Huling Paksa ng Akda

1 0 0
                                    

"Happy Birthday Ginoo,
Pasensiya na maikli ang akdang nagawa ko,
Salamat sa mga binahagi mong magagandang litrato,
Pangako iingatan ko ang mga ito,
Hiling ko na sana matupad ang mga Hiling mo,
Maligayang kaarawan muli Ginoo."  Ilang beses Kong pinaulit-ulit ang tula na ginawa ko para sayo.

"Oh tula na naman para sa kanya? Kailan ka magsasawa gurl, sinaktan ka na niya." sermon ng kaibigan ko sa sakin ng makita niyang ginawa na naman kita ng tula.

"Birthday niya kasi, don't worry last na to" sagot ko sa kanya at tsaka pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Hay nako Ella. Sinabi mo na rin sakin yan eh. Pero tingnan mo wala namang mangyayari. Yung tula entry mo sa twitter halos pa tungkol lang sa kanya." patuloy na panenermon niya sa akin.

Nginitian ko lang siya. Ito naman na kasi talaga yung last eh, hindi ko na siya gagawa ng tula nasasayang lang naman kasi.

Pangatlong beses ko na atang Inulit ang tula na ginagawa ko para sa kanya. Baka kasi may Mali, pagdating kasi sa kanya ayoko ng may Mali. 

Ewan ko ba. Gusto ko palaging tama, gusto ko palaging perpekto pagdating sa kanya.

Mapait akong ngumiti bago pindutin ang send. Dati excited siya sa mga tula ko para sa kanya samantalang ngayon parang wala na lang.

"Ris? Kain tayo sa pastry" aya ko kay Ris. Gusto Kong I celebrate yung birthday mo. Kasi naalala ko noon sabi mo "SA birthday ko pupunta ko sa inyo, tapos sabay tayong mag ce-celebrate ng birthday ko"

Pero wala ka na. Kaya siguro ako na lang magisa. At least kahit papano tinupad ko yung Pangako ko.

"Sige Tara. Ngayon na ba?" sagot niya sa akin at tsaka tumayo sa kamang kinauupuan niy.

"Oo, magbihis ka na" Saad ko at tsaka inaayos yung bag na dadalhin ko.

"Pagbibigyan lang kita ngayon Yhel ha. Last na to. Ang tanga mo na. " sermon niya sakin tsaka ko inirapan bago pumasok sa banyo para maligo.

Napabuntong hininga na lang ako sa huling sinabi niya.

Hindi naman siguro masama kung tutuparin ko yung Pangako ko sa kanya diba?

"Happy Birthday" Text ko kayn GD  bago isara ang cellphone ko.

Ang hirap pala kapag sobrang napamahal ka na sa tao. Kahit anong pilit mo sa sarili mo na balewalain yung special na araw para sa kanya at the end of the day hindi mo parin siya matitiis.

Sana dumating yung araw na wala na Kong ibang maramdaman para sa kanya na higit pa sa ka kilala. Ngunit mas mahirap kalimutan yung mga na buong ala-ala.


Short storiesWhere stories live. Discover now