Chapter 14

42 5 4
                                    

Sa wakas! Pagkatapos ng nakakapagod na araw, nakaupo rin ako. Sobrang pagod pero ang saya.

Tinaas ko ang hawak kong baso na may lamang lambanog, napangiti ako bigla. Pangit ng lasa nito nung isang gabi eh. Bakit ang sarap na ngayon?

Inikot ko naman ang tingin ko sa paligid. Malamig but nasanay na yata ako. Ang lakas ng ihip ng hangin pero nakasleeve less ako ngayon. Hahahaha! Nandito kasi kami sa tabing dapat. Naghahalungkat ng makakain si Ken sa likod, si Pau at Stell nagbababad ng paa doon sa dagat tapos si Jah, nagpipicture.

Di ko na sasabihin ginagawa nung isa kasi wala naman akong pakielam sakanya. "Aray!" Sapakin ko talaga to bakit nambabato!!!

"Ay hala di naman malakas. Di naman sadya" nang aasar pa yung ngiti nya. Hays. Pupunitin ko talaga yang labi nya eh, hintay lang ako ng right timing.

Papansin

"Bakit ka nakangiti?" Napalingon ako sakanya dahil sa tanong nya. Ako? Nakangiti?

"Di naman ako nakangiti"

"Weh? Mapupunit na labi mo"

Uy gagi totoo ba?

"Ganyan ka ba kasaya kasi katabi mo ko?" He giggles kaya ang sarap lang hampasin!

"Hoy asa ka no. Sino ka ba? Ano ka ba gold?"

"HAHAHAHAHAHAHA"

Kapag itong lalaking to yung kausap ko, lagi nalang nakakunot noo ko! Magkakawrinkles ako nito eh!

"Pag nakakunot noo mo, ang cute mo" he said pagkatapos nya akong tawanan ng ilang minuto. Ah ganon? Cute lang ako kapag nakakunot noo ko? Dapat ba lagi ko nalang to ikukunot para masabihan nya ng cute? Eww

Dumakot ako ng buhangin at saka hinagis sakanya. Ayoko syang kausap, naistress ako. "Lumayas ka dito!!" Tumatawa syang tumayo at saka lumayo sakin. Nilapitan nya sila Stell at Pau.

Aba iniwan nga ako!

---

Tinungga ko yung lahat ng laman ng baso ko. Nakakatatlong baso palang naman ako di naman ako malalasing. Mataas alcohol tolerance ko no! Minsan lang talaga ako malasing ng sobra.

"Wag ka ngang uminom. Nakakatakot kang malasing" bigla nalang may umagaw sa baso ko. Bastos ka Josh

"Mawalang galang na po kanina pa kayo naghaharutan. Gusto ko lamang pong ipaalam na anim po tayo dito. Gusto nyo bang maiwan na muna namin kayo?" Sarkastikong sabi ni Stell kaya natawa ako bigla. Bakit naman nila kami iiwan.

"Kayo, napakamapang asar nyo no? Dyan ba kayo nabubuhay?" Tanong sakanila ni Josh. Oo nga naman! Dyan ba sila nabubuhay?

"Sige lang inom ka lang dyan, Lyn. Para may dahilan nanaman kayo mamaya para magtabi" biro ni Ken. Kung makapag usap sila parang wala ako dito ah. Di ba sila nahihiya saken? O ako yung dapat mahiya? Exit na ba ko?

I was about to stand kasi kukuha ako ng lambanog but Josh grabbed my braso. Eh? "Saan ka pupunta?"

"Ha? Kukuha ng lambanog baket?"

Agad nyang binitawan yung braso ko kaya nagtatakha akong kumuha ng inumin. Ano problema nya? Tumawa naman yung apat kaya mas lalo akong nagtakha. Huy bakit ba?!

---

Iniwan kami nung apat. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ba sila natatakot na baka magsapakan kami nitong Josh na to? Alam naman nilang kapag kaming dalawa lang, nagsisigawan kame.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now