahay na ako. Ewan hospital dn ata ang reason kung bakit lumala ang sakit ko. Nag resign ako sa pinagtratrabahuan ko ng hndi alam ng mga katrabaho ko pati sya kung ano ang reason. Twice a week na din ako nag papachemo. Nagsisimula na ding maglagas ang buhok ko dahil sa reaction ng chemo sa katawan ko. Totally wala na akong social life. My friends and relatives perhaps didn't know my situation. at isa lang ang alam kong sisisihin nila sa paghihiwalay namin. ako yun! and maybe masama na din ang tingin nila sa akin.. kung alam lang nila ang tunay kong kalagayan!!!.. si Alvin siguro sobrang sama ng loob nya sa akin pero i need to accept the fact na maybe may kapalit na ako sa puso nya.....at dito na siguro magtatapos ang buhay ko.. minsan nga sinasabi ko itigil na nila mama ang pagpapagamot sa akin kasi wala din lang mamamatay din lang ako! instead na pangpagamot ko yung pera nila ipang outreach program nalang nila. At the moment nagpapasalamat parin ako sa Panginoon dahil hinayaan nya akong mabuhay sa mundong ibabaw. Pinaramdam nya sa akin kung paano mahalin at magmahal ng lubos. Pinaramdam nya kung gaano kahalaga ang buhay at pagmamahal sa kapwa. Aaminin kong nagkaroon ako ng sama ng loob pero kung iisipin ko sino ba ako para magtampo sa taong nagbuwis ng buhay para sa sanlibutan. Sabi nga sa movie "why you hate someone who doesn't even exist." yun nga hndi na intensive medication ang ginawa nila sakin kundi parang maintenance medication nalang then i asked my parents na bago ako mamatay gusto ko mamasyal sa mga natural park. Gusto kong makapag-isip isip have some reflection in my life at gusto ko tumulong sa aking kapwa para kahit papaano kahit wala na ako atleast may naiwan naman akong magandang bagay na pakakatandaan nila sa akin. Ewan ko kung negative thinker ako dahil iniisip ko na mamamatay din lang ako pero diba at some point positive thinker din ako dahil gusto kong gumawa ng kabutihan hanggat nabubuhay pa ako. :)
BINABASA MO ANG
Does Forever Really Exists?
Novela JuvenilIto ay bunga ng napaka oa na pag-iimagine at pag-iisip ng mga bagay bagay sa mundo.