chapter two : first round

3.6K 308 218
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ROSITA YAUA

"Mamatay sana ang naglagay ng letter A sa apelyido ko," kalmadong wika ni Yau habang pinagmamasdan ang pangalan na nakasulat sa pinto ng kanyang locker. 

Imbes na magpadala sa inis, binuksan na lamang niya ito at inilagay sa loob ang bitbit na jacket.

"Wishing death for someone while there's a vigil on the other side of the campus? The bad girl that you are, Babe."

Napangisi si Yau nang marinig ang boses mula sa kanyang likuran. Sinara niya ang pinto at dahan-dahang humarap sa kasintahan. "Says the guy who asked me to stay here instead of attending the said vigil."

"Last time I checked, it was you who asked me to stay here with you," tugon naman sa kanya ng binatang nakasuot ng pink varsity jacket sa ibabaw ng uniporme. Gaya niya, may ngisi ring naglalaro sa labi nito.

Sumilay ang pilyang kislap sa mga mata ni Yau. Hinawakan niya ang kamay ng binata at unti-unting sumandal sa locker na nasa kanyang likuran. Humakbang naman ito palapit sa kanya at marahan siyang niyakap sa baywang. 

"Sinungaling ka na ngayon, Aldred?" biro ni Yau gamit ang malamyang boses habang malagkit ang pagkakatitig sa mga mata nito.

Umiling naman si Aldred at bahagyang tumawa. "You know you can drop the whole tough girl image when you're with me, right? Just be the softie that you really are and admit that you miss me."

Natawa na lamang si Yau at napailing-iling. "Yabang mo talagang leche ka."

Lalong natawa si Aldred dahil sa kanyang sinabi. Bahagya itong yumuko at mas pinaglapit pa ang mga mukha nila. "Nakita ko ang ilan sa mga kaklase mong tumakas mula sa vigil para gumawa ng homework sa library. I bet you haven't done yours too?"

Pabirong sumimangot si Yau at umirap. "Basketball player, vice president sa student council, at ngayon homework police? Dami mong ganap sa buhay."

"You flatter me too much, Babe." Ngumisi na lamang si Aldred, marahan siyang binitiwan at pinatalikod. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at giniya patungo sa direksyon ng elevator.

"Are we going to make out somewhere?" Humahagikgik na bulong naman ni Yau sabay lingon sa mukha ni Aldred.

"No, we're going to finish your homework," tugon naman nito sa pagitan ng bawat pagtawa.

"I hate you so much." Irap na lamang muli ni Yau, hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mukha.

"Library or cafeteria?" tanong ni Aldred nang makapasok sila sa elevator. 

"Cafeteria!" walang pagdadalawang-isip naman niyang sagot at agad na pinindot ang ground floor button.

***

High School LockdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon