i. chanwoo

229 12 10
                                    

Dedicated to : missingfangirl

"Hello?"

"Tao po?"

"May tao po ba diyan?"

Nagising ako ng marinig ko yung sigaw mula sa labas. Kaya naman bumangon ako agad saka tinignan yung tao.

"Ano ba?! Ang aga aga ang ingay mo! Sino ka ba---"

"Ay, sorry po. Ako po si--"

"Chanwoo." pagputol ko sa sinabi niya.

"Sorry ah, akala ko kasi ibang tao eh."

"Okay lang po noona. Andito po ako para sunduin si Hanbin hyung, kahapon pa po siya wala sa dorm namin eh."

"Ano?"

"Opo, di pa siya nagpapakita sa'min simula kahapon. Baka po nandito lang eh." malungkot na saad ni Chanwoo, hay nako kawawa naman si Chanwoo, lagi nalang ginagawang Chanmaid. Hays.

"Nako Chanwoo wala kasi siya dito eh, tatawagan ko nalang sag---"

"Naka-off po phone niya. Tinawagan namin pero pinatayan po kami eh."

"Hala. Teka tatawagan ko family niya."

"Sige po."

"Pasok ka muna." saka ko binuksan ng tuluyan yung pintuan.

Kinuha ko agad yung telephone saka di-nial yung number ng parents ni Hanbin.

Hello?

Hello po? Si Hanbin po ba nandiyan?

Si Hanbin? Di ba niya nasabi sayo, pupunta daw siya ng Busan. Nung tinanong ko kung bakit, ayaw niya naman sabihin, Mae, ano bang nangyari sainyong dalawa?

T-tita, totoo po ba?

Aba siyempre naman, hello? Iha, andiyan ka pa ba? Hello? Hello!!!

Nabagsak ko na ng tuluyan yung phone ko at dali dali akong nilapitan ni Chanwoo.

"N-noona, okay ka lang ba?"

"Oo Chanwoo, punta tayo sa dorm niyo."

"Okay noona."

---

Knock knock.

"Hyungs?" sabi ni Chanwoo habang binuksan yung pinto. Nagulat naman ako ng marinig ako ng sigawan.

"Hoy Jinhwan hyung, hindi ko kasalanan kung maliit ka putangina. Ayoko magbayad diyan sa punyetang ano mo na yan ha!" sabi nung ano, Junhoe ba yun?

"At hindi ko din kasalanan kung malaki nguso mo at yang mukha mo. Leche ka rules are rules. Nagmura ka, now pay me a dollar." nakakatakot na sabi ni Jinhwan at hinatak ang collar nung Junhoe.

Nagulat din ako nang makarinig nanaman ako ng asaran.

"Hoy Donghyuk." tawag ni Bobby.

"Oh hyung?"

"Ang haba ng baba mo. HAHAHA!!!!" mukhang nabuwisit si Donghyuk kaya sinagot niya si Bobby.

"Atleast hindi malaki ngipin ko."

"May abs naman ako."

"May abs din ako."

"Wala akong pake." bwisit na sabi ni Bobby at nag walkout. Natawa naman ako kasi siya yung nangasar sabay siya pa nag walk out.

ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon