CHAPTER 1

7 0 0
                                    

Hong Kong, 2017

   "IS SOMETHING wrong, Miss?"
           
          Napatigil si Sydel sa paghahalughog bg kanyang shoulder bag. Nang mag-angat siya ng mukha ay nabulwagan niya ang gwapong lalaki sa harap niya. Nakangiti ito
    
      "Pinay ka ba?" Tanong nito ng titigan siya sa kanyang mukha.

         Tumangk siya.

    "May prolema ba?"

     "Oo, eh. Nawawala yata ang lintik na wallet ko! Baka sa katangahan ko'y naiwan ko sa hotel. Twenty pesos lang ang laman niyo," aniya, saka bumuntong-hininga. Ipinakita niya rito ang minature  wallet niya na ang totoo ay key chain ngunit pinag lalagay niya ng pera kung minsan.

     Luck charm niya yun kaya hindi niya hinahayaang mawalan ng laman. "Pagtatawanan ako sa money charger pag ipinapalit ko pa ito sa Hong Kong dollar."

   Ngumisi ito. "Oo nga. Teka,saan ka ba pupunta? Sasakay ka rin ba sa ferry?"

   "Oo. Naghihintay na yung kaibigan ko sa Central. May dalawang oras na ata siyang nakaabang sa Worldwide Plaza."

      "Then come with me. Ako ang bahala sa pamasahe mo kung hindi mo na babalikan ang wallet mo sa hotel."

        "Are you sure?" Nag-aanlinlangang tanong niya. Hindi naman niya nararamdaman na masamang-loob ito, but a girl must be cautious, lalo na sa isang foreign land.

     "One hundred percent. Kung gusto mo, iti-treat ko pa kayo ng lunch ng kaibigan mo. How abou that?"sabi nito, sabay kindat.

    Presko, naisaloob niya. But at least, kapwa Filipino siya. "Turista ka rin ba rito o dito ka nag tratrabaho?"

   "Turista. I'm with a friend, actually. Ako nga pala si Vyron Kherr Pastrano, Vyron for short. And you are.....?"

    "Sydel, Sydel Quimzon"

   Hinawakan nito ang braso niya. "Come. You can use my octopus card. Gagamit na lang ako ng coin."

      "Sino 'yong lalakibg naghatid sayo?" Nakakunot ang noo ni Marisse habang nakatingin sa labas ng Worldwide Plaza upang tanawin ang papalayong lalaki.

      "Bagong kakilala," sagot ni Sydel, sabay hila sa kamay ng kaibigan.

     "Tara na! Tumingin tayo ng Filipino food sa ibaba. Anim na araw pa lang tayo rito, pero parang sabik na sabik na ako sa pagkaing-Pinoy. Nami-miss ko na agad ang sinigang na baboy sa sampalok."

    "Hoy, babae, sagutin mo muna ako," naggagalit-galitang wika nito. "Sino 'yong papable na 'yon?"

       "Luka-luka ka talaga! Mag-aasawa kana lang at lahat, umaalembong kapa," nakaingos na sabi niya rito.

      "Masama bang humanga? Eh, sa gwapo naman talaga,eh. It's not as if sasalakabin ko ang lalaking 'yon. Ito talaga."

        Napangiti siya saka nagkwento rito.

     "Papasok na sana ako sa entrance ng Star Ferry nang makita kong wala sa shoulder bag ko ang pitaka ko. Wala akong dala kahit one dollar, as in. Twenty pesos lang ang nasa lucky minipurse ko. Susme, kung maglalakad ako mula sa pier pabalik sa Holiday Inn, aabutin ako ng isang oras! Hulog ng langit ang paglapit ni Vyron sa akin. Inihatid pa niya ako hanggang dito sa Worldwide.Nag-alok siya na bibigyan niya ako ng onr hundred Hong Kong dollar pero sabi ko'y nariyan ka naman. That's all."

       "Gaga. Tinangap mo sana," nakangising sabi nito. "Pero hindi nga? Pinoy siya, 'di ba?"

      "Oo. Turista rin gaya natin"

      "Magkatabi kayo sa ferry. Mabango ba siya? Anong perfume ang gamit niya?" Mahilig ito sa pabango at ayon dito, "maamoy" ang personality ng tao base sa scent na preference niyon.

      "Oriental and woody ang dating. Langetfeld siguro, not sure."

      Nanlaki ang mga mata nito. "Wow! Eh, ano naman napag-usapan niyo habang sakay kayo ng ferry?"

     "Iti-treat niya daw ako ng lunch kasama ka, pero hindi na natuloy dahil biglang may tumawag sa kanya."

    "Narinig ko na tinawag niyang "Donita" ang babae. Baka girlfriend o asawa." Nagkibit-balikat siya.

       "Ay, ganoon?" Parang nawalan ng sigla ang kaibigan niya.

     "Kunsabagay, waffulicious siya. Impossible nga sigurong wala pang bebe 'yon."

      "Oo nga," sang-ayon na lang niya upang tuldukan na ang topic.

     "Tara baba na tayo. Para pakakain, pasyal tayo sa Chater Garden. Kuha tayo ng picture sa harap ni Black Man. Dala ko 'yong digicam ko. Two days kang pupunta sa Beijing at wala akong ganang magkukuha ng pictures nang mag-isa, so dapat sulitin natin ang araw na ito."

      Like regular tourist, halos maghapon ay nag-picture taking lang sila sa magagandang spots na nakita nila. Alas-sais na ng gabi nang maghiwalay silang magkaibigan. Sumama na ito sa Chinese boyfriend nito na may condo sa Cuaseway Bay. Siya naman ay bumalik na sa Holiday Inn.

**********************************************************************

Thanks for reading😘❤
   

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For The Love Of CinnamonWhere stories live. Discover now