Take Time To Realize

13 2 1
                                    

Gusto ko siya. Mahal ko siya. Ayaw kong magbreak kami. Kinuha ko phone ko at tinext ko siya.

"Mike, di ko kaya. Tayo na ulit. Sorry bibigay ko na lahat sayo."

Di ko alam gagawin ko. Basta alam ko na ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Ayaw na ayaw ko  nadudurog ako. Hinintay ko lang yung reply niya.

Hanggang sa..

*tooot*

"Cha?"
- Carlo

Akala ko siya. Umasa ko. Tangina naman to oh! Nakakabadtrip na.

"Bakit?" Reply ko.

*tooot*

"Okay ka na ba?"

Duh Carlo. Obviously... hindi!! Bakit ba kelangan niya pa magtanong naiirita na ko. Nakakabadtrip.

"Okay. Wag ka muna magtext pls."

Sabi ko. Naiirita kasi ako di ko naman alam bakit. Basta gusto ko si Mike. Si Mike babalik siya. Umiiyak nanaman ako. Di na nagreply si Carlo. Wala kong pake. Basta si Mike magtext okay na ko.

*tooot*

"Tama na Char. Paninindigan ko si Clowie."

Tinadtad ko siya ng text na nagmamakaawa na balikan niya ko at wag kay Clowie. Pero.. di na siya nagrereply. Di ko na alam gagawin ko. Tinawagan ko na siya di niya sinasagot. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila.

Nagbihis ako. Malakas ang ulan sa labas. Nakikiiyak yata sa pag iyak ko. Lumabas ako nf bahay na walang pake kung mabasa man o ano. Sumakay na ko sa taxi papunta kay Mike.

Mabilis ang jeep di ko lang namalayan nandito na ko sa harap ng bahay nila. Magdodoorbell na ba ko?

*ding dong*

Wala...

*ding dong*

"Tao po?" Sigaw ko.

*ding dong*

"Mike!!" Sigawan ko sa malakas na ulan. Basang basa na ko pero di ko pa din mapigilan sarili ko.

Nakita ko tumatawag sakin si Carlo, di ko sinagot.

*ding dong*

May lumabas.. di ko pa maaninag dahil sa ulan. Kasama niya si Mike.

"Ako na lang babe." Nakangisi pang sabi nung babae. Nakita kong kumuha siya ng payong. Nung papalapit na siya sakin nakita ko na. Anf kagaguhan nila... si Clowie.

(AN: Hi guys! Napaisip din akong mag update. Baliw ko lang eh! Thank you for reading!!) -charlalingg

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Ko o Mahal Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon