Do's & Don't's

223 1 0
                                    

Kung nanliligaw ka na o kahit hindi pa, mahalaga yung may background ka na sakanya,

1.) Just Friends - 'wag kang magmadali. Walang magandang napapala ang mabilis na isinagawa. Siyempre kapag nagstart kayo sa friends nandon na yung binubuo niyong tinatawag na "foundation" ng relationship niyo in the future, kasi mas makikilala niyo ang isa't isa at hindi kayo total strangers.

2.) Respect - siyempre hindi na nga dapat pinapaalala 'to diba? Ang babae para kasing bulaklak yan, iniingatan para hindi mawala. You handle it with care! 'Wag na 'wag mong sasabihan ng "sexy" ang babaeng nililigawan o liligawan mo dahil may pagka bastos kasi. 'Wag mo din siyang tatanungin ng age niya kung nasa stage na kayo ng 20's & above kasi included yun sa proper etiquette dahil naooffend ang babae kapag tinatanong siya ng age niya kapag obvious naman na may edad na.

3.) Compliment - ang babae, gusto niyan nasasabihan siya ng maganda. Kaya naman kung kaya mo, araw arawin mong sabihan siya ng maganda. Hindi lang maganda ah? Kahit anong positive words or strength ng personality niya dapat sinasabi mo sakanya kasi gumagaan ang loob niya sayo at mararamdaman niyang mahalaga siya para sa'yo. Walang tanong tanong sa ganda.. Kapag naman nanliligaw ka kadalasan mahal mo na, eh kailan ba pumangit ang taong mahal mo?

4.) EFFORT - oh ayan naka emphasize na para malaman mo na ang babae hindi yan kakagat kung walang masarap na ibibigay. Hindi ko sinasabing bumili ka parati ng mamahaling gamit at bulaklak dahil ang tunay na babaeng worth it, yung babaeng sa simpleng banat lang kikiligin na, sa simpleng letter lang masaya na. Maraming lalaki/babae ang nagkakamali sa perception na "chocolates & flowers" lang katapat ng babae, well HINDI. Gusto niyan yung "time" mo, "care" mo, at siyempre "attention" galing sa'yo. Patunayan mong karapat dapat ka sa OO niya.

5.) Be a Gentleman - sa generation kasi ngayon nakakalimutan na ng mga nanliligaw yung mga simpleng bagay na nagpaparamdam sa babae na safe sila sa'yo, hindi diyan nawawala yung pagsabi mo nang "after you" o kaya naman "mauna kana" kapag papasok kayo sa isang lugar at siyempre naman dapat pagbuksan mo pa din siya ng pinto. Huwag mong MUMURAHIN at SASAKTAN (physically) ang taong mahal mo. Sinasabi ko sa'yo papatawarin ka niya pero nandon parin yung sakit na iniwan mo, hindi yun sugat, hindi yun pasa, nasa puso niya nayun at alam niya na mauulit pa yun kaya masakit para sakanya.

6.) Be a Man of Your Word - 'WAG NA 'WAG KANG MAGPAPAASA! Bastos yung iiwanan mo siya nang biglaan nang wala man lang katanggap tanggap na dahilan. Kung sinabi mong manliligaw ka, siguraduhin mong nandiyan ka pag sasagutin ka na niya. Mahalaga ang chance na binibigay sa'yo ng babae kaya be sure that you make that count! 'Wag mo din paghihintayin ang babae kahit physically, kasi nanliligaw ka eh, hindi mo dapat hayaan mag-isa yung taong mahal mo.

Paano Nga Ba Manligaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon