Believe me!

251 7 15
                                    

Ilang minuto akong nanahimik

Iniisip ko kung baliw na ba ako

Na mali ako

Na walang SILA!

Pero, sabi niya babalik siya

Sa tamang panahon

At sa kapalaran ko

I guess, Terrence is existing

Not unless


PANAGINIP lang ang lahat

Lumapit ulit si Eureka sa akin
At hinawakan ang mga kamay ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa, dahil sa nagkakaganito ako. Kumuha siya ng upoan at umupo sa harap ko.

"Gusto mo ba ipaalala ko sayo lahat?" seryosong tanong niya sa akin.

Hindi ako kumurap sa pagkatitig sa kanya. " Lahat?"

"Oo lahat, lahat." iniayos niya ang kanyang pagkakaupo at itinungo ang mga mata nito sa akin.

"Yong nasa school tayo, may bandang pumunta sa school natin para sa opening ng intramurals natin, late tayo nakapasok nun kaya di mo alam na may ganon pa lang program doon, habang ako nakapatong sa upoan para kunan ng litrato yong mga myembro ng banda, hinila mo ang palda ko dahil gusto mo akong bumaba, dahil nga sa wala akong underwear non. "

Kumunot ang noo ko at ngumuso ang mga labi ko.
" Alam ko na yan eh, pagkatapos nun nabagok yong ulo ko kasi nadaganan mo ako, then may tumulong sa atin na dalhin
tayo sa clinic, my question is, why I am here in the hospital yet as what I have remembered nasa clinic tayo? "

"Ganito kasi yon couz ' habang gumagaling na ako, ikaw, hindi ka pa rin nagigising kaya yong dalawang member ng banda na tumulong sa atin nilipat ka dito, eh ako galos lang naman napala ko eh. "

"Dalawang member? sino din sila?"

"Si Jake at Trish, at yong sinasabi mong Alex, Camile at yong boyfriend mo na si Terrence panaginip mo lang yon!, ano ka ba alam mo couz' nakakaloka ka talaga, na'coma ka na nga dami mo ng nakilala, taga Mercury ba yan?" tumawa ito ng sobrang lakas.

Sa inis ko binatokan ko naman siya agad. "Tse!, hindi yon panaginip, alam ko may tinatago ka, pinisil-pisil ko pa nga yong mga braso ko at mukha niya non eh kaya di yon panaginip lang!"

"They don't exist Hana!, and they will never exist, kasi hangin lang sila na gawa gawa mo" tumayo naman siya agad at kumuha ng juice sa table at ibinigay sa akin.
"Siguro wala ng tubig yang utak mo Hana kaya nagha'hang. Inomin muna to ohh " sabay abot sa akin ng baso.

"Totoo nga sila Eureka!" pamimilit ko.

"Hindi nga Hana, hindi! ang kulit mo batokan kita dyan eh dapat di ka na lang nagising dami mong alam."

"Swear! alam ko kung saan aqng bahay nila, kaso ----

"Kaso ano ?, kaso di sila taga dito psh! wag mo na pahirapan sarili mo couz okay, believe me walang Terrence okay?, oo merong panaginip, pero couz tayo din ang gumagawa non."

"Basta! papakita ko sayo na totoo ang sinasasbi ko"

"Psh.! ikaw bahala, hay punta muna ako kay Dok." Aakma na sana siyang lalabas ng biglang sinigawan ko siya.

"Ano ba! maniwala ka sa akin Eureka ohh."

"Alam mo couz, ang sabi lang ni Dok dati baka pagnagising ka na may tendency na magkaka amnesia ka, pero sa pinapakita mo ngayon mukhang di amnesia sakit mo, kundi shunga shunga hay! makalabas na nga lang" lumabas naman ito agad na nakakunot ang noo dahil sa kakulitan ni Hana.

I will prove it
Na totoo si Terrence.
Di ako susuko .
Kailangan kong gumaling agad para mapuntahan ko na siya.
Di ako baliw para magkaganito
Hindi!.

KINAUMAGAHAN,


Pagdilat pa lang ng mga mata ko ay si Eureka agad ang nakita ko. Inisnaban ko lang siya at di tumugon sa ngiti niya. Lumapit ito sa akin at binatukan ako.

"Aray!, bat' mo ba ako binatukan?" hawak hawak ko naman ang ulo ko dahil sa sakit.

"Baka sakaling magka amnesia ka, para di muna ulit ulitin yang Terrence my loves mo hahahaha Goodmorning pala couz '' bumalik naman agad siya sa mesa at hiniwa hiwa ang mga apple sa cellophane.

"Sino bumili niyan?"

"Ako, nagpadala kasi si Mama mo kanina, di pa sila makakauwi eh, may bagyo daw baka next month na lang daw sila uuwi ng Pilipinas " kumuha ito ng bowl at nilagay ang mga apple na nakahiwa na.

Napangiwi naman ako sa narinig. "Lagi naman yan yong rason nila Mommy at Daddy eh, siguro kung namatay ako at natuloyan di pa din sila pupunta sa burol ko." umupo naman ako agad.

"Oh? bat' ka umupo? kaya muna ba?" sabay lapit niya sa akin.

Natawa naman ako agad sa mukha niya "Di mo bagay maging concern masyado sa akin couz, tsaka relax 1 month akong nakahiga dito masakit na likod ko kaya uupo na muna ako okay ang O.A mo hahaha"

Nag pout naman agad ng lips si Eureka "Asar. Pasalamat ka nga eh, concern pa ako sayo " bumalik naman siya at patuloy na hinihiwa ang mga apple.

Bigla namang bumukas ang pinto, at isang nurse ang bumungad sa akin. Nakangiti ito at napakaliwalaw ng mukha.


Yong mukha niya parang pamilyar sa akin, nakita ko na siya dati pa.


"Goodmorning, buti naman at gising ka na, makikita muna ang mundo. Iche-check ko muna yong dextrose mo baka ubos na, baka bukas uuwi ka na." Kumuha siya ng bagong dextrose sa basket na dala-dala niya at ipinalit sa dextrose ko na paubos na. "Pagaling ka ha, alam kong nagtataka bat' nandito ako. Pakaisipin mo lagi na lahat ng bagay may dahilan" ngumiti lamang ito at lumabas.

"Siya si yaya----yong yaya nila Terrence! siya nga!" biglang sigaw ko.

Napalingon naman agad sa akin si Eureka at huminto sa ginagawa niya.

"Sinong siya?," pagtatakang tanong nito sa akin.

"Yong yaya nila Terrence, sabi ko na eh tama ako, he exist! and Im sure buhay siya!" Tuwang sabi ko kay Eureka.

"Ha? t-teka teka, pano mo nasasabi yan?" lumapit siya sa akin at umusisa.

"Di mo ba nakita pumasok yong nurse dito na yaya nila Terrence, pinalitan niya pa nga yong dextrose ko oh tignan mo, di ba paubos na yon kanina?, sabi niya pa bago umalis, lahat raw ng bagay ay may dahilan, totoo ! Totoo siya!" halos di ko maexplain ang saya ko habang kausap si Eureka.

Umiling lamang si Eureka sa akin." Walang nurse ang pumasok dito, walang nurse ang pumalit ng dextrose mo at di bumukas ang pinto ng kwartong to, wala akong narinig na kinausap ka ng nurse na tinutukoy mo! hay Hana naman oh tama na, praning ka na masyado." tinalikuran niya ako at patuloy na hiniwa ang mga apple.

"Pero ------

"Tama na!" sigaw ni Eureka ng mariin.

Nanahimik na lang ako at nagdesisyong humiga.

"Di kita piiliting maniwala sa akin." pinikit ko na lamang ang aking mga mata at natulog.

-----
Here's the new update, sorry kung medy maiksi hehe busy ako ehh
So leave your votes and comments here after reading this part ..thenki :)

©Youngjv01

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's called Like PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon