••••
"Indigo," I immediately turn my head when Ivan called my name. I didn't ask but instead I stare at him.
Ngumiwi ito. "Nakakakilabot ka talagang tumitig." hindi na naman ako sumagot at ibinalik ang paningin sa harapan.
"Alam mo naman na siguro na May bagong transferee rito no? At dito pa talaga sa section natin papasok. At alam mo ba babae raw iyon at maganda." hindi ako sumagot.
Hindi naman kasi ako interesado. At malapit na ang bakasyon tsaka pa magkakaroon ng transferee? Pshh!
Natigil ang lahat sa pagdadal-dalan ng pumasok si Sir Lucio at pabagsak na ibinaba ang libro sa History.
"Aba,mukhang napakaayos ng inyong gising at puno ng kolorete ang inyong mga mukha?" sarkastiko nitong saad at inilibot ang paningin sa mga babae. At pagkatapos ay sinamahan sila nito ng tingin. "Nandito ba kayo para rumampa o mag-aral? Ke bata niyo pa, mukha na kayong clown sa peryahan!"
At pagkatapos ay bumuntong hininga. Si Sir Lucio ang prof ng history at ang kapatid naman niyang si Cifer(say-feyr)ang guro namin sa Magkapatid talaga sila dahil kapwa masusungit at palaging mainit ang ulo. Pero magaling namang magturo.
"May bago kayong kaklase." saad niya at tiningnan ang labas ng pintuan. "Halika na rito. Ano pang tinayo-tayo mo diyan?"
Nakita kong pumasok ang isang babaeng purong naka-itim. Halos mapangiwi ako ng maangas itong naglakad habang nakapamulsa na para bang ang kaharap niya ay hindi professor.
"Magpakilala ka," utos ni prof sa kanya.
"I'm Vale,"
"Vale?" tanong pa ni prof na para bang ina-alam ang kasunod.
"Just Vale sir,"
Nakita ko ang pagkalukot ng mukha ni prof sa inasal ng babae. Ngunit nakangisi lamang ang babaeng nagngangalang Vale.
"Aba, napakawalang galang.Pumili ka na ng maupuan at nang makapagsimula na ako." pasinghal na saad nito.
Agad namang naghanap ang mga mata niya at nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ako umimik at tinitigan lang din siya. Dahan-dahang umukit sa labi niya ang nakaka-aliw na ngisi.
Pagkatapos ay naglakad patungo sa akin,sa katabi kong upuan. Napakunot ang noo ko.Kay Blue kasi iyon. Agad kong inilagay ang bag roon para sabihing May nagmamay-ari na no'n. Ngunit halos mapakunot ang noo ko ng kunin niya iyon at inilagay sa armchair ko at umupo sa upuan ni Blue.
"That sit is already owned," may diin kong saad. Mas lalo kong pinalamig ang boses.
Sumandal naman siya roon at pinagkrus ang braso at mga binti. "By whom?Your bag?" nakangisi niyang sambit.
Hindi ako sumagot at tinitigan siya.Nilabanan niya naman ako ng titig. At sa di inaasahan, I feel something on her.
Not like or love at first sight but hate.I don't like her guts. I don't like her smirk. Para kasing sinasabi niyon na pinaglalaruan ka lang niya.
Hindi nalang ako nakipag-away at tinuon ang pansin sa harapan. Nang matapos ay nagpa-quizz si prof.
"Psst, pahingi papel."
Napalingon ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "I said give me a piece of paper." na para bang hindi ako nakakaintindi ng Tagalog sa paningin niya.
Hindi ko siya pinansin at akmang magsusulat na ng kunin niya ang papel ko sa armchair at kumuha ng isa roon. Maang ko siyang tiningnan. What the hell is wrong with her?
Napailing ako at nagsulat ng pangalan.
"Pahiram rin ng ballpen,"
Muli ay napatigil ako sa pagsusulat.I just gave her a deadpan look. Nginisihan niya lang din ako.
Hindi ko na sana siya papansinin ng bigla nalang niyang hablotin sa kamay ko ang ballpen.
"Salamat," itinaas niya pa ang ballpen. Napakunot na talaga ang noo ko.
"You're a thick-faced," di ko mapigilang magkomento.
"And you're a walking heartbreak Sky,"
YOU ARE READING
His Inexplicable Lover (LGIS #1)
RandomThe life of Indigo Skylar Hale is as peaceful as the winter. It maybe cold and boring but it is still peaceful. Spending his days reading educated books, managing the student council and then study. And start over again. Not until some unidentified...