Unang Biktima

6 0 0
                                    



Ako si Anna, ako'y isang accountant at part-time ko ang maging babysitter. Halos marami na rin akong naging clients. Close talaga ako sa mga bata, parang anak na rin ang turing ko sa kanila. Mostly mga makukulit ang nahahandle ko. Well, hindi naman natin maiiwasan yun, marahil nasa environment na nila ang pagiging bibo at makulit. Ngunit sa lahat ng na handle ko, meron akong naging client na hinding hindi ko malilimutan.





12 years ago


Sir Jacob Calling...

"Hello po! Anna Morales speaking."



"Ah hello, aalis na ako ng mga 9:30. Dumeretso ka na rito sa bahay para maibigay ko na rin ang susi."


"Sige po Sir Jacob, On my way."


 Pagkatapos nun ay dumeretso na ako sa garahe para i-start ang motor ko. Tinignan ko ang gulong kung flat ba at nung pagkakita ko ay ok naman siya kaya ini-start ko na ang motor at pumunta sa bahay nila Sir Jacob. Nagbayad kasi siya para i-babysit ang dalawa niya pamangkin dahil aalis daw siya at wala daw maiiwan para magbantay sa dalawang bata. Pagkarating ko ay nakita ko si Sir Jacob sa garahe nila at ipinark ko na rin ang motor ko.


"Sige, aalis na ko. Yung binilin ko huwag mo kalimutan ah. Babalik rin ako kinabukasan. Ito ang susi." sabay abot sa akin ang susi ng bahay. Ibinilin niya na pakainin ko lang daw, patulugin at iba't iba pang  gawain.


Pagtingin ko pa lang sa may pintuan ay namangha ako dahil malaki nga ang bahay, ang ganda ng interior nito. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang isang mala-anghel na mukha ng isang batang babae at isa pang batang lalaki na singkit ang mata at hindi ko maitatanggi na may kapogian ito, singkit at mas matangkad ito dun sa babae. Malamang ay magkapatid sila.


"Hi ate Anna! Ako po si Maya, at ayun naman po ang aking kapatid na si Hitler" sabay turo sa kapatid at nakangiting hawak hawak ang manika niya.


Ang sama ng tingin sa akin ni Hitler. Pilyo nga raw ito, nabanggit ni Sir Jacob. Inirapan lang ako nito at nagtuloy sa paglalaro na para bang walang pakialam sa presensya ko.


"Ate pagsabihan niyo naman si Hitler, lagi na lang niya akong inaaway" sabi ni Maya na may matinig na boses na may halong tampo.

Um-oo nalang ako at naglakad patungong kusina.

Magtatanghalian na kaya naman nagluto ako  ng sinigang, ayun kasi ang gusto ng mga bata.

Pagkatapos kong magluto ay kinuha ko na ang pot holder dahil mainit-init ito, ilalapag ko sana sa kabilang table nang magulat ako nang biglang sumulpot si Maya at muntikan ko nang matapon ang aking niluto. Buti nalang ay hawak ko itong maigi, kung hindi ay pwede akong mapaso dahil sa init nito. Napasigaw naman ako sa gulat.

"Jusko Maya! Bakit ka ba anak nandito? Mainit itong hawak ko oh, maaari kang mapaso."

"Sorry Ate Anna, na-excite lang po kasi ako. At medyo gutom na rin." Pag-uumanhin nito kasabay ang medyo pagluha ng kanyang mapupungay na mga mata. 

TakipsilimWhere stories live. Discover now