"Pangakong napako"

1 1 0
                                    


Pangako mong di ako iiwan
Pangako mong di ako susukuan
Pangako mong ako lamang
Pangako mong tayo hanggang sa huli

Pero bakit ngayo'y wala ka
Bakit ngayo'y sumuko ka
Bakit ngayo'y may iba na
Bakit ngayon tayo'y wala na

Ano nga ba talaga ang nangyari
Ano nga ba ang dahilan
Anong meron sya na ako'y wala
Ano nga ba ang meron kayo na tayo dati'y wala

Mga pangako mo'y napako
Mga ala-ala'y biglang naglaho
Mga pangarap nati'y nawala
Pag-ibig moy napunta sa iba

Ang masakit lang ay umasa ako
Umasa ako sa mga sinabi mo
Umasa ako na tutuparin mo
Umasa akong hindi ka susuko

Sana di ka nalang nangako
Sana di mo nalang sinabi na di ka susuko
Di sana ako masasaktan ng ganito
Di sana ako umasa sa iyong PANGAKONG NAPAKO



Compilation of my Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon