chapter 2:

87 0 0
                                    

Jess ? Kumain ka na .

Bumakas yung pinto , hinila ko yung kumot at tinakip ko sa mukha ko. ayokong makita niya yung mukha ko.

Umiiyak ka nanaman ba ?

Ok lang ako, paki iwan nalang yung pagkain diyan.

Pero jess, alam ko naman na hindi mo kakainin yan eh.

Tinanggal ko yung kumot na nakatakip sa mukha ko.

Sabi ko na nga ba umiyak ka nanaman eh, nag away nanaman ba kayo?

Umupo ako ng maayos, oo, nagsimula nanaman tumulo yung luha ko.

Ano nanaman bang ginawa mo?

Huminga ako ng malalim, nakakaasar kasi siya e, wala siyang tiwala sa akin.

Haay naku sis, hindi naman sa kinakampihan ko siya ha? pero sino ba namang hindi magagalit kapag nakita niya yung girlfried niya na may kasamang ibang lalaki lagi? alam ko yan lagi ang pinagaawayan niyo. kahit nandoon ako sa kwarto ko naririnig ko parin yung mga sigawan niyo. umiling iling pa siya.

Sa tuwing may problema kami ni steven laging nandito si mean para pagalitan ako ang nagiisang kasama ko dito sa apartment, malaki naman itong apartment na ito e, matagal ko na nga palang kaibigan yan si mean simula palang noong nagtrabaho kami sa flower shop, naging sobrang close talaga kami. pero sa tuwing nagaaway kami ni steven imbis na kampihan niya ako pinapagalitan pa ako.

Pero mae, kababata ko lang naman yun e. ilang beses ko nang sinabi kay steven na kababata ko lang si rey, kaya walang dapat pagselosan. tsk!

Oh anong balak mo ngayon? susuyuin mo nanaman siya?

Sa tuwing nagaaway kasi kami ni steven lagi ko siyang sinusuyo, simula noong nagkakilala kami ni steven sa bar, at simula noong nalaman kong wala naman pala talagang nangyari sa amin noong gabing iyon, hindi na ako nilubayan ni steven, niligawan niya ako, ilang beses ko na nga siyang binasted e, pero wa epek, dahil sinusuyo parin niya ako ng sinusuyo, hanggang sa na fall na rin ako sa kanya, ang nakakaasar lang sa tuwing may nakikita siyang lalaking kasama ko, iniisip niya na may namamagitan sa amin ng lalaking iyon, kaya nauuwi sa awayan palagi.

Ano pa ba ? haaaaaays.

Ewan ko sa inyo, para kayong mga bata, sige kainin mona yan, at maligo ka na, ilang araw ka nang hindi pumapasok, bawal umabsent ngayon. hihintayin kita sa shop ok? bye.

Sige ingat ka. lab you. tapos kiniss ko siya sa cheeks.

Pagkatapos kong kumain, naligo na ako at pumunta sa shop.

Good Morning Maam, bati ko doon sa may-ari ng shop.

Oh buti naman pumasok ka na? ok na ba kayo ng boyfriend mo?

Close nga pala kami dito sa boss namin, mabait naman kasi siya at maganda pa, lahat kami pretty dito, kailangan daw yun para makahatak ng customer.

Ahm, hindi pa po maam, pero magiging okay din po kami.

Mabuti naman, para hindi na naapektohan itong business ko, kapag umaabsent ka e kumukonti ang customer ko e.

Haha maam talaga! para naman pong sinabi niyong ako lang ang marunong makipag sales talk dito na may kasamang pangaakit. hahaha

Oh ayan oh! may customer na agad tayo, lapitan mo na.

Para kaming prostitute dito, pero hindi katawan ang binibenta namin kundi flowers, ginagamit lang namin ang ganda namin para makabenta ng maraming flowers. yun lang naman ang kaya kong gawin e, hindi naman ako makahanap ng mas magandang trabaho, high school lang kasi ang natapos ko, namatay kasi ang mga magulang ko noong 5 years old palang ako, car accident, hindi ko nga alam ang gagawin ko noon e, hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, mag isa nalang ako. pero hindi ako pinabayaan ng nagiisang tita ko. sabi niya pag aaralin niya daw ako pero hanggang high school lang, dahil may pamilya din daw siyang bubuhayin. pagka Graduate ko nang hs may nagsabi sa akin na pumasok daw ako dito sa flower shop na ito, bagay daw ako dito dahil maganda daw ako, at tiyak na magugustuhan daw ng mga customer kapag mga magaganda ang nagbebenta sa kanila. kaya ito ako, umupa na ko ng sariling apartment kasama si mean, kailangan kong matutong mabuhay mag isa.

<MEET MY LIBERATED GIRLFRIEND> (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon