Kapag Bumitaw na ang Lahat

1 0 0
                                    


Sa unang pagkakataong hinawakan ko ang kamay mo 

ay nanginig ang mga palad, dumaloy sa sistema ang lamig at ikaw ang nagbigay init. 

Namatay ang mga ilaw, nangapa tayo sa dilim-- nang pagkaligaw.

nagsindi ako ng kandila at ikaw ng una kong namasdan.

Ngumiti ka. at sa sandaling iyon  ay napaso ako. 

Para bang may pangako ng pananatili at hindi paglayo.

Nasa mata mo ang pagsuko, salubungin mo ako ng yakap nang may pagsuko. 

Hindi mo binigyang pangalan ang mga tingin ngunit batid kong may ibig sabihin.

Sa sinindihang kandila, napaso ako. Dahil hindi tayo handa.

Sa paparating nitong ningas-- init ng pagkabahala at sa sandaling maubos ang ningas nito 

ay mawawala ang init nang pagmamahal, nang yakap, nang hawak sa mga palad. 

Mangingibabaw muli ang dilim, hindi na kita matatanaw, ubos na ang kandila wala na itong ibinibigay na liwanag. Wala na ang liwanag.

At a sandaling ito ay alam kong umalis ka na at naghahanap ng bagong liwanag.

Wala na ang liwanag at ang mga tingin na hindi na pangalanan ay tuluyan ng laho sa dilim. 

Bumitaw ka, pero sa pagkakataong ito ay hindi ka ngumiti para magpaalam.

Wala ang pangako ng pananatili, Wala na ang pagsuko. 

At sa sandaling bumitaw na ang lahat, maaala mo sanang minsan ay nagbigay ako sayo nang ningas.

Na minsan ay nangko ako ng pananatili, ibinigay sayo ang pagsuko sa mga yakap. 

At sa sandaling bumitaw na ang lahat, huwag mo na akong hanapin bilang liwanag. 

Maglayag ka sa malayo, kung saan hindi mo na ako matatanaw. Maglakad ka sa pasikot-sikot ng lugar at hanapin mo ang palad na handa kang hawakan sa gitna ng dilim. 

Patawad mahal, ngunit hindi ako iyon. Dahil ako ang anino mo sa dilim at sa oras na bumitaw na ang lahat ay ako mga palad na hindi magkakait ng kalayaan. 

Maglayag ka ng malaya, ngunit kung sakaling maligaw ka. Magbalik ka sa akin. 

Dahil sa muli mong pagbabalik ay bukas ang pinto at malaya kang makakapasok

Ngunit magdala ka ng sariling gasera, yung hindi mauubos ang ningas.

Dahil sa pagkakataong iyon, alam kong hindi na ako maaring maging kandila mo. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short storiesWhere stories live. Discover now