Chapter 2: Christmas days (On-going)

49 0 0
                                    

Sa buwan ng disyembre palapit na ang pasko at kakatapos lang ang preliminary examination ng institution, bale Christmas Vacation na masayang-masaya ang mga estudyante dahil natapos na din ang unang exam at makakauwi na sila sa mga probinsya  at 'yung iba nanatiling nasa kanilang mga bahay lamang katulad nila Vince at Shyla. Isang araw, may christmas party ang grupo nila Vince sa SM Mall of Asia, nagkakasiyahan ang magkakaibigan at mga kaklase ni Vince at siyempre hindi mawawala ang inuman ng magkakabarkada.

John Vencer: “Shot tayo, shot ,shot shot!”

Martin: “Tagay pa, hahahaha!”

Carlo: “Martin, saan na si Pearl? Hindi mo kasama ah”

Martin: “'Kaw talaga Carlo, wala ka nang bukambibig kundi siya”

Carlo: “Bakit miss mo? Uyy! Pre joke lang”

John Vencer: “Vince, halika dito shot tayo oh!”

Vince: “Sige sige maya maya na'ko”, walang ganang uminom at wala din imik ito kaya't napasin ito ni John at pinuntahan ang kaibigan.

John Vencer: “Oh pre bakit ka nakasad face dyan, tingnan nagkakasiyahan tayo tapos ikaw walang imik dyan parang wala ka dito sa party 'pag ganyan ka”

Vince: “Uhm, sige mamaya na nga wala akong gana ngayon”

John Vencer: “Walang gana? Ano pa't nandito ka pa? Umuwi ka na nga lang”

Vince: “Sorry, pre masaya ang party no! Medyo wala akong ganang uminom”

John Vencer: “Ahhh alam ko na, sa buhay pag-ibig 'yan, alam mo pre 'wag mo nang isipin 'yan kasi masakit lang sa ulo 'yan, magsaya tayo oh kalimutan muna ang mga problema at tsaka pasko ngayon dapat maging masaya tayong lahat di ba?”

Vince: “Oo alam ko 'yun, hindi lovelife ang problema ko”

John Vencer: “E anong pinoproblema mo dyan? ”

Vince: “Uhm, 'yung exam, medyo kinakabahan ako doon baka kasi 'yung iba hindi ko mapasa gusto ko pasado pa lang sa simula tulad dati may hindi ako napasa medyo tigilid ako at sa summer class pahirapan 'yun”

John Vencer: “Hay, naku Vince pati 'yan iniisip mo alam ko naman na sure pass 'yun medyo matalino ka pa sa'kin eh kaya 'wag mo na masyadong intindihan, this is the vacation for rest and enjoy kaya magsaya tayo! Brad!”

Vince: “Oo tama k pre, sige shot na tayo, ano bang iniinom niyo dyan?”

John Vencer: “Uhm, Red horse, GSM Blue at Matador”

Vince: “Grabe! Halu-halo ah, di ba sumakit tiyan niyo niyan? May hard, smooth at strong, ok kayo ah”

John Vencer: “Hindi naman pili ka na lang dyan kung ano gusto mo”

Vince: “Ok!”

            Nagsinungaling si Vince ang totoo niyan naiisip pa rin niya si Roanne, hirap pa rin siyang limutin iyon kaya nakiinom na lang siya upang limutin ang problema iyon. Sa buong gabi ng party halong lungkot at ligaya ang naramdaman niya kaya hindi rin siya masyadong nag-enjoy doon.

            Kinabukasan, tulog na tulog pa rin si Vince at hindi makabangon dahil sa kalasingan kagabi sa party pero hindi niya napapansin na ang kanyang cellphone ang tadtad ng miss calls, napansin ito ng nanay niya at tinawag siya nito pero tulog pa rin ito kaya ibinigay nito sa kanya at nagulat sa nakita niya.

Vince: “Oh! tumawag pala si Shyla, bakit kaya?”, nagtataka kung bakit tumawag ang babae kaya tinext niya muna ito kinaumagahan. “Gud murning, bkit k tumwg k kgbi?”, hindi agad nagtext si Shyla dahil maraming gingawa ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon