PROLOGUE

7 2 7
                                    

      "LALONG lumalakasang alon ,ah." Tinig sa likuran ni Sydel. Matagal na siyang nakatayo sa deck at napansin na niyang palaki ng palaki ang mga alon.

           "Oo nga,eh." Sagot niya kay Rex, isa sa may limandaang pasahero ng barkong M/V Kareeshia Leigh na kasalukuyang bumibiyahe patungo sa Maynila galing Cebu. Unang araw ng kanilang paglalayag. Kanina lang niya nakilala ito. Napag-alaman niyang isa itong seaman sa Caribbean at umuwi lang sa Cebu upang dumalo sa kasal ng kapatid nito.

         "Hay, nakaka-tense nga, 'no? Sana'y safe tayong makarating sa Maynila."

        Magsasalita pa sana ito nang isang napakalakas na pag sabog ang yumanig sa barko. Napakapit itosa lalaki. "Shit!"

      "God A-ano 'yon?" Nanghihitakutang sambit niya.

       "Don't panic. Dito ka lang. Kumapit ka ng mabuti sa railing. Pupunta ako sa baba para makibalita."

        Bago pa siya nakatugon ay tumalikod na ito. Narinig niya ang collective shreaks of panic ng halos lahat ng pasahero. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang kakaibang paggalaw ng barko. Tumatagilid iyon!

          Nag panic na siya nang tuluyan. Bago pa siya makakilos ay nakabalik na si Rex.

          "Sydel, may butas ang ilalim ng barko! Lumulusot ang tubig sa cottage five! We have to save ourselves!" Hapung-hapong pagbabalita nito.
           
           "Hintayin mo ako rito. Huwag kang aalis hangga't hindi ako bumabalik. Kukuha lang ako ng life vest"
  
           She nod to shock to speak.

           Chaotic na ang estado ng boung barko. Nagsisipaglabasan na sa kanya-kanyang mga cabin ang iba pang pasahero. Lahat ay nag iiyakan na.

           "Oh, God! Save us, please...." bulong niya. Saka sumagi sa isip niya ang kanyang anak na si Cinnamon. God kailangan pa ako ng anak ko.

            Nauntag siya sa paghagis ni Rex ng life vest sa kanya.

           Nanginginig na tumalima siya.

           Hinawakan nito ang kanyang braso. "Halika, doon tayo sa ibang crew. Sasakay tayo sa rubber boat para makalabas ng barkong ito."

           "Abandon ship! Abandon ship!" The ship captain's voice boomed

            Natulala lang siya sa mga salitang narinig. Hindi na niya narinig ang ibang salitang sinabi ng kapitan.

          Halos hindi na rumehistro sa isip niya ang mga sumunod na pangyayari. Nabingi siya sa sigawan at iyakan sa paligid. Nagpatianod nalng siya sa paghila  ni Rex sa kanya. Tinalian nito ang kanilang katawan para makababa sila ng barko patungo sa rubber boat na palutang lutang sa tubig.

          Mayamaya ay naramdaman niya ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Mabilis na niya iyon. May text message siya pero hindi niya na binasa iyon. Nag-speed dia siya kay Marilyn, ang yaya ni Cinnamon, ngunit naka-off ang cellphone nito.
 
            Hindi na siya nag dalwang-isip na i-dial ang and landline number ng mga Pastrano. Matagal na niyang pilit na binubura sa memorya niya ang numerong iyon, kasama pa ang iba pang bagay na may kinalaman kay Vyron Kherr Pastrano.

         Pero nang mga sandaling iyon nagpasalamat siya na matalas ang memorya niya at hindi parin napapaitan ang naturang numero.

        Kailangang makausap niya si Vyron bago pa mahuli ang lahat.

      "Manang, si Sydel ito!" bungad niya nang mabosesan ang mayordoma sa mansyon na si Manang Salina. "Gusto kong makausap si Vyron. Emergency lang po,please!"

        Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. Marahil ay hindi nito inaasahan ng pag tawag niya.

        "Nasa kwarto niya si Señorito Vyron. Paluwas siya sa Maynila mamaya...... Ah, ikaw pala,Señorito. Para sa'yo ang tawag. Si..... Sydel"

          Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "Vyron, gusto kong ipaalam sa'yo na hindi nalaglag ang dinadala ko noon. Buhay ang anak ko,ang anak mo. Siya si Cinnamon,  she's four years old. Ngayon ay nasa Greenbelt Radissons siya, sa room two-o-one. Naroon siya kasama ang yaya niya, si Marilyn Meneses. K-kilala ka ni Marilyn dahil naikukwento kita sa kanya,: pahayag niya sa nanginginig na tinig. There was no time to waste!.

        "K-kapag nakita mo si Cinnamon, you will know she is yours. K-kamukhang-kamukha mo siya..." tuluyan na siyang napaiyak.
 
          "Go to hell, Sydel!" Sabi nito sa  malamig na tinig.

        Hindi niya pinansin iyon. "Please love your daugther, Vyron. Huwag mong pababayaan si Cinnamon." Nag-disconnect na siya. Hilam na sa luha ang mga mata niya.

        "Sydel?" Napatingin siya  kay Rex. "Tatalon na tayo. Huwag na huwag kang bibitaw sa akin okay?"
       
         Umiiyak siya nang yumapos dito at sumabay sa pagtalon nito. Help me, God. My daughter needs me.....

          Nang makasampa sila sa rubber boat,saka niya pinakawalan ang malakas na hagulhol.


  DALAWAMPU'T anim silang sakay ng rubber boat na nagpalutang-lutang sa ibabaw ng mga dambuhalang alon. Lahat sila ay tahimik na nagdarasal. Mahigpit pa ring nakatali ang kanya-kanyang mga katawan sa lubid na nakatali naman sa bangka. Inabot na sila nang may sampung oras sa gitna ng nagsusungit na karagatan.

          Naninigas na ang mga panga ni Sydel. Pakiramdam niya ay namamanhid ang buong katawan niya. Gustong-gusto niyang matulog upang sa paggising niya ay madidiskubre niyang isa lang palang masamang panaginip ang nangyayari sa kanya sa mga sandaling iyon. Ngunit tuwing napipikit siya, ang nakangiting mukha ni Vyron ang naglalaro sa kanyang balintataw.......    

          

For The Love Of CinnamonWhere stories live. Discover now