Sino?

250 3 0
                                    

Unang una sa lahat bago ka manligaw, kailangan alamin mo muna sa'yong sarili, "sino ba talaga?" At kung alam mo na ba sa sarili mong "siya na ba?" Okaya naman simple lang, MAHAL MO NA. Ikaw tatanungin kita, handa ka na ba?

Siyempre hindi ako Diyos para sabihin na dapat ang ligawan mo maganda, matalino at kung anu ano pang dream girl mo kasi ang pag-ibig wala namang mata yan eh? Kung sino yung nagpapatigil ng mundo mo sa tuwing dadaan man siya sa harap mo, o kung sino yung taong sa tingin mo may pag-asa ka, kung wala naman, dito na pumapasok yung "friends" lang kayo kasi alam mo na nga sa sarili mong ayaw sayo at gamay mo naman na ilang siya sa'yo BAKIT MO PA PINIPILIT?

Mahal mo kung mahal pero, tol! Gamitin mo din naman utak mo, sa totoo lang maraming nagdadaan sa matagal na panliligaw at sa huli wala din naman napapala kasi nga SAPILITAN! Paminsan imulat din ang mata kasi hindi mo namamalayan napagiwanan ka na ng panahon kakahabol mo sa maling tao. Kaya mahalaga eh sure kana sakanya at alam mong may chance kayo.

Paano Nga Ba Manligaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon