"Dating Tayo"

1 1 0
                                    



Dating tayo ay wala na
Dating tayo ay nagbago na
Dating tayo ay hindi na maibabalik pa
Dating tayo ay hindi na mangyayari pa

Yung bawat iyak, ngiti at tawa
Hindi na maibabalik pa
Yung mga pangako mong napako
Dahil sa biglang paglisan mo

Masyadong mabilis ang pangyayari 
Sobrang bilis na hindi ko na alam 
Kung bakit ganito ang kinahantongan sa huli
Kung bakit bigla kang lumisan ng walang paalam

Wala na
Lumisan kana
Pero kahit gaano kasakit 
Alam kong di kita mapipilit
Alam kong wala nang pag asa
Alam kong sa iba kana sasaya

Masakit man
Pero kailangang tanggapin nalang
Mahirap man
Pero kailangan na talagang pigilan

Dahil wala na
Sa piling ko'y wala kana
Dahil masaya kana
Masaya kana sa piling ng iba

Lahat ng yun ay puro nalang mga ala ala 
Ng kung ano ang mga nangyari dati
Na kahit anong gawin ay di na maibabalik pa
Na lahat ay dapat ng ibaon sa limot
Dahil ikaw ay wala na
Tayong dalawa ay wala na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of my Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon