Manloloko

61 3 0
                                    

Hanggang sa...............................

"Cha? Mag i'explain ako." Hinabol niya ako. Di ko na alam gagawin ko. Ano ba yun? Bakit may kasama siyang iba? Akala ko mahal niya ako at kaya niya akong pagtiyagaan!? Pero bakit!?!?!

Naglakad lang ako na naglakad. Di ko na pinapansin lahat ng tumatawag saakin. Ang sakit eh. Di ko namalayan tumutulo na pala luha ko. Di ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong idea. Wala akong alam sa nangyayari! Ano ba to?! Ang gulo! Akala ko siya na talaga kasi seryoso ako sa kanya. Pero bakit ko siya nakitang may kasamang ibang babae? Sino yun? Okay lang ang lahat kagabi eh. Pero!? Di ko talaga to ineexpect eh. Ang sakit sakit!!!

"Aya?" May tumawag saking lalaki. Infairness alam niya nickname ko ah? Pinabayaan ko lang.

"Charla!" Sinigawan niya na ako ngayon. Tumalikod ako, nakita ko si crush ay si Vendel pala.

"Bakit ka nadmamadali? At ano yang tubig sa mukha mo?" Pabiro niyang tanong. Grabe ah? Di naman sya ganun ka suplado eh.

"Ah? Hehe. Ito ba? Wala to. Sige, mauuna nako."

"Oy, wait!" Pinigilan niya ako.

"Ano?"

"Samahan mo kong manuod ng sine. Please?"

"Ha? Ah eh..."

"Libre ko. :)" Duh may pacute pa siyang nalalaman. Tsk, sige na na=ga pampalipas oras na lang. Para makalimutan ko man lang si Mike at ang bwiset niyang babae.

Sa sinehan.....

Ang bwiset lang dito! Maraming naglalaplapan na couples! Kadiri! Patayin ko sila eh.

"Oh?" Inalok ako ni Vendel nung popcorn. Eh ayaw ko eh. Di na lang ako umimik.

Ang boring boring, hayyy! Siya pa rin kasi ang nasa isip ko eh! MIKE MIKE MIKE EVERYWHERE WTF!!!!!

"Aya? Magsalita ka naman." Reklamo ng katabi kong ewan. LOL

"Ano naman sasabihin ko?"

"Ewan ko sayo? uhmmmm.."

"Uhmm ano?"

"Si Mike ba yun?" Tanong niya, kilala niya si Mike?!

"Ha? Saan?"

"Ayun oh, kasama niya ata si Sally."

WTF!!!! Bakit andito sila!? HUHUHU. Nag walk out ako. Nabigla si Vendel sa pag-alis ko at sinundan niya ako.

"Bakit ka umalis?"

"Eh kasi..... ugh, salamat talaga ha? Next time na lang ulet! Bye!"

At ayun, tumakbo na ako. Bilis ko kayang tumakbo lalo na ngayon na gusto ko ng umuwi at umiyak.Shete! Dapat strong ako eh! Ano ba to!? Bwiset!

Sa bahay.....

Sinalubong ako ni mama with a smile. Tsss, inirapan ko na lang siya badtrip ako eh at tumungo ako sa kwarto at nagkulong.

(AN: Sorry for the slow updates guys! But thanks for reading my story. Please support me til the end! Thanks and lovelots!) - ayabaee ♥️

Mahal Ko o Mahal Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon